Ego
Tahimik akong pumasok sa loob ng opisina ni Sir Ravi. Naamoy ko agad ang air-freshener na lumulukob sa daluyan ng aking ilong. Kusang dumampi ang aking kamay sa braso nang tamaan iyon ng panlalamig dahil siguro ito sa aircon na naroon.
I scattered my eyes in the whole area. Naangkop lamang ang disenyo sa katauhan ni Sir Ravi. Simpleng may kapiraso ng pagiging isang artistic. Puti at itim ang naglalaro sa dingding ng opisina.
“You can sit anywhere you want...” ani Sir Ravi nang makitang nakatayo pa rin ako sa isang sulok.
Banayad akong tumango at umupo sa isang cute na couch. Malambot ito at talaga namang komportable. Tumungo naman si Sir Ravi sa kanyang mini refrigerator at may kinuha roon; cold compress. “Here...” abot niya sa akin ng cold compress. “Gently touch the swollen part of your arm using this.”
Kinuha ko iyon at sinunod ang kanyang sinabi. “Maraming salamat.”
“Don't mention it. Kahit bibihira ako dito shop ay mga tauhan ko parin kayo. Kargo de konsensya ko kapag may nangyari sa inyo.”
I stayed in silent. Hindi ko alam ang sasabihin dahil nakakailang ang atmospera sa paligid.
“If you don't mind, can you share some information about yourself. Think this, as your post interview session.”
I stiffed. Background checking I guess. Siyempre amo siya at wala man lang siyang kaalam alam sakin. Malay ba niya kung nagpapasok siya ng isang empleyadong pusakal. Dapat lang talaga na sumailalim ako sa tamang proseso.
“Ano ba sir ang gusto niyong malaman?” sa halip ay balik tanong ko sa kanya. Nilihis ko ang tingin sa kanya at itinuon iyon sa kanyang sahig. As if there is something interesting on it.
“Anything. Your age, hometown, past work...”
Tumahip ng malakas ang dibdib ko. Paano ako magsisimula? At alin ang aking dapat isimula? Should I filter some informations about myself? O, sabihin nalang ang totoo, partikular sa aking pagkakulong. I choose the latter.
Bahala na. Kung tatanggalin niya ako sa trabaho ay maghahanap nalang siguro ako ng panibago. “Matagal akong hindi nakapag trabaho sir...” panimula ko.
“Why? Is there something happened to your parents at kinailangan mo silang alagaan?” gagad niyang tanong.
Umiling ako. “May trahedya kasing nangyari at naku—” Ngunit bago ko pa man maamin ang lahat ay umalingawngaw sa lakas ang ringtone ng kanyang cellphone. Binalingan niya ito at sandaling tiningnan ako. Nanghihingi ng permisong sagutin ang tawag.
Makailang ulit nag-ring ang cellphone bago ito tuluyang nasagot ni Sir Ravi.
“Hello...” wika niya sa mababang tinig. Tumayo siya at mabilis na tumungo sa labas ng opisina.
Nakahinga ako saglit. Para akong sinasabunutan ng sampung demonyo sa kaba. Naiisip ko na ang mangyayari kapag nalaman niyang nakulong ako at bagong laya lang. Sino ba namang employer ang magtitiwala sa isang tulad ko? That's why some of ex-convict ay bumabalik sa maling gawain dahil wala na silang options para mabuhay. Wala naman kasing tumatanggap na matinong trabaho sa kanila. Para bang naka-marka na sa'min ang pagiging isang kriminal.
Sandali lang naman ay bumalik na rin si Sir Ravi. Bugnot na ang kanyang noo at halatang galit dahil nagiigting ang mga ugat sa kanyang braso. Mahahaba iyon at maberde.
Bumukas sara ang kanyang bibig sa harapan ko. Parang may gustong sabihin ngunit nag dadalawang isip pa kung isasatinig nga ba.
Sa huli, ako ang siyang di nakatiis at nagkusang magsalita. “May gusto ba kayong sabihin sir?”
Sumilip sa akin nang kagatin niya ang ibabang labi. “You said before that... you will do anything for your job right?” kapag kuwa‘y tanong niya.
Kusang tumango ang ulo ko. “O-oo sir.”
Hirap na hirap siyang humakbang palapit sa akin pagkatapos ay umupo sa aking tapat. “I have a favor... I'll need to attend a party.... and can you be my date?”
Napaatras ang leeg ko. “Pe—”
“Don't worry, I'll double your salary.” Maagap niyang putol sa aking gagawing pagtanggi sana. Tuluyan na ngang nakalimutan ang pagtatanong niya tungkol sa aking pagkatao. Tumama ang kamay ko sa kamay niyang dumidikit sa aking balat.
Nakita ko ang nangangapos niyang paglunok. Sa tindi ng lamig ay parang bigla akong pinagpawisan ng bumaba ang tingin niya sa labi ko.
“Pero...sir.... kasi...”
“Titriplehin ko ang sweldo mo, pumayag ka lang. Desperado lang ako dahil... naroon ang ex girlfriend ko kasama ng kanyang asawa.” Pagpilit niya.
May intensidad sa kanyang mata habang nakatingin. Para bang ang dulo ng buhay niya ay nakasalalay sa aking pagpayag. Pilit kong inalisa ang kanyang rason. Nakikita ko sa kanya ang pagtatangi niya sa ex-girlfriend. Some people do something like this in the name of pride. Mga lalaking ayaw maapakan ang ego kaya handang magbayad ng salapi para langkapan iyon at patayugin. At ako ang napupusuan niyang magbabandera ng p*********i niya sa harapan ng kanyang minamahal. Papayag na ako. Pero hindi sapat ang triple lang. Hindi matatanggap ng director kung kakarampot lang ang pera na mayroon ako.
“Magkano ang kaya mo'ng ibayad sir? Hindi pwede ang triple lang.” masama man ang maging mapagsamantala pero may dahilan siya at ganoon rin ako.
Bumalatay ang pag rehistro ng pinaghalong gulat at dismaya sa kanyang mukha ngunit dagli rin iyong nawala. “You can name it. Kahit magkano...”
Tumayo siya at pumunta sa lamesa para kunin ang isang papel at ballpen. Walang alinlangan niya iyong inabot sa'kin.
“Ano to?” nagbago ang buga ng mga mata niya. Para gustong ibalibag ang mga gamit sa opisina.
“Cheke. Isulat mo ang gusto mong halaga d'yan.”
Napamaang ako sa kanya. Masama na ang timpla ng kanyang itsura.
Ganoon lang iyon? Para sa isang date ay papayag kaagad siya?Magwawaldas ng pera para sa taong mahal at mailigtas ang ego na maaring mawasak.
Napakurap kurap ako bago kinuha ang cheke sa kamay niya. Kung may pride siya, ako naman ay wala na, said na. This is for my baby. Tutal ay tadhana na ang nagbigay ng pagkakataon na ito, tatangapin ko na.
“Hindi ko muna ilalagay ang halaga dito hanggat hindi ko natatapos ang gusto mo.” Sabi ko diretso ang tingin sa kanya.
“Kung 'yan ang gusto mo.” Ipinasok niya ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. “Tomorrow evening. Wear something nice.” Wika niya bago ako binirahan ng alis.
Nang masiguradong nakalabas na siya sa sariling opisina ay saka pa lamang ako nabuga ng hangin. Kinapa ko ang dibdib na kumakabog kabog.
Hindi ako makokonsensya. Umiling ako. Kailangan ko ng pera.
Bumalik ako sa counter dala ang tseke. Pinupuksa ang makulit na konsensya. He's the one who offered money to me so I shouldn't feel this way. Isa pa, tutumbasan ko naman ng trabaho ang binayad niya.
Bumalik ako sa work area na puno ng agam-agam. Sinalubong agad ako ng mga ngisi ni Sidney.
“Anong sabi?” Hindi ko gusto ang tono ni Signey, parang pinipilit akong isiwalat ang mga nangyari sa loob.
“Wala namang nangyari...” kunwa'y inabala ko ang sarili sa pagpunas ng mga equipments.
“Eh bakit, parang dismayado ang mukha ni Boss Ravi nang lumabas. Kilala ko iyong mga ganung itsura, nasa punto na iyon ng tuktok pero nabitin no?”
Nanlaki ang mata ko at agad na tinakpan ang bibig ni Sidney. “Ano ka ba Sid, itigil mo nga 'yang ganyang iniisip mo. Walang ganun. Walang ganung namagitan sa amin ni Sir Ravi.” Mariing pagtanggi ko.
Dinutdot niya pa rin ang tagiliran ko, dehadong maniwala. “Sige, alam ko namang malabong gawin ni Boss Ravi iyon sayo pero alam mo may naging usapan kayo na ayaw mo'ng ipaalam sakin. Ayos lang naman sakin kung confidential pero handa rin naman ang tainga ko makinig sa mga chismis ah.”
Natawa ako sa kanya. “Oo nga pala, kumusta na iyong tungkol sa business permit nitong tattoo shop, naayos na ba ni Sir Ravi sa bayaw niya?” nagawa kong ilihis ang topic nang sagutin iyon ni Sidney.
“Settled na. Wala na tayong problema. Hindi ko alam kung paano napapayag ni Boss Ravi ang bayaw niya pero nagawa na niyang makapag renew ng permit. Isa lang ang ibig sabihin nito, tuloy tuloy na ang pagtatrabaho mo rito.” Masayang turan ni Sid.
“Mabuti naman kung gano'n. . .”
“Ang kaso may problema.”
“Ano naman ang naging problema Sid?” patuloy ko'ng usisa.
“Narinig ko kasi kanina si Boss Ravi na may kausap sa telepono. Narinig ko'ng nakikipagtalo siya sa kausap. Basta ang malinaw lamang na narinig ko, kailangan niyang makahanap ng magiging date sa party para tuluyang hindi tutulan ni Mayor ang inissue niyang business permit sa atin.” Salaysay nito habang nakisabay na rin sa akin sa pagpunas ng equipments.
Ngayon malinaw na sa akin. Nagawa akong alukin ni Sir Ravi dahil no choice na siya.
“Tingin mo ba, nasa party ang ex niya?” huli na para maisip na mali ang lumabas sa bibig ko na tanong.
Tumigil si Sidney sa ginagawa at nagdududang humarap sakin. “Teka nga muna. Wala akong maalala na may nabanggit ako sayong ex-girlfriend ng amo natin. Iyong totoo, ano ba talaga ang pinaguusapan niyong dalawa ni Boss?”
Natutop ko ang bibig bago napabuntong hininga at isinalasaysay kay Sidney ang naging kaganapan sa pagitan namin ni Sir Ravi.