MAAGA akong umalis sa condo ni Sir Ravi at pumasok sa shop. Hindi alam niya alam na nakaalis na ako dahil tulog na tulog pa ito sa kwarto. Ayoko naman istorbohin at magpaasikaso pa. Pero nakialam ako sa kusina niya para lutuan siya ng almusal. Pasasalamat sa mga ginawa niya at pagliligtas sakin. Tinext ko si Sidney na nauna ako sa shop pero day-off niya pala kung kaya't ako na rin ang nagbukas nito upang mas marami akong maigugol na oras sa pagaayos ng mga equipments. This my last day here kaya kikilos ako bilang pasasalamat sa pagtanggap sakin ni Sir Ravi dito sa shop. I have decided already. Magreresign na ako at susubok ng ibang trabaho sa ibang lugar. Habang maaga pa ay ako na ang lalayo. Malayo kay Sepp at lalo na kay Sir Ravi. Doon rin naman ang hantong ng lahat. Tatanggalin rin ni

