PALUSOT

1339 Words
CARMEN's P O V " Anak, hapon na, aba! Paano na ang selebrasyon natin ng iyong pagtatapos kung matutulog ka lamang mag hapon!? " gising ni Mommy sa akin Hindi naman ako agad naka kibo dahil masakit ang lalamunan ko pati na ang aking buong katawan. Partikular sa maselang bahagi ng aking katawan sa pagitan ng mga hita. Sa pagba balik ng aking alaala ay hindi ko maiwasang pangiliran ng mga luha. Dahil sa pagkawala ng aking pinaka iingatang bagay na ipinag damot ko noon kay Vic. " M- Masama po ang . . p- pakiramdam ko, M- Mommy. " malat ang boses na tugon ko Sinalat naman ng likod ng palad niya ang aking leeg at noon, naka upo naman na kasi siya sa gilid ko sa ibabaw ng kama. " Naku! Oo nga! " bulalas naman niyang wika, " Baka dahil sa sobrang pagod n'yo kahapon sa graduation tapos nag- party pa kayo kagabi! " dugtong pa niyang wika Tuluyan namang tumulo ang mga luha ko sa aking mag kabilang sintido dahil nga sa nangyari sa akin. Natatakot din nga kasi ako sa magiging consequences niyon at baka kung ano ang mangyari sa kalusugan mga magulang ko. Dahil ang alam nila ay si Vic ang aking nobyo tapos mababalitaan na may namagitan sa amin ni Toff? " Sshhh! Bakit ka umiiyak, anak!? Masakit ba ang ulo mo? Lalamunan? Katawan!? " natataranta pang tanong ni Mommy kaya mas lalo akong nakaramdam ng guilt. " Tatawagin ko ang ating family doctor para ma- check up ka! " dugtong pa niyang wika " H- H'wag na po! " pigil ko naman sa braso niya ang akma na siyang tatayo, " M- Masakit lang po ang u- ulo ko. " palusot ko na lamang at tinuyo ko na ang aking mga luha gamit ang comforter para hindi na siya mag- alala pa " Sigurado ka, anak!? Mas lalong sasakit iyang ulo mo kapag umiyak ka pa! Tumahan ka na. " masuyong saad pa ni Mommy Kaya naman pinigilan ko na ang sarili kong maging emosyonal. " O- Opo! N- Nagugutom lang po ako. " magalang ko namang wika " Oo nga pala! Kanina ka pa hindi kumakain at hindi na nga kita pinagising dahil alam kong puyat ka! Sandali at ikukuha kita ng pagkain! " bulalas pa rin niyang wika tumango lamang ako Pagka dapa ko nga kasi kanina rito sa aking kama ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at ngayon lamang nagising kung hindi pa pumasok si Mommy. Tapos eto nga at nilagnat na pala ako, mainam na rin ito dahil may dahilan ako para hindi kumilos. Masakit nga kasi ang aking pagka babae. Hindi ko tuloy mapigilan na mapaluha kapag sumasagi sa isipan ko ang namagitan sa amin ni Toff. Dalangin ko lang ay hindi mag bunga ang aming nagawang kapangahasan. Hindi ko rin kasi alam ang magagawa ko kay Toff kapag nangyari 'yong aking kinatatakutan. Dahil plinano niya ang lahat, kung hindi niya ako sinuntok sa sikmura ay hindi naman ako mawawalan ng malay tao. Tapos tila pa siya walang alam sa namagitan sa amin? Baka din kasi sa mukha niya ang kalituhan o nagmamaang- maangan lamang para hindi ako panagutan kung sakali? Kaya kahit papaano ay may kinikimkim akong galit sa kanya. Tapos malalaman namin na magdadalang tao ako? Paano na lamang ang aming magiging pag sasama kung sakali? Oo nga at nanliligaw siya pero hindi pa siya napapamahal sa akin ay mayroon agad kaming alitan na dalawa. " Kkkrrriiinnggg! " nagulantang ako sa pag tunog ng aking cellphone Luminga ako sa paligid at hinahanap iyong aparato na maingay. Hanggang sa mapatingin ako sa pouch bag na nahulog sa sahig. Dahil siguro sa kalikutan kong matulog ay na hulog iyon. Dinukwang ko naman iyon para makuha, bahagya pa akong napa ngiwi dahil nga sa pananakit ng aking katawan Agad kong kinuha ang cellphone na patuloy na nag- iingay, napa buga naman ako