CARMEN's P O V " Good morning, love! " matamis ang ngiting bati ni Jansen habang bumababa kami ng anak ko sa hagdan. Naka- abang pa nga siya sa ibaba niyon para hintayin kami at may bitbit na pumpon ng mga bulaklak. " Go- Good morning too, love! " kiming tugong bati ko rin at napilitan akong tumugon sa halik niya sa aking pisngi " For you! " abot nito sa hawak na iba't ibang klaseng flowers " Maraming salamat, tara, kain muna tayo. " kiming aya ko pa sa kanya " Okay! Kanina pa nga nag hihintay ang mga magulang mo sa komedor. " saad pa niya kaya tumango lamang ako. " Kumusta, Clyde? " baling naman niyang tanong sa anak ko at nakipag- apir pa siya rito " Okay naman po, Tito Jansen! " magalang na tugon ng anak ko habang pagawi na ang aming mga hakbang sa dining area. " Kain na

