CARMEN's P O V " I'm sorry, " hinging paumanhin ni Jansen sabay abot ng isang bungkos ng bulaklak sa akin. " Pinag tanggol mo pa kasi iyong driver. " dugtong niya subalit hindi na ako kumibo. Sabay halik sa aking pisngi, malapit sa aking mga labi. " T- Thank you! " kiming sambit ko naman at tinanggap ang bulaklak, " K- Kanina ka pa? " kinakabahan pa ring tanong ko dahil dinatnan ko na lamang siya rito sa bahay namin. Naupo na kami sa sofa rito sa marangya at maluwag naming sala. Gumawi naman si Mommy sa kusina para bigyan na rin kami ng privacy ni Jansen. Samantalang mag hapon akong nag hihintay ng messages at calls niya iyon pala ay pupunta siya rito nga sa bahay. Medyo late na nga akong naka uwi dahil nag meryenda pa kami kanina nila Vic at Leny. " Hindi naman, kadarating ko l

