THIRD PERSON's P O V
Pagkaraan ng ilang araw ay gumaling na siya pati na ang pananakit ng katawan partikular sa kanyang pagka babae. Kaya naman natuloy na ang graduation party niya na ni- request lamang niya ay mag- swimming sila sa kanilang private beach resort sa probinsya kasama ang pamilya pati na ang kanyang mga kaibigan na sina Arra at Jinky. Dahil summer naman ngayon.
" Anak, matagal na naming napapansin pero hinihintay lang namin na sa'yo manggaling. Tsaka ayaw naming ma- spoiled ang graduation mo, kaya hindi kami nagtatanong. Bakit hindi na pumupunta sa bahay natin si Victor? " paunang wika ng Ginang, nagpapa hinga na habang kumakain ng dessert sa cottage sa gilid ng dalampasigan dahil katatapos lamang nilang kumain ng lunch doon.
Nahinto naman si Carmen sa pag kagat sa hawak niyang sliced pakwan sa tanong ng Ina. Ganoon din ang kanyang mga kaibigan. Naka masid lamang sa kanila ang Ama at mga nakaka tandang kapatid niya.
Nagpalitan muna silang tatlo nang tingin bago dahan- dahang ibinaba ni Carmen ang kinakain na prutas sa pinggan. Humugot muna siya ng malalim bago sumagot sa Ina.
" W- Wala na po kami ni V- Vic. " maluha- luha pa siya
Napa singhap ang mga tao sa kanyang paligid na tila ba hindi makapaniwala kahit inaasahan naman nilang iyon ang kanyang magiging sagot.
" Nakaka hinayang lamang dahil akala namin ng mga magulang niya ay kayo ang magiging mag- asawa sa huli. Ilang taon na rin naman kayo. " malumanay namang wika ng Daddy ni Carmen
" O- Oo nga po, g- ganoon po yata talaga, kahit matagal na kayo ay hindi pa rin kayo ang para sa isa't isa. " kiming saad pa niya na malapit ng mabasag ang boses
" Siya! Hindi na namin tatanungin kung ano ang pinag- awayan ninyong dalawa dahil privacy na ninyo iyon! Pero sana naman ay tampuhan lang iyan at kayo pa rin ang magka tuluyan! " pahayag pa ng Ginang na may kaunting hiling sa dulo
Pilit na lamang natawa si Carmen pati na ang mga kaharap nila sa cottage.
" Oo nga! May gusto namin si Vic para sa'yo! "
" Tsaka hindi na iba sa atin, kakilala na natin ang pamilya niya. "
" Tsaka si Vic mismo! Dahil sa tagal n'yo ngang magka relasyon e kabisado na natin ang ugali niya. "
Kanya- kanya namang komento ng mga kapatid ni Carmen. Pilit na lamang siyang ngumiti sa mga ito. Hindi na siya nag salita pa at siguradong huhulagpos na ang kinikimkim niyang hikbi.
" Aba! Hindi naman siya kawalan sa pamilya natin! Ang ganda kaya nitong bunso natin! Siya ang nawalan ng magandang nobya! Sigurado naman akong kapag nalaman ng ibang binata na single na itong si Carmen ay makikita mo, sunod- sunod na ang manliligaw niya! " pag yayabang at pag palakas ng loob na saad pa ng Daddy nila
" Kung sabagay nga! Mabait pa! "
" Oo nga pala! Siya nga pala ang pinaka maganda sa atin! "
Inirapan lamang niya ang dalawa niyang Kuya dahil sa pabirong pang- iinsulto nila at hindi papuri. Mahina lang din natawa ang ibang kaharap nila.
" Maliligo na kami, mang bubwisit na naman sila Kuya! " paalam na lamang niya para makaiwas sa iba pang katanungan at pang- iinis ng pamilya
" Sige at nasa mood na naman ang mang Kuya mo na asarin ka! " saad naman ng Ginang
Tumayo na nga sila Arra at Jinky tsaka nagpa- alam sa pamilya ng kaibigan at tinungo ang dagat.
" Mabuti na lang at hindi na sila nag- usisa pa ng tungkol sa pinag kagalitan ninyo ni Vic. " saad ni Arra habang lumulusong na sila papunta sa malalim na parte ng dagat
" Oo nga e! Hindi ko pa naman alam kung ano ang idadahilan ko! " wika naman ni Carmen
" Grabe ring mag tampo ni Vic 'no!? " saad ni Jinky
" Hhmmpp! Pero sapantaha ko ay baka naman alibi na lang niya 'yon! Para may dahilan siya para makipag- breal dito sa kaibigan natin! " pahayag ni Arra
Kaya napa tingin si Carmen at Jinky sa kanya, hanggang leeg na nila ang tubig kaya banayad pa nilang kina kampay ang mga braso nila sa tubig.
" P- Pwede! Oo nga! Maaari! " bulalas namang wika ni Jinky na sang- ayon sa sinambit ni Arra
" Hindi rin! Kasi nga 'di ba, naiinis nga siya kay Nancy dahil sa gaslaw nitong kilos? " kontra naman ni Carmen
Dahil nobyo nga naman niya si Vic kaya siya ang mas higit na nakaka kilala rito.
" Sige nga! Ano ang naiisip mong mabigat na dahilan kung bakit close na silang dalawa!? E, ikaw na rin mismo ang maysabing ayaw ni Vic kay Nancy dahil sa pagiging magaslaw nitong mga kilos? " hamon pa ni Arra
" Malay mo naman may dahilan nga si Vic na confidential? Tapos na tapat na may alitan silang dalawa ni Carmen! " opinyon naman ni Jinky
Natahimik naman silang tatlo na tila ba iniisip na mabuti ang sinambit ni Jinky.
