THIRD PERSON's P O V Gaya ng pangako ni Vic kay Clyde ay naka balik naman sila sa faculty ng university bago pa matapos ang klase ni Carmen. Bumili pa nga sila ng snacks bago umuwi sa kani- kanilang mga bahay. " Oy! Sir Vic! Saan kayo galing ni Clyde!? Nakita ko kayong sumakay ng kotse kanina tapos umalis ng campus! " paninita naman ni Leny sa kasamahang Guro " Huh!? Ssshhh! H'wag kang maingay kay Carmen, may pinuntahan lang kami sandali ni Clyde, nakita mo naman naka balik kami agad. " saway pa niya sa kasamahang guro at palinga- linga pa sa paligid at baka nga naman dumating na si Carmen " Hala! Hindi mo pinag paalam iyang anak niya sa kanya!? " nanlalaki ang mga matang sambit pa ni Leny " Hindi e! Kapag pinag paalam ko baka hindi ito payagan? " naka ngiwi pang saad ni Vic " H

