Drifting
Dumaan ang ilang araw , linggo at buwan. Dumaan na din ang mid terms at puro si Stanley ang kasama ko sa loob ng mga araw na yun. Ashley is busy with her boyfriend. Si Karl naman masyadong bugok para maging kasama ko lagi buti nalang nandito si Stanley kahit na slow pa siya sa pagong and Damon? He spent those times with Angel madalang na ding magkakasama ang barkada. I don't know if it's because of different circumstances or maybe we really are drifting away from each other.
Parang kelan lang ang saya naming nag aasaran sa cafeteria. Tambayan na din naman yun kumbaga minsan di ko mapigilang isipin na sana di nalang dumating si Angel sa buhay ni Damon. Yeah it's selfish pero kasi I miss my friends.
" Emotera ka nanaman Belle?" di ko namalayang nakaupo na pala kami sa cafeteria at kanina pa pala nagtatanong si Stanley kung anong gusto kong kainin.
"Anything will do Stan. Basta yung di masyadong heavy wala sa mood ang tiyan ko para mag digest." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.Timang. He didn't get the joke. Gusto kong hampasin ang noo ko kaso baka kung ano nanamang maisip niya pag ginawa ko yun.
"Does your stomach have a mood? Wierd." aniya habang papunta sa counter at pumila.
Hahaha litong lito siyang pumila sa counter dahil sa sinabi ko what the hell is wrong with his senses. Well he's not pagong for nothing I guess.
"Belle, what did you do to Stanley?" Unggoy na Karl kung makapag tanong siya para bang ang sama ng ginawa ko kay Stanley.
"It's just him being his usual pagong self. Makapang husga ka." Tumawa lang ang unggoy nato at umupo katapat ko.
"Your done being an unggoy? at nandito ka?" nakakapagtaka lang kasi these past few days ay hindi naman namin siya nakakasalamuha. He's busy with something.
"Ouch Belle ayaw mo bang nandito ako. Nasasaktan ang gwapong puso ko Belle pagbabayaran mo to swear to Dean Panot! Hmpp" Tinakpan ko ang bibig niya at luminga linga sa paligid baka may nakarinig sa sinabi niya malalagot kami pareho.
Natatawa ako nang maalala ang kawawang dean namin.
"Nandadamay ka nanaman sa ka unggoyan mo Karl! Stop it someone might hear you. " Nag peace sign lang siya sakin.
Bumuhos nang malakas ang ulan. Naging dahilan yung para biglang dumami ang tao sa cafeteria dahil na rin sa ulan. Open field na kasi ang kaharap ng cafeteria ng school namin. Pabor sa mga pabebeng mahilig sa mga soccer player. Na speaking of a soccer player.
The Demonyonito himself in a flesh na naka akbay sa Anghel na para bang ayaw niyang madikitan ng ibang tao .Tsk. Hindi ba uso sa kanilang maghiwalay kahit saglit lang. Hello may nasasaktan kayo dito.
"Wag mo nang titigan kong alam mo namang masakit. Don't be a masochist Belle di mo bagay mas bagay ka maging amazona" Sinamaan ko ng tingin ang unggoy na si Karl nang takpan niya ang paningin ko ng mga kamay niya. Di nako magtataka kung bakit alam niya. Unggoy siya pero mas mataas pa sa human instict ang pakiramdam niya.
"Shut up Karl. Dami mong alam." Nawalan nako ng ganang kumain dahil sa nakita ko at naging mas worst pa nung narinig ko ang boses ng demonyo.
" Guys!" sambit ni Damon habang nagpapagpag sa damit niyang mukhang nabasa ng ulan ang manggas. Ngumiti naman si Angel sa gawi namin at ginantihan ko naman siya ng ngiti na di ko alam kong maayos ba ang naging resulta.
" Snobera tong Amazona nato." At tinusok tusok ng daliri niya ang pisngi ko. Tsk ako pa ang di namamansin.
"Stop it San, red days ato yang amazona na yan." Nakatanggap nanaman ang unggoy ng pamatay na tingin mula sakin at binato ko na din ang tissue naa hawak ko. Paparating na din si Stanley dala ang pagkain namin at umupo sa tabing upuan ko.
