ANG buong akala ko, idederetso na ni Sir Ravi ang sasakyan pauwi ng apartment pagkatapos niyang bumili ng mga bulaklak. Pero heto at karay karay niya ako habang naglalakad sa gitna ng sementeryo. Nakaparada kasi ang kotse niya sa labas ng lugar. Nagtataka man, mas pinili ko na lamang ang manahimik at wag ng magusisa pa habang nakasunod sa kanya. Pang-mayaman ang klase ng libingan. Sa hulma ng imahe, hindi masasabing isa itong lugar para sa mga patay sapagkat bakas parin ang kagandahan at kaberdehan ng mga matatayog na puno sa paligid. Sa ihip na dala ng hangin, nadadala ang amoy ng bango ng mga sariwang dahon. Sa pagitan ng dalawang malaking bato ay nakita kong inilapag ni Sir Ravi ang mga dalang bulaklak. Napapagitnaan noon ang isang puntod. Alliyah Montevista Cervancia. Piping basa

