PAGPASOK ko sa apartment mga bisig kaagad ang sumalubong sakin. Amoy pa lamang ay kilala ko na kung sino ito. Hindi na ako magugulat roon. Ravi has his own duplicate key of my apartment at iyon marahil ang ginamit nito para makapasok sa loob. “I miss you baby. . . pakiramdam ko mababaliw ako kahit saglit lang akong nawala sa tabi mo,” bulong ni Ravi sa leeg ko habang kinikintalan iyon ng maliliit na mga halik. “Nakabalik ka kaagad?” tanong ko. “Saan ka ba nanggaling?” Sabay kaming napaupo sa sofa. “My father wants me to manage our company. May sakit siya ngayon at walang ibang maaring mamahala kundi ako na nag-iisa nalang niyang anak,” sinubsub niya ang mukha sa aking buhok at inamoy iyon. Hilig niya talaga ito. Nilalaro ng daliri niya ang hita ko. Nakaramdam ako agad ng alab ng pag-

