SOBRANG kaba ang nararamdaman ko habang nasa biyahe kasama ang masasamang loob na kumidnap sa akin. Piniringan nila ako. Bagama't walang senyales na sasaktan nila ako ay hindi ko parin mapanatag ang loob ko. Paano kung saktan nila ako? Paano ang baby sa tiyan ko? Pinakalma ko ang sarili. Gustuhin ko man humingi ng tulong, minabuti ko'ng wag na muna. Hindi makakatulong kung manlalaban ako sa mga ito. Mga lalaki sila at babae lang ako. I don't wanna take the risk. Gasino lang naman ang lakas ko kumpara sa kanila. Pinili ko'ng manahimik at hindi mag-hestirikal hanggang sa huminto ang van. Narinig ko ang pagbukas at paghablot sa braso ko. Inilabas ako roon at dinala sa kung saan. “Pre, tanggalin mo na iyong piring. Kabilin-bilinan ni boss na 'wag natin 'tong sasaktan kaya hayaan mo lang

