THIRD PERSON's P O V Hanggang kinabukasan nang tawagan ni Carmen ang nobyo ay hindi pa rin ito sumasagot o walang messages na galing dito. Kaya pumasok siya sa university na mainit ang ulo. Sa pag kakatanda nga kasi niya ay wala naman siyang kasalanan, para ganituhin ng nobyo? Samantalang inintindi lamang niya na baka may emergency iyong driver ng puting kotse kahapon kaya sila siningitan nito. Kung bakit naman kasi nag puputok ang butse nito e wala namang masamang nangyari sa kanila? Para iyon lamang at pati pag sagot sa tawag niya ay hindi nito pina pansin. Hanggang sa makarating siya sa university at nilalakad ang patungo sa kanilang faculty room ay hindi rin maipinta ang kanyang maamong mukha. " Good morning, Carmen! Hindi yata maganda ang gising natin ngayon!? " bati ni Leny s

