CHAPTER 6

1476 Words
TITIG na titig ako sa tseke habang nakahiga. Inaalala ko ang itsura ni Sir Ravi ng mga oras na nakikiusap siyang maging date ako sa party. Hindi ko maiwasan ang paggatilyo ng konsensya sa'kin nangw tumbasan ko iyon ng tripleng kapalit. Masiyado ba akong somobra? Oo at malaki ang maitutulong ng pera na ito para sa paghahanap ko sa aking anak pero bakit nagda-dalawang isip ako ngayon. Kung tama ang nagawa ko bakit parang hindi ko maatim na i-encash ang cheke na Ito sa Bangko. Nang marinig ang paglapit ni Sidney ay mabilis ko'ng itinago ang tseke sa aking bulsa. “Novah, subukan mo ang isang ito. Disente 'to at hindi masiyadong revealing ang skin mo sa damit na 'to.” Inilapag niya ang isang navy blue na dress sa kama. Long sleeve at conservative type ang disenyo. Siya rin ang nagprisinta na magpahiram ng damit para hindi na ako gumastos. Isang gabi lang naman kasi ang party na iyon at masiyadong mahal kung bibili pa. “Maraming salamat, Sid.” Mabilis akong tumayo para isuot na ang damit. It was simple yet elegant. Kumukurba ito sa hugis ng aking katawan. Hanggang tuhod ang haba at makinis ang tela sa balat. Malambot at komportable sa paggalaw. “Napakaganda mo talaga girl...” usal ni Sidney sa akin. Titig na titig ang mata sa katawan ko. “Anong oras ba ang party?” Ibinahagi ko sa kanya ang pagyaya sa'kin ni Sir Ravi sa isang party minus siyempre iyong tungkol sa tseke. I don't want her to be involve with this. Baka magiba rin ang tingin niya sakin. Mabait si Sidney at ayoko siyang isali sa mga ganitong plano ko para sa aking anak. Umisang ikot pa muli ako sa harap ng salamin. “Basta ang sabi lang ni Sir Ravi ay gabi. Walang eksaktong oras na sinabi.” “Ala-singko pa naman, masiyado pang maaga. May oras pa para pagandahin ka.” Presinta ni Sidney. Hinila niya ang braso ko at pinaupo sa sofa. Nasa tabi nito ang baul na puno ng make up. Tatanggi sana ako dahil as much as possible ayokong masiyadong makaagaw ng atensyon sa tao. Maraming beses na akong nalagay sa alanganin ng aking taglay na istura at ayokong maulit na naman ang mga kapahamakang iyon. Hanggat maari mas gusto kong maging invisible sa mata ng mga tao. Mas simple mas ligtas. “Yung totoo girl, ginulantang mo talaga ako nang sabihin mo na ikaw ang date ni Sir Ravi.” Nagsimula na siyang dutdutin ang mukha ko gamit ang sponge na sinawsaw sa foundation. Hindi na ako makakapalag pa. Naaamoy ko ang kemikal sa make up. “Bakit naman?” “Pihikan ‘yun sa babae... at balita ko ikakasal na dapat si Sir Ravi pero nag cheat ‘yong girl. Simula nun 'di ko na nakita ‘yan na may kasama at kausap na babae. Kahit iyong mga cliente na babae  na nagkakagusto sa kanya, dedma.” Nakagat ko ang ibabang labi. I felt bad. Paano ko nasamantala ang kagaya niyang may pinagdadaanan rin tulad ko? Ano ba itong nagawa ko. Para ko na rin pinatunayan na isa akong kriminal. “Hindi naman ako ang type no'n, nakiusap lang iyong tao na kung pwede ako ang maging date niya.” Wika ko. “Atleast pasok ka sa panlasa niya para maging date.” “No choice lang siguro...” saad ko na lamang. Mabilis lamang ang naging ayos ni Sidney sa mukha ko. Ika niya ay in-enhance lang niya ang features ko upang lalong lumabas. Nagawa naman niyang ma-achieved ang look na gusto ko. Magaling talaga ang kamay ni Sidney, napa-kaartistic niyang tao. Malayo ang mararating niya kung ipapakita niya sa mundo. Eksakto alas siete ay tumunog ang doorbell ng apartment ni Sidney. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Sir Ravi. He was wearing tuxedo in a medieval way.  Lampasan ang tattoo niya sa damit at nasisilip ko iyon sa paraan ng kanyang paghinga. Kumikinang rin ang kanyang hikaw at nagbibigay ng karisma sa kanya. Magulo ang pumada ng buhok pero nasa istilo. Mas lalong nagbigay angat ang makinang niyang hikaw. A baddas boss. Mataman ang kanyang tingin nang magsalubong kami. “You ready?” mababa ang kanyang tinig kaysa sa normal. Tumango ako at hindi nagsalita. Kung isa ako sa mga teens ngayon na vocal sa feelings, masasambit ko sa harapan nito ang pagkamangha ko sa kanya. May sarili siyang paraan para mapansin, hindi pilit. “Let's go.” Ani Sir Ravi bago ako tinalikuran at umalis. Tanging likod nalang ang nakikita ko ngunit miski iyon ay angat na angat ang pagdala. Naibuga ko ang hangin na nakabara sa lalamunan. Naiilang ako ng sobra sa presensya niya o nakokonsensya marahil dahil sinamantala ko ang kanyang pinagdadaanan. Nagpaalam na ako kay Sidney bago sumunod kay Sir Ravi na nauna ng maglakad papunta ng kanyang magarang sasakyan. “Please close the door...” malamig niyang utos nang makasakay ako sa front seat. He did not even glance over my shoulder as i entered inside. Agad ko namang sinara ang pinto sa aking gilid at ipulupot ang seatbelt sakin. Kakaibang pakiramdam agad ang namayani sa pagitan namin. The sounds of engine gives me more uncomfortable feelings. Pakiramdam ko na sa ibang dimensyon ako ng mundo. