“Jackson, inom pa!” Singhal ni Sidney habang itinataas ang kamay sa kawalan. “Nakailang bote na ako, gaga! Si Novah ang painumin mo at parang nagnonobena na ata sa tabi!” Balik singhal ni Jackson kay Sidney. Nakaupo lang ako sa sulok habang nanonood sa kanila. Hindi masiyadong kilala ang pinuntahan namin bar. Sakto lamang para sa amin na simpleng empleyado. “Uminom na nga kayo diyan at 'wag niyo ko pansinin.” Asik ko at inirapan sila. “Bakit ka ba badmood? Hindi ba sabi naman ni Boss Ravi susunod siya? Ilang minutes pa lang naman hahabol din yon dito! May isang salita ang amo natin!” Ani Jackson na para bang pinapaliwanagan ako. Kumuha ako ng pirasong mani na pulutan at ibinato iyon sa kanya. “Alam mo, hindi ko siya iniisip at lalong hindi ko siya hinihintay. Kung darating siya o

