CARMEN's P O V " Sino ka!? Bakit ka nandirito sa classroom ng nobya ko!? " paninita agad ni Jansen sa kasamahan kong Professor kaya nanlaki ang mga mata ko " For you! " inabot nito sa akin ang hawak na pumpon ng mga bulaklak na naka ngiti bago bumaling kay Jansen Kinuha ko naman iyon at pinag lipat- lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa. " T- Thank you! " mahinang usal ko habang pinagma masdan ang mga lalaking nasa harapan ko, baka kasi bigla na lamang silang mag suntukan e malaking gulo. " Tsk! Ang dali mo namang makalimot? Kung sabagay, naiba nga pala ang mukha ko kaya hindi mo na ako nakilala. Kung si Carmen nga na rati kong kasintahan ay hindi ako na mukhaan, ikaw pa kayang karibal ko sa kanya? " patutsadang wika ni Vic " Huh!? Dating nobyo ka!? Isa lang naman ang naging k

