Ang mukha ni Sir Ravi ay parang isang bahaghari sa gitna ng kadiliman. Isang halaman na sumisibol sa kabila ng tagtuyot. Kapag tinitingnan ko siya nakakaramdam ako ng kapayapaan sa aking puso. Pinagapang ko ang mga daliri sa kanyang ilong, mata at labi. Malambot iyon at nangaakit na hawakan ko muli. Kinuha ko ang bimpo sa kanyang noo at muling binasa iyon sa palangana na may tubig. Pagkatapos ay inilapat kong muli sa noo niya. Bawat segundo ang ginagawa kong pagkuha sa kanya ng temperatura. Taas baba ang kanyang lagnat. Tinanggal ko na rin ang kayang suot na damit upang kahit paano ay guminhawa ang pakiramdam niya at makalabas ang singaw ng init. Nakahanda na rin ang numero ng malapit na ambulasya upang tawagan ko kung sakaling may hindi mangyaring maganda sa kalagayan ni Sir Ravi. Napa

