HILA-HILA ako ni Sir Ravi sa aking braso o mas magandang sabihin na kinakaladkad niya ako palabas ng bar. He was furiously mad. Batid ko iyon dahil ang bilis ng pagtahip ng dibdib niya. Mahigpit rin ang hawak niya sa palapulsuhan ko at pakiramdam ko'y mapuputol iyon. Hindi na ako nakatiis. Kapantay ng galit niya ay hinila ko ang aking kamay mula sa kanya. “Bitiwan mo ako! Nasasaktan na 'ko! Ano ba?” “I won't. ” hindi ito nagpatinag at nanatiling nakagapos ang kamay ko sa kamay niya. Kinakaladkad pa rin niya ako hanggang sa makarating kami sa isang madilim na parte ng kalsada. Madilim at walang katao-tao. Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya? I don't have any idea. All I know was the scenery that I have witnessed earlier. Masaya silang magkatabi ng babaeng iyon. Ang senaryong iyon