ng hangin at nangilid na naman ang mga luha ko nang makita kong si Arra ang tumatawag. " H- Hello! " nag- alis muna ako ng bara sa lalamunan bago ko iyong i-accept " My God, Carmen! Mabuti at sinagot mo na ang tawag ko! " medyo histerikal nitong sagot, hindi man lang nag- hello muna " Ahm, kakagising ko lang, pagka- uwi ko ka - . . rito sa bahay ay naka tulog agad ako. " kagat ang pang- ibabang labi dahil muntil ko nang ma banggit na kaninang umaga lamang ako naka uwi Wala pa naman akong balak aminin sa mga ito ang nangyari sa akin. " Okay lang! Naka usap ko naman na si Tita kanina, " pa bungisngis pa niyang wika, pina ikot ko na lamang ang mga mata ko, alam naman pala niya kung maka- react ay akala mo talagang nag- aalala. " Pero, bruha ka! Saan ka ba natulog kagabi at kanina ka lamang daw naka uwi riyan sa inyo? " usisa na niya at bigla naman akong kinabahan Akala ko naman ay walang alam si Mommy kung anong oras ako naka uwi kaya hindi siya nag- uusisa kanina. Iyon pala ay may alam ito, baka dahil nag- aalala sa kalagayan ko kaya nakalimutan nang mag tanong, ako rin ang sumagot sa tanong ko. " A- Ano, h- hindi ba p- pumunta ako sa confort room? E, n- nahihilo na ako kaya p- pumasok muna ako sa music room para sana m- magpa hinga, h- hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako ro'n. " pag tagni- tagni ko ng kasalanan sabay bulong ng hingi ng tawad " Ganoon ba? Hindi ka nga kasi namin makita ni Jinky no'ng pauwi na kami. Akala namin nauna ka nang umuwi kaya umalis na rin kami ng school no'ng nahihilo na kami! " paliwanag pa niya " O- Okay lang! " pilit ko namang pinasaya ang boses ko para hindi na siya mag- alala pa sa akin Kung saan- saan naman na napunta ang aming usapan hanggang sa magpa alam na kami pareho. Sakto naman ibinaba ko ang cellphone sa aking bedside table nang pumasok si Mommy kasunod ang isa naming kasambahay. Bitbit ang tray na may naka patong na bowl na may takip, isang basong orange juice at tubig. " Kumain ka na para makainom ka ng gamot. " masuyo pang utos ni Mommy " Bababa na po ako sa kusina, Ma'am. " paalam ng kasambahay " Sige, salamat. " saad naman ni Mommy at lumabas na nga ito sa aking silid kaya kami na lang ulit ni Mommy ang naiwan Hindi na lamang ako kumibo bagkus ay dinampot ko na ang kutsara para makakain ng nilagang baka at kaunting kanin. Pinilit ko na lamang lamnan ang tiyan ko dahil kailangan ko ngang uminom ng gamot. Ayaw kasing pumasok nang kinakain ko dahil alam kong humahanap lamang ng tamang timing para mag tanong ni Mommy. Kung sa kaibigan ko kasi ay nakapag alibi ako dahil hindi ko naman kaharap si Arra. Baka si Mommy ay hindi maniwala sa akin kapag sinabi ko ang una kong palusot sa aking kaibigan. Kaya hindi rin mawala ang kabang aking nararamdaman. Lalo na at tahimik lamang siyang naka masid sa kilos ko. Hanggang sa maubos ko ang dalang pagkain ni Mommy tsaka ako uminom ng gamot. " Matulog ka ulit kung inaantok ka para makabawi ka ng lakas. " masuyong saad pa niya habang inaalis sa kandungan ko ang food tray " S- Sige po. " maikling tugon ko na puno ng pag tataka tsaka umayos nang upo, isinandig ko ang likod ko sa headboard ng kama Nakita ko naman siyang gumawi sa pinto habanh bitbit nag tray para siguro ibaba sa kusina. Napa buga tuloy ako ng hangin, mas dumoble pa kasi ang kabog ng aking dibdib. Dahil sa hindi pag- uusisa niya o baka naman pag galing ko tsaka siya mag tatanong. Kung ano- ano pa ang pumasok sa isipan ko hanggang sa hindi ko namalayan na naka tulog na pala ulit ako kahit katatapos ko pa lamang na kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD