Demonyo
Marami na akong napagdaanan sa buhay. Sa sobrang dami, napagod na akong isa isahin pa. I'm tired of counting the possibilities of my misery. Noong nasa kulungan pa ako, ang pakiramdam ko nga ay araw araw akong tumatawid sa lubid na ang dulo ay kamatayan. It sucks to know that loneliness can easily kill sanity of the human. There is no happiness for me in this world.
May pilat na pansamantala lang at nabubura kaagad. Ngunit mayroon namang pilat na sagad hanggang pagkatao. Hindi na mabubura iyon gaano ko man naisin. It will stay there, forever.
Unfortunately, I still have this scars in my heart. The most painful one. Akala ko ay nabura na. Lumipas lamang pala ang panahon pero nandito parin, tahimik na nagpapaalala sa mga sakit na dinanas ko noon. Traydor na umaatake sa tuwing mapapag-isa ako.
At isa si Sepp sa mga taong nagbigay sa'kin ng ganitong klaseng sakit. It was inevitable. Para siyang isang epidemya na pumapatay sa aking buong katinuan. Too bad, I couldn't make my own vaccine for this incurable disease. Kahit pa ang sapat na panahon ay hindi kayang pagalingin ang sugat na sobrang napinsala.
Inaamin ko isang araw na ang nakalipas pero nang makita ko siya ay hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Naghalo halo na. Basta ang alam ko lang, dapat ko siyang layuan at pilitin na hindi magtatagpo ang landas naming dalawa.
Most specially ngayon na sobrang taas niyang tao at makapangyarihan. He's currently a mayor of this city and I'm just an ex-convict girl. Maari niya akong ipabalik sa kulungan sa isang salita niya lamang.
Pero, alam na kaya niyang nakalaya na ako? Umiling ako. Imposible. Kung alam man nito ay baka hindi na natuloy pa ang pagbigay ng parol sa'kin. I should be careful. Pakakatandaan ko ang layunin ko sa aking paglaya.
“Miss, may schedule ako ngayon kay Sidney.”
Nag-angat ako ng tingin mula sa aking malalim na pagiisip nang may dalawang kliyenteng lalaki ang lumapit sa'kin. May katabaan ang isa na salungat sa kasama niya na payat. Kapwa silang nakangisi habang nakatitig sakin. Nakakaasiwa rin ang uri ng mga tingin nila. Tila mga gutom sa laman ang anyo.
“Ano pangalan niyo sir?” tanong ko naman. Pansamantala, ako muna ang nakaassign ngayon sa counter dahil absent si Jackson. Si Sidney ang may kagustuhan na ako muna ang humalili rito ng hindi man lang kinukunsulta sa amo naming si Ravi. Umangal ako no'ng simula pero mapilit ito kaya bumigay na rin ako.
“Ismael. Pwede pakibilisan dahil naiinip na ako.”
Mabilis kong kinuha ang logbook sa ilalim ng counter para tingnan ang pangalan niya roon.
“I‘m sorry sir pero ibang pangalan ang nakaschedule kay Sidney ngayon.” Ani ko at muling pinasadahan ang logbook upang makasigurado.
“Miss, icheck mo mabuti. No'ng nakaraan pa ako nakapagpa-schedule rito ” Aniya na may bahid angas.
Agad kong napansin ang pamumula ng kanyang mga mata, nangingitim ang palibot noon. Lubog at nanlalaki ang mga tingin. Parang katatapos lamang sa pot session. Kabisado ko na ang ganitong galawan, sabog na ito. Nasa estado ito na maaring makapanakit ng kapwa.
Pilit ang aking ngiti at saka umiling. “Sir, nacheck ko na. Wala talaga ang pangalan niyo rito sa logbook.”
Naglaho ang ngisi niya. “Bago ka ba rito? Nasaan na ‘yong lalaki? Siya ang gusto ko makausap.”
“Wala po siya ngayon. Kung gusto niyo sir, ireschedule nalang uli natin ang appointment ninyo kay Sidney. Sa ngayon kasi ay abala siya sa ibang kliyente kaya hindi niya kayo maasikaso.” Mahinahon kong sabi sa kanya.
Tuluyang nang bumalasik ang anyo niya. “Alam mo ba kung gaano kahirap magpa schedule rito? Ang tagal kong naghintay tapos ay pauuwiin mo lang ako.”
Napabuntong hininga naman ako. Natanawan ko ang isang tatto artist ng shop na kalalabas lang mula sa workstation nito. Mukhang tapos na ito.
Muli ko'ng binalingan ang iritableng customer. “Sir, irerekomenda ko nalang kayo sa nabakante naming artist para hindi na masayang ang pagpunta niyo rito.” Suhestiyon ko pa.
“Nasisiraan ka ba? Nakikita mo ba ang mga tatto ko sa katawan? Si Sidney ang nagsimula nito at siya ang gusto ko tumapos!” pag-i-iskandalo niya. Nahampas niya pa ang ibabaw ng counter.
Nagulat pa ako sa biglaang pagsigaw niya. Pati ang kasama niya ay ganoon rin ang reaksyon. “Pasensya na kayo sir, pero kung hindi kayo papayag sa ibang—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ng bigla niyang hawakan ang braso ko at hilahin. Napangiwi ako sa sakit. “Bitawan mo 'ko nasasaktan ako!”
“At bakit?” nasisiyahang tanong niya. “Nagsayang lang ako ng oras dito tapos wala akong mapapala!” aniya na hinila ako palapit sa kaniya.
“Pre, bitawan mo na. Baka malintikan tayo at magreklamo ‘yan sa parak.” Pag-awat sa kanya ng kasamahan nito. Mas mukha namang matino ito kaysa sa lalaking walang modong hinahatak ang braso ko.
Tumingin lang siya sa kaibigan at tumawa na parang may kasiraan sa utak. I was right, delikado ang pagiging high nito sa droga.
Kakaiba na ang kinikilos niya at masasabi ko na nakabatak ng matinding ipinagbabawal na gamot ang lalaki.
“Papayag naman akong magpa reschedule basta sumama ka sa'kin.” Sabi pa niya at marahas na sininghot ang kamay ko. Nangilabot ang buo ko'ng sistema sa ginawa nito. Hindi ko nagugustuhan ang pinahihiwatig ng sinabi niya.
Sinubukan kong hilain ang aking braso ngunit mas humigpit ang hawak niya roon. “Bitawan mo sabi ako! Hindi ko naman kasalanan kung hindi nakalista ang pangalan mo!” singhal ko sa harap ng kanyang mukha. Pilit tinatapangan ang sarili.
“Abat matapang ka pa!”
Tumaas ang kamay niya at akmang sasampalin ako nang may malaking bisig ang pumigil noon sa ere.
Gulat na binalingan ko ang pinagmulan ng kamay na iyon.
“S-sir Ravi...” mahinang anas ko nang makilala ito..
His eyes was full of danger. Maigting ang prominente niyang panga habang nakatitig sa lalaking nang-ha-harass sa'kin.
“Let her go or I'll gonna wring your neck until you beg like a dog. You choose?” nagisang linya ang labi niya sa tinuran. Kasing dilim ng ulap na nagbabadya ng pagkidlat ang kanyang itsura. Mapanganib ang titig nito sa mga lalaki.
Bumitaw naman sa pagkakahawak sa'kin ang lalaki. Halatadong nahintakutan siya sa banta ni Sir Ravi. “I-ikaw pala Montevista... sinasabihan ko lang ang tauhan mo. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.” Dipensa no'ng lalaki.
“Wala pa dahil dumating ako.” Ani Sir Ravi, “Next time I caught you doing this to any of my staff, I'll beat you to death.” Tila isang Leon na banta niya.
Pilit na tumawa ang lalaki. “Nagbibiruan lang naman kami. Di ba miss, binibiro lang kita?” Anito
Gusto kong mapairap pero pinatili ko ang emosyon at hindi sinagot ang tanong nito. Halata namang nagpapalusot ito.
“Huwag mo dalhin dito ang pagaadik. This is the last time you will step in my shop. Get out now.” Matigas na sabi ni Sir Ravi rito.
“O-oo, aalis na!” Nataranta ang lalaki at tumakbo paalis ng shop, kasunod naman ang naiwang kaibigan.
Nang magsalubong ang tingin namin ni Sir Ravi ay hindi ko napigilang mapayuko. Nagiging automatic ang pag-iwas ko sa kanya ng tingin sa tuwing tatapunan niya ako ng sulyap. Naging normal na sa akin ang hindi pagtingin sa tao. I don't know why, pero pakiramdam ko kasi ay hinuhusgahan nila ako. Napapahiya akong bumuntong hininga. Kabago-bago ko pa lamang at ito na agad ang dulot ko sa tao.
“Novah right?” hindi siguradong tanong niya.
“Oo sir...” tugon ko naman.
Nagbalik tingin naman ako sa kanya. Nakataas ang bahaging sukok ng labi niya. Pumarada ang tingin ko sa tainga niyang may hikaw. Plain na bilog iyon at kumikinang sa bawat pagkurap ko. Wala iyon no'ng nakaraan o hindi ko lang talaga napansin?
“Are you okay? Nasaktan ka ba?” pagtatanong niyang muli. Dumapo ang tingin niya sa braso ko. At saka ko lamang 'din napansin ang grabeng pamumula niyon. Siraulong adik na lalaki, nag-iwan pa ng bakas ng pang-ha-harass.
“Ayos lang ako. Maraming salamat pala sa ginawa niyo Sir.”
“I don't think so.” Hindi nga ito kumbinsido.
Sa ganung tagpo kami naabutan ni Sidney na walang kaalam alam sa nangyari sa'kin. Nasa dulo kasi ang workstation niya. Maingay rin ang tunog ng mga equipments kaya marahil hindi niya marinig ang kumosyon dito kanina. “Novah, may nangyari ba? Bakit namumula ang braso mo?” bungad tanong ni Sidney sakin. Hinawakan niya pa iyon at inangat kapantay ng kanyang mukha.
“Wala ito Sid. May siraulo lang kasing lalaking napadpad dito.” Nilangkapan ko ng kaunting tawa ang boses.
“Sinong siraulo? Anong itsura? Gusto mo ipablotter natin?”
“No need. I don't think he would come back here after what I've said to him earlier.” Malamyos na tinig ni Sir Ravi na bigla nalang ay nasa aking tabi na at mariing nakatingin parin sa braso ko.
Napasinghap ako nang malasahan ko ang mabangong mint mula sa kanyang hininga. Para akong dinuduyan sa isang lugar na mahamog at may mabangong amoy ng mga halaman. Nakakahalina ang masuyo nitong boses. Nabawasan ang suliranin na naiisip ko lang kanina.
“Can I check it?” aniya at marahang hinawakan ang braso ko. Sinuri at kinikilatis. Masiyadong maputi ang aking balat kaya duda akong mawala agad ang pamumula nito.
Saglit akong natuod. Nailang ako bigla sa kanyang hawak. Sobrang lapit namin sa isat-isa. Kailangan ko'ng magtakda ng distansya. Hindi magandang tingnan ang isang empleyado at amo na sobrang dikit sa isat isa.
“Namamaga nga talaga ang parteng 'yan, Novah. Tsk! Kapag nakita ko talaga ang gumawa niyan sayo, bibigyan ko talaga siya ng isang makabaog na sipa sa bayag.” Gigil na sa saad ni Sidney. Sinipa pa nito ang katabing trash bin.
“Okay lang Naman, Sid. Mawawala rin ito mamaya.” Wika ko.
“Pumunta ka sa opisina ko once na, lumala ang pamamaga. Meron akong cold compress roon. Baka sakaling mawala ang pamumula niyan.” Saad ni Sir Ravi pagkatapos ay binitawan na ang aking braso upang maunang pumasok sa opisina.
Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Sidney at dalhin sa sulok. “Novah, magkwento ka. Anong ginawa ni Boss Ravi sa mga bumastos sa'yo?”
Napakamot ako sa ulo at ipinilig ang ulo. “Wala naman. Sasampalin sana ako no'ng lalaking bastos pero bigla nalang sumulpot si Sir Ravi at tinakot sila. Mukhang effective naman dahil talagang natakot iyong dalawang ungas.”
“Hmm. . . bakit may pakiramdam ako'ng may iba pa?”
“Overthingking na 'yan Sid.”
Siniko ako ni Sidney. “Baka nga. Nakakastress naman kasi 'yong last customer ko. Daming demand wala namang tip.”
Natawa na lang ako at akmang babalik na sa pwesto nang pigilan ako ni Sidney. “Hep, hep. Saan ka pupunta?”
Tumaas ang kilay ko. “Magtatrabaho na. . .”
Nakapamayweng na tinuro ni Sidney ang pinto ng opisina ni Sir Ravi. “Pumasok ka na ‘do'n at maglapat ng compress sa braso mo. Minsan lang mabait si boss. Madalas demonyo talaga ‘yan.”
“Demonyo? Sa tingin ko naman mabait siyang tao...” pahayag ko.
Hindi naman ako natatakot sa pagiging demonyo niya. Mas nakatatakot parin ang sampung taon ng nakalipas. Ang magmahal, masaktan at mabigo.
“Nasa mood lang 'yan ngayon pero hintayin mo'ng mabadtrip 'yan, lahat damay.” Tinulak niya ako papasok dahil hindi pa ako kumikilos sa kinatatayuan ko. “Pasok na!”
Nagpatianod na lamang ako sa pamimilit ni Sidney.