Prologue
"Dito ka ba kakain mamaya, Den?" Tanong ng dalaga nang pababa na ito ng hagdanan.
"I told you not to call me that. It's Jayden not Den. Only Samantha can call me that. And to answer your question, no. I'll stay with Samantha tonight." sagot nito at hindi na hinintay makapagsalita ang dalaga at umalis na ito.
Napakagat ng labi ang dalaga at unting napaupo sa hagdanan. Pilit nilalabanan ang sarili na umiyak.
'Den.'
It was her who gave that nickname to Jayden, kaya lang inangkin ito ng kanyang kapatid, si Samantha. Unti-unti siyang napapikit ng mariin ng maramdaman ang pagsikip ng kanyang dibdib. Halos pagapang niyang tinahak ang kwarto niya at mabilis kinuha ang gamot sa drawer nito. Walang pagdadalawang-isip na ininom niya ito at lumipas pa ang ilang minuto, bumalik na sa normal ang pagtibok ng kanyang puso.
Napangiti ng mapait ang dalaga nang makita ang wedding picture nila ni Jayden. Kahit sa papel lang, masaya na siya na siya ang pinakasalan ng lalaki. Masaya na siyang tinupad ng kanyang kababata ang kanyang hiling na pakasalan ito, kahit na alam niyang hindi naman siya ang mahal nito. Ang katumbas ng pagmamahal ni Sol para kay Jayden ay ang paglala ng kanyang sakit sa puso. Sakit na kahit magulang nito ay walang kaalam-alam.
"I love you so damn much that it kills me, Jayden."