"Don't touch me," tinapik ko ang daliri ng kanina pa tumutusok sa pisngi ko. Pero mukhang na amuse pa siya sa sinabi ko at pinagpatuloy ang pagtusok sa pisngi ko.
"Damon!" Nabigla naman sila sa biglang pag sigaw ko. Si Stanley na akmang maglalagay ng pagkain ko sa harap ko ay natigilan at madamdamin namang tumititig sakin si Damon habang si Karl ay himalang naging seryoso.
"Sinasaktan mo ang damdamin nang bestfriend mo Isabella." best friend. Letseng label yan mapanakit.
Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain bali ang seating arrangement namin ay Ako-Stanley-Karl-Angel-Damon at dahil round table to ay magkatabi kami ng demonyo. Natigilan ako ng lagyan ni Karl ng ilang pirasong leafy vegetable ang plato ko.
"You should also eat leafy vegetables Belle." "Unggoy ka! Anong akala mo sakin? Kambing." Ilalagay ko na sana pabalik sa plato niya yung mga d**o kaso ang unggoy nato nilayo ang plato niya kaya ang kawawang d**o natapon.
"Guys can you not waste food" ngumingiting saway samin ni Angel na nakapagtahimik saming dalawa ni Karl. Muntik ko nang makalimutan na nandito siya dahil ngayon lang siya nagsalita.
"Sorry po madam." sagot naman nang unggoy na ito. Nag peace sign pa siya kay Angel. Nagpipigil lang ako nang tawa dahil sa kaunggoyan niya.
Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang lunch break. At dahil magkaklase kami ni Angel ay kasama ko siya at si Damon dahil ihahatid niya daw ang anghel niya at nakakapagtaka man ay nandito din ang unggoy.
"Bakit kapa sumamang unggoy ka?Malayo ang building mo dito baka malate ka pa. Ako pa masisi." bulong ko sa kanya dahil nasa likod kami ng dalawa.
"Para naman di ka ma op sa kanila Hahaha. Tsaka gusto mo bang mag third wheel sa kanila?" Kahit unggoy siya ay may point siya.Tsk
Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin dahil narin kasama namin ang dalawang sikat kuno sa school namin which is Damon and Karl. Lumalaki nanaman ang ulo ng mga ugok nato.
"Hooh. Ang hirap maging gwapo. Kaya ang swerte mo may katabi kang gwapong katulad ko." bulong ni Karl sakin sabay kindat sa mga babaeng nadadaanan namin kay nakatanggap siya tuloy ng batok.
"Tsk lumayas na kayong dalawa baka malate pa kayo." sabi ko nang makarating na kami sa room namin.
"Yes Ms.Pres" at sabay pang sumaludo ang mga ugok. Inirapan ko nalang silang dalawa.
Nagpaalam na din si Angel kay Damon na parang tangang ngumingiti nakitadahil nakatanggap ng halik sa pisngi. Ako dapat ang nagbibigay nun sa kanya. Nasasaktan man ako pero alam ko din namang wala akong magagawa par maibsan ang sakit nato.
"Susunduin kita mamaya Belle. May sasabihin ako." Seryosong paalam ni Karl sakin.
"They really admired you Belle. Susundin ka talaga nang dalawang yan pag alam nilang seryoso kana. I envy you sometimes." Nginitiin niya nalang ako bago siya tuluyang pumasok sa room namin.
Binalewala ko nalang ang nakita ko kanina at nakinig sa mga Prof nung hapon na yun. Boring kasi katatapos lang ng midterms kaya puro discuss na muna ang ginagawa ng mga professors. Kaya lang may kumatok sa pinto ng classroom namin at mukhang ako ang hinahanaap dahil agad dumako ang mata niya sakin.
"I'm just here to inform Ms. Monterde for the meeting at 3 pm today" Tinignan ko ang relos na sout ko at napagalamang 2:45 na .Shit nakalimutan ko pala.
