CHAPTER 29

1639 Words

“I will wait for you,” ani Ravi sa kabilang linya. Bumangon ako at sumandal sa ulunan ng kama. Kagigiing ko lang, nagising lamang ako sa tawag ni Ravi. Hindi kasi ito nakauwi kagabi dahil sa sunod-sunod na meeting at pag-mo-monitor sa imbestigasyon ng aking anak kaya naglalambing ito ngayon sa telepono at gusto magpadalaw sa company nila. Maayos na rin ang ama nito at kasalukuyang nagpapagaling sa bahay nila. Ang sabi ni Ravi ay altapresyon daw ang sanhi ng pagkaka-ospital ng ama niya. “Bakit pumayag na ba akong pumunta diyan? Mamaya harangan ako ng mga guard diyan at sabihing may nakapasok na pusang ligaw,” saad ko habang kasalukuyang tinutupi ang mga nilabhang damit. Natawa ako nang umungol ito ng pagrereklamo. “Nagbigay na ako sa kanila ng instructions sa lobby. Kapag may dumating n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD