THIRD PERSON's P O V Naging tahimik naman si Clyde habang abala ang kaniyang Ina sa pagtuturo, nagdala rin kasi siya ng coloring book para hindi mainip. Bawal pa kasi siyang gumamit ng cellphone o anumang gadgets. " Anak, tara na, snacks na tayo! " tawag ni Carmen sa kanya kaya nag- angat siya ng ulo Nakita niyang sila na lamang mag- ina ang naiwanan sa silid. Kaya binitiwan ang hawak na crayon. " Saan po tayo kakain? " magalang naman niyang tanong habang nililigpit ang kanyang coloring book. Sa Faculty, anak, nakalimutan ko palang dalhin ang lunch box mo, nagmamadalu kasi si Tita Leny kanina kaya hindi ko na dampot. " Saan po ba ang next mong classroom na pag tuturuan? " naka nguso naman nitong tanong pa kaya mahinang natawa ang kaniyang Ina. " Dalawang room mula rito, bakit?