Kasalukuyan akong nasa meeting room nang biglang tumunog ang phone ko. Letseng cellphone. Nakakahiya. Bakit ba parang lumilipad ang utak ko ngayon.
Yung mga mata nilang nakamasid sakin kung anong gagawin ko sa phone ko. Kaya pinatay ko nalang muna kasi ang talim din ng titig sakin ng speaker namin which is the Adviser for all the president in the school which is Ms. Katimbag.
Hindi ko naman sinasadyang hindi ma silent phone ko. Nag peace sign lang ako kay Ms. Katimbag at bumalik na siya sa pagsasalita niya.
"So let's proceed since Ms.Monterde is also part of the newspaper club I would like to suggest na gawing headline ang upcoming battle of the bands which is tutogtug ang colleagues mo Ms. Monterde am right? It's the main activity at closing remarks yun nang foundation week kaya for sure ay aabangan yan nang maraming studyante not just from our school but also from others too " para sa foundation week pala ang meeting namin . At yeah totutug ang mga ugok na sina Karl at Stanley and for some reason ay sure akong mananalo nanaman sila this year which is also the same as last year na tomugtug sila. Hindi namn kasi talaga sila banda nagkataon lang na pareho silang nasa music club.
"And also I want you to feature the hottest couple for our school which is Damon and Angel. Damon is our soccer ace player kaya malaking scoop to for you Ms. Monterde and I'm sure kayang kaya mo to your friends with Damon naman e." suggestion nang isang class president na nandito. Tsk bakit ako pa? Ako lang ba ang member ng club ko? Ano naman ngayon kung close ko ang demonyong yun. Kung alam niyo lang na hindi kami okay ngayon. Tsk. May pa I want you pa siya ano to the voice?
"I'll try my best. But I can't promise anything."
Sinabi ko nalang yun kahit wala naman talaga kasi akong choice. Parte to ng trabaho ko bilang presidente ng club ko. I'm obligue to get the most talked scoop for our newspaper. Tsk di ko naman pwedeng ipagkalat na nasasaktan ako kay ayaw kong ifeature sila sa newspapers ko.
"Okay then, meeting adjourned. Go home safely."
Pagkalabas ko ng meeting room ay nakita kong nakasandal si Karl sa pader at bitbit ang bag niya naka sabit pa sa balikat niya.
"Anong ginagawa mo jan Karl?" Wtf.
Bakit ang seryoso naman ata ng unggoy nato.
Naglakad siya papalapit sakin na di mana lang inaalis ng paningin sakin. Tsk nakakapanibago ang hitsura niya.
" Brace yourself Belle. May pupuntahan tayo. " Sa di ko malamang dahilan ay kinabahan ako sa sinabi ni Karl.
" I am going to feature Damon and Angel for my scoop. Ironic right?" aniko habang marahang tumatawa kahit na sobrang sakit nang puso ko. Wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya.
Grabeng pagtibok ng puso ko nung nakasakay na ako sa kotse niya at papunta sa pamilyar na daan. Daan to papunta sa tambayan namin nung mga bata pa kami.
Sa treehouse na kung saan una kaming nagkakilala ni Damon. At sa treehouse na din pala na yun ko mararanasa ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay ko.
"Yes Damon, I will be your girl." ani ni Angel na napapalibutan ng iba't ivang variation ng kulay pink na lubo na may mga hugis puso pa , candle lighting sa buong sahig na naka pormang puso din at silang dalawa ni Damon ang nakatayo sa gitna nun.
"There's your scoop Belle. Big scoop for your newspaper."
Biglang gumuho ang mundo ko nang makita kong hinalikan ni Damon si Angel. Kahit na natatakpan ng taong nasa harap ko ang eksena ay nakatatak na sa isip ko ang paraan ng pag ngiti at paghahalikan nila.
"Ilayo mo ako dito Karl. Pakiusap." pilit kong pinipigilan ang pag luha sa harap ni Karl na nakayakap sakin.
Nasasaktan man ako ay wala akong magawa. Best friend lang naman ako ih.
Little did I know it's the beginning of my life in hell.