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Gusto kong magbukas ng paksa para gumaan ang daloy ng oras. In an instant, the car was filled with music. It was a melody that I had never heard before. It sounds metallic. Sa gilid ng aking mata ay nakikita ko ang seryoso niyang pagtutok sa minamaneho at sa daan. Natatakot akong kausapin siya dahil sa kabila ng payapa niyang mukha ay naroon ang pagbabadya. Tumitipa ang mga kamay niya sa manibela at sinasabayan ang mahinang tugtog sa stereo na para bang dito niya kinukuha ang pampakalma. Saglit huminto ang sasakyan namin sa tapat ng streetlights. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang mabilis siyang sulyapan. Mas nabigyang depenisyon ko ang taglay niyang kagwapuhan mula sa bigay ng naturang liwanag. Tamang tama ang bawat anggulo ng kanyang mukha. Nadedepina ng kanyang jawline ang pagtiim niyang bahagya. Napakatangos ng ilong at ang haba ng pilikmata. Natitiyak kong maraming babae ang umiyak sa lalaking ito. Siguradong, maraming timba ng luha ang nagkalat sa bahay ng mga babaeng napaibig nito. Nakita ko nalang ang sariling tumatango at nangingiti. “Tapos ka ng inspeksyunin ako?” biglang tanong niya nang sulyapan ako na ikagulat ko. “M-may tinitingnan lang ako sa labas ng bintana mo.” Nauutal kong dipensa. “Really? Napakainteresante siguro ng tinitingnan mo dahil ngumingiti ka pa habang nakatingin sa bintana ko.” aniya na may kalakip na sarkasmo. I seated myself properly and folded my hands in my lap. Ibinaling ko ang mga mata deretso sa windshield at hindi na nagsalita pa. Napapahiyang kinagat ko ang labi. Masiyado ba akong halata na pinag-aaralan ko ang anyo niya? Ramdam ko parin ang tingin niya sa'kin. Hanggang sa magpatuloy ang biyahe at huminto sa isang malaki at mataas na gate ay hindi ko na siya tiningnan pa. “We‘re here,” aniya at lumabas ng sasakyan. Napalunok ako habang sinusuri ang loob ng mataas na gate. Napakalaking bahay ang naroon at isang classic na tugtugin ang pumapailanlang. Rinig na rinig iyon kahit nasa sasakyan parin ako. Hindi na normal ang ganda ng lugar, dahil para sa akin madali akong makaappreciate ng mga bagay-bagay. Malakas na pagkatok ang narinig ko sa labas ng bintana. Si Sir Ravi iyon na isenesenyas na lumabas na ako habang nakakunot ang noo. Agad naman akong lumabas at baka mainis na siya sakin. “Hinihintay mo ba'ng pagbuksan pa kita ng sasakyan? You are just my fake date, Novah. Stop thingking beyond that.” iritable niyang salubong pagkaahon ko galing sa loob ng sasakyan. “H-hindi naman ganun ang iniisip ko sir...” wika ko kahit parang may kakaibang sakit na tumutusok sa dibdib ko dahil sa paratang niya. Nagiwas ako ng tingin dahil nagsisimula na naman ang pagtitig niya sakin. Naging malikot ang mga mata ko sa paligid. Mga nagagandahang kasuotan ng mga kababaihan papasok sa entrance ng gate ang pinagmasdan ko. Ignoring his presence and accusation. Parang bigla ay gusto ko ng mag-back out at ibalik ang tseke sa kanya. Naging garapal ang pananalita niya sakin bigla. Dahil ba tinumbasan ko ng pera ang pabor niya? Siguro nga ay mali ako pero siya ang humiling sa akin kaya deserve ko na magtamo ng kaunting respeto. “We're going now inside.” He announced calmly, mabilis ang pagpapalit ng mood niya. Tumango naman ako sa kanya at umabrisiete na sa kanyang braso tulad ng isang normal na babae sa kanyang date na lalaki. Well, ganito dapat ang gawin ko sa pagtatrabaho sa kanya. “You don't have to do this...” napapantiskuhang saad niya habang ang mata'y umaakusa sa paghawak ko. “Sana Sir Ravi ay wag mo'ng bigyan ng kahulugan ang paghawak ko sayo. Ginagawa ko lang ang parte ko sa pabor na gusto mo.” Mapait kong sabi sa kanya at inakay na siya papasok sa gate. Ramdam ko ang paninigas ng kanyang muscles at panga ngunit ang bibig ay nananatiling walang pagtutol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD