Soleil
"Son, this Mr. and Mrs. Auxtero, and their two lovely daughters, Samantha and Soleil..."
"...And Soleil, this is Jayden Chavez, your soon to be husband."
"PO/WHAT?!"
Gulat na tanong namin ni ate Sam at ni Jayden. Napatingin ako kay Jayden at bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Sino ba naman kasing hindi magugulat. Ang buong akala namin simpleng business dinner lang pupuntahan namin.
"Mom! What is this all about?!" galit na tanong ni ate Sam.
"To strengthen our business, we decided to do collaboration with Chavez Corporation and with the other investor. This is for the best for our business, Sam anak." mahinahong sagot ni mommy.
"Why her?! bakit hindi na lang ako?!" galit pa rin na tanong ni ate Sam habang dinuduro ako.
"Don't raise your voice to your mother, Samantha." ma otoridad na sabi ni daddy.
"B-but--"
"We already made a decision, and that's final. Besides, they are suitable to each other." sagot ni mommy at nakangiting tumingin sa akin.
"But..."
Napatingin kaming lahat kay Jayden nang magsimula itong magsalita.
"But I don't love her nor like her..."
Aray.
Napayuko at napakapit ng mahigpit sa suot kong dress. "Okay lang po. Mas bagay po si ate Sam tsaka si Jayden." pilit na ngiting sabi ko.
"No. Whether you guys like it or not, buo na ang desisyon namin at hindi na magbabago iyon."
"No... I will not accept her as my bride. May iba po akong mahal, at siya lang po ang pinakuan ko ng kasal." sagot ni Jayden atsaka tumayo at lumabas ng restaurant.
Pinanood ko siyang maglakad hanggang sa makalabas ito. Napangiti ako ng mapait at tumingin kay ate Sam. Hinawakan ko ang mga kamay nito. "Sorry ate..." mahinang sambit ko pero sapat na iyon para marinig niya.
"Wag mo kong ma ate ate. Hindi kita kapatid." malamig na sagot nito at marahas binawi ang kamay niya at nagmamadaling lumabas ng restaurant.
Wala akong magawa kundi ang mapayuko. Pilit nilalabanan ang lungkot.
"Pasensya ka na sa inasal ng anak ko, ijah. Di bale, papayag din yun at sigurado akong magugustuhan ka din niya." Nakangiting sabi ni Mrs. Chavez.
Gumaan man ng konti ang pakiramdam ko, di ko naman malilimutan ang sinabi ni Jayden.
"I don't love her nor like her. Iwill not accept her as my bride. May iba po akong mahal, at siya lang po ang pinakuan ko ng kasal."
Masakit pa lang marinig mula sa taong pinakuan ka ng kasal dati na ngayon ay ayaw ng makasal sayo.
Fast forward...
Tahimik lang ako sa buong biyahe habang papauwi sa mansyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwalang ikakasal na ako sa lalaking pinagmamasdan ko lang sa malayo.
Jayden...
Sumagi naman sa isip ko ang bilin sa akin.
Mas mabuti pa lang ayaw niya sa akin, nang sa ganun hindi na ko mahihirapan pang iwanan siya. At hindi na siya masasaktan pa.