Heartache

1628 Words
Heartache Foundation week. Ibig sabihin ay kailangan ko nang mainterview si Saavedra at Angel. Pinaparusahan ata ako ng langit siguro malaki ang kasalanan ko sa past life ko at pinapahirapan ako ng ganito. "Belle, ready na ang questions for interview. Nasa room na din sina Damon at Angel ikaw nalang ang hinihintay." sabi ng vice president ng newspaper club na si Lily habang nagaayus ng mga papel sa table niya. Tsk. Sini bang president nang club na to bakit ako ang inutusan lang. Pagkapasok ko sa room kung saan gaganapin ang interview ay nakita ko kung gaano ka sweet ang couple kuno na nasa harap ko. Pareho pa silang naka light pink na shirt. Nakakatawang isipin na napasuot ni Angel si Damon ng pink na never niyang ginawa sa buong buhay niya. Nagbubulungan sila na tila sila ang may ari nang mundo. Damn masakit sa puso kaya. "Belle!" Nakangising tawag ni Saavedra sakin. Sapakin ko yang panga mo ih tignan natin kung makangisi kapang demonyo ka. "Let's begin. Lily, paki ready nang camera please." Kaya mo to Belle. You're strong. Hindi isang interview ang sisira sayo Isabella. You are better than that. Ano naman ngayon kung sweet sila. "Okay , ready. One,two ,three action!" " So my first question is how did you know that your compatible for each other?" " The moment I lay my sight on her alam ko na siya na yung babaeng pagaalayan ko ng lahat ng oras at effort ko. When I saw her angelic face. Akala ko nga ay anghel talaga siya na padala sakin nang langit. She's the one God sent me. " His eyes is shining. He got a smile that can light up this whole room pero kahit ganun ka tamis ang ngiti niya ganun naman ka sama sa pakiramdam ko ang sinabi niya. Hindi ba pwedeng sakin naman siya ngumiti nang ganyan. Yung ako ang dahilan nang ngiti niyang yan. I deserve that kind of attention from him. " I just knew that she's the one when my heart beats whenever she's near. " Tangina. Ang korni. If it's just another situation I might laugh at him pero di ko magawa dahil sumasakit ang puso ko sa bawat salitang binibitawan nang bibig niya. "I just knew it the moment I saw him there sitting in the cafeteria with his playful smile plastered in his face." Napakasimpleng sagot ni Angel pero nakikita kong ang lakas ng epekto nun kay Damon. Nagtanong pako ng ilang sagot tungkol sa pagliligawan nila hanggang sa umabot naman kami sa career. " So if you were to choose Love or Career" " I can actually do both." after saying that with a sweet smile ay tumitig pa siya kay Damon. "Of course you can Saavedra." at hindi naging maganda ang kinalabas nun dahil medyo pumiyok ang boses ko. Kanina pako nagpipigil ng luha ko na mukhang di naman din nila halata kasi masyadong naka toon ang atensyon nila sa isa't- isa para pansinin pa ako. " I'll choose her no matter what. It's me against all odds kung para kay Angel . She's worth every risk and sacrifices. I love her so much to the point na kaya kung ilaan lang sa kanya lahat ng oras ko. But I know na hindi siya magiging masaya kung ganun kaya I'll choose both . Kasi ganun siya she's concern about my whole being. I can give up my soccer career for her. I can do that because I am this sure." Kailan kaya magiging ako ang dahilan ng mga matatamis na ngiti mo. Napatili pa ang ibang member ng club na nandito sa room matapos marinig ang sagot ni Damon. Nakakilig naman talaga ang sagot niya kaso nga lang napaka tanga ng puso ko para makaramdam ng kirot sa sagot na yun. "Lily can you please take over. I really need a restroom right now. " dali dali akong lumabas na kahit naririnig ko ang pagtawag ni Damon sakin ay di ako lumingon ng may makabangga ako. Hindi ko na kaayanin pang manatili dun kahit isang segundo. "Cry. Let it all out and after this I'll make sure you will not shed anymore tears. Just cry Belle. Go on I can be the shoulder you can lean on when the world's against you. I can do that for you Belle." Karl. Umiyak lang ako sa dibdib niya na parang isang batang pinagkaitang bilhan ng laruan. How can love be so cruel. Ang tanga naman kasing pumana ni Cupid at ako pa ang natyempohan ng ka tangahan niya. "Belle are you done? Baka puno na ng uhog mo yung shirt ko. Versace kasi to Belle sayang din naman kung mapupuno lang ng uhog mo- ouch. " Abnormal. Nagiging suki siya ng mga batok ko this past few days . Natawa nalang din ako. I'm much more thankful na nandyan si Karl sa tuwing nasasaktan ako kay Damon. He's like a human pain killer. Gumaan nang konti ang pakiramdam ko. "Thank you. Kahit unggoy ka may pakinabang ka pala." mahina lang akong tumawa at umalis sa pagkakayakap ko sa kanya. "Tapos kana bang umiyak? " Natatawa siya sa hitsura ko. Tsk for sure mukha na akong bruha. " Don't worry you are still beautiful even if your mukhang bruha Belle , yun nga lang amazona ka-Ouchhh! nasasanay kana talagang mambatok ha Isabelle!" Para talaga siyang unggoy sa pagkukunwari niyang nasasaktan . "Di mo bagay " Inirapan ko lang siya at kinuha sa kamay niya ang panyo na mukhang kanina niya pa hawak pero yung VERSACE shirt niya ang ginamit ko. Tsk. "ISABELLE!" Sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng sigaw na yun which is galing sa kung nasaan ang Demonyo. Bakit pa siya sumunod? Nag aalala ba siya sa bestfriend niya. "What now ,San?" s**t bakit parang napapadalas ang pagiging normal ni Karl this past few days. " Belle naman ilang weeks na tayong di nag uusap , nag aalala lang naman ako sayo. May nanakit ba sayo?Bakit namamaga ang mata mo? Tsk tama lang palang sinundan kita dito. Isabelle, bestfriend mo ko kaya dapat sakin ka nagsasabi ng mga problema mo. Tsaka bakit ba parang iwas na iwas ka sakin this past few days may nagawa ba akong mali? I need to know. Hindi ko nga nasabi sayo na sinagot na ako ni Angel dahil sa pag iwas mo sakin. Alm mo bang ang saya ko ngayon yung puso ko parang lumilipad na parang lobo. Damn. I was never been this happy my entire life. Now bakit nga ba iwas na iwas ka sakin, Belle. I miss you. " "Shut up! Okay gusto mong malaman yung dahilan? Pwes makinig kang mabuti--" "Isabelle! Wag kang padalos dalos. Come on. Let's just go Belle." Tinignan ko lang si Karl at nginitian.I must do this. "Do you really want to know? Then isa lang naman ang dahilan. Mahal kita Damon matagal na! siguro nga mga bata palang tayo ay mahal na kita. Pero manhid kang g*g* ka at lagi mo lang pinapamukha saking hanggang bestfriend lang talaga ako. Umiiwas ako sayo kasi nasasaktan akong nakikita kang parang asong ulol na sunod na sunod sa amo niya. Pinilit kong balewalain lang tong letseng nararamdaman ko. Kasi ayaw ko neto. Ayaw kong mahalin ka nang higit pa sa pagkakaibigan. Ayaw ko nito. Nasasaktan akong makitang nakangiti ka nang dahil sa kanya. Masakit sa puso ko yung mismong galing sayo na sabihing mahal mo siya. God knows how much happy I am that you're happy with her pero kasabay nag kasiyahang yun ay ang pagkawasak ng puso ko. Kaya hindi mo ako masisi kung ayaw ko munang mapalapit sayo. I cannot do this. Di ko kaya San. Di ko kakayanin ang isa pang segundonh makita kang masaya pero hindi sakin. I can't take seeing you happy with someone else Damon. I can't." letseng luha wala ata silang katapusan at tumutulo nanaman para na siguro akong panda sa maga ng mata ko. Tulala lang siya at parang naguguluhan. He can't process my confession. "I--I'm sorry Belle. I didn't know you are hurting that bad. I'm sorry Isabelle. " Ayaw ko nang tuno ng pagkakasabi niya nun kasi mas nakakaramdam lang ako ng awa sa sarili ko. Lalapitan pa niya sana ako kaso umatras ako. "Ayaw kong masira lang tayo kaya I ignored your feelings and acted like I didn't know. I'm sorry" Sinira na nang letseng pagibig na ito ang pagkakaibigan namin. Sirang sira na. I don't know if I can still have what we had. Masaya akong malaman na napapansin niya pala yung mga bagay na akala ko wala siyang pake. Pero kailangan kong e distansya ang sarili ko sa kanya dahil ayaw kong magmukhang tanga at martir dahil lang mahal ko siya. "Don't mind me anymore Damon,and can I have your phone please?" Pagkabigay niya nang phone niya ay pumunta ako sa contacts and I deleted my number. I deleted any means of his contact of me. "Be happy Damon. You should be sa ating dalawa ay at least may isang masaya. You deserve all the happiness this world can give. Be happy. And I'll have to distance myself from you. I have to do this." I smiled at him .A bitter one. Alam kong ito ang pinaka tamang decision ko. I'll just self-destruct kong magpapatuloy akong mahalin siya habang siya ay nagmamahal naman ng iba. Ayaw kong mas kawawain pa ang sarili ko. "I need this for myself San. Please just be happy I can handle my self well. Let me heal first."At umalis ako dun na hindi man lang sila nililingon. Goodbye Damon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD