PAGMULAT ko mukha ni Ninang Tarcitta ang bumungad sakin. Nakataas ang kilay at may hawak na karton. May nakalagay ding basang bimpo sa aking noo. “Mabuti at gising ka na. Mainit ang katawan mo kaya naisipan ko'ng lagyan ka ng bimpo sa noo,” may panenermon sa boses ni ninang. “Maraming salamat po, ninang,” bumangon ako ngunit parang babaliktad na naman ata ang sikmura ko kaya agad ako'ng tumakbo sa lababo. Subalit pulos malapot na laway lamang ang lumabas mula sa aking bibig. Gamit ang likod ng palad ay pinunasan ko ang namamasang labi. Pagharap ko ay nasa likuran ko na si ninang. She was eyeing me as if I have a secret needed to confess. Napalunok ako. Alam ko ang ibig sabihin ng pinararatang ng klase ng tingin niya sa akin. “Aaminin mo o kailangan pa kitang pagamitin nito para mala