" Eto ang nobyang si Carmen, wala ka bang napapansin na kakaiba kay Vic bago siya may hilingin sa'yo? " usisa ni Arra pagkatapos ng ilang minutong katahimikan
" W- Wala! " tugon niya habang inaalala pa rin ang huling araw o oras na magka sama silang mag nobyo. " Sweet pa nga siya noong kumakain kami, pagkatapos nga namin ay may hiniling na nga siya at sabigin kong ayoko. Nauna na siyang lumabas sa akin sa canteen, napa iyak na kasi ako noon kaya pina kalma ko muna ang sarili ko tapos pag labad ko, ayon, nakita ko na sila ni Nancy na nag haharutan na at tawanan na para bang hindi kami nagkaroon ng alitan ilang minuto ang nakakaraan. " mahabang paliwanag ni Carmen sa kanila na ilang beses na rin naman nilang narinig mula sa kanya
" Pero ang sapantaha ko talaga riyan e may something sa kanilang dalawa kaya bigla sila naging close! " pamimilit pa ni Arra
" Okay! Nandoon na nga tayo sa may something sa kanilang dalawa! Paano pa natin iyong malalaman e bigla na ngang ni- ghost itong kaibigan natin! Ano!? Mag kasintahan pa ba sila o hindi na!? Para nga naman kung sakaling may manligaw sa kanya e naka handa na siya to mingle? Aba! Hindi naman pwede 'yon na siya lang ang ka- flirt agad, 'no! " matapang na pahayag pa ni Jinky
" Wala na! Sus! Ano pa bang closure e ilang linggo ng ni ha, ni ho ay walang namamagitan sa aming dalawa! Ano ko parang tanga na kapag bumalik e tatanggapin ko pa siya pagkatapos ng pakikipag- flirt niya kay Nancy!? " pinal namang wika ni Carmen
" Sana nga! Panindigan mo 'yan at hindi ka maging marupok. " hamon pa ni Arra
Hindi na lamang siya nag komento pa. Lumangoy kasi patungo sa malalim na bahagi ng dagat si Jinky kaya naman naki gaya na sila ni Arra. Nang tantya na nilang napapa layo na sila sa dalampasigan ay bumalik din sila na tila nag kakarera pa.
" Haaahhh! Ang sarap ng tubig! " bulalas na wika ni Jinky
Hanggang baywang na nila tubig nang huminto siya sa pag langoy.
" Paano naman si Toff? " usisa ni Arra
" Anong paano siya? " salubong ang kilay na balik niyang tanong sa kaibigan
" Naku! Pakipot ka pa! 'Di ba nanliligaw na siya sa'yo!? " patanong ding tugon ni Arra
" Ewan ko! Parang wala pa ako sa mood pumasok ulit sa panibagong relasyon pagkatapos ng sa amin ni Vic. " seryoso naman niyang tugon
" Kung sabagay, hindi rin biro ang ilang taon n'yo ni Victor. " saad pa ni Jinky
" Pero h'wag mo namang ikulong ang sarili mo sa nakaraan, lalo na at mga bata pa tayo! Mag- enjoy muna tayo, aba! Ang babata pa natin para sa ganyang ka seryosong usapan! " wika naman ni Arra
" Oo nga! Kayo lang naman itong kung ano- ano ang mga tanong at haka- haka! Basta, i- enjoy natin kung ano ang mayroon tayo ngayon! H'wag i-stress ang nga sarili, lalo na sa mga boys! " pahayag niya na sinang- ayunan naman ng dalawa
Umupo na sila sa dalampasigan na naka unat ang mga binti at natatamaan ng mabining alon habang naka harap sila sa mala- krystal na tubig na kumikinang sa tama ng sikat ng araw.
Ang pamilya ni Carmen ay nanatili sa cottage na tila takot maligo dahil sa matinding sikat ng araw. Sila kasing tatlo ay nag pahid ng sunblock lotion kaya malalakas ang kanilang loob na mag bilad sa ilalim ng matinding sikat ng araw.
Habang tahimik silang naka tingin sa malayo ay biglang sumagi sa alaala ni Carmen ang nangyari noong gabi ng kanilang graduation ball. Tumawag si Toff at nag tatanong kung kailan sila mag- uusap tungkol nga sa nang yari noong graduation ball nila. Pero inamin na nitong wala pa rin itong natatandaan kung may namagitan ba sa kanila o wala dahil nga lango sa alak. Pero natandaan nito ang pag harang sa kanya sa comfort room at pag suntok sa kanyang sikmura nang tanungin ni Carmen. Tapos ang sumunod nga raw noon ay dinala siya sa music room tapos wala na itong natandaan.
Bumalik lamang daw ang alala nito noong umaga na at pareho silang walang nga saplot pareho. Komo nga kakagaling lamang niya mula sa sakit ay isinagot niyang tsaka na lamang niya ito tatawagan kapag magaling na siya.
Naisip naman niyang ano pa ba ang pag- uusapan nila e inamin na nito ang nangyari ng gabing iyon. Siya kasi ang natandaan nga ay no'ng pinangko siya sa balikat nito hanggang sa mawalan na siya ng malay tao.
Natauhan lamang siya noong may umaangkin na sa hubad niyang katawan. Pagkatapos niyon ay naka tulog ulit siya dahil sa pagod at nang magising ay umaga na nga at mag katabi na sila ni Toff na naka higa sa flooring ng music room at walang anumang saplot sa katawan.
Kaya ang mas nakapag pagulo sa kaniyang isipan ay kung pwede ba ang ganoon na hindi natandaan ang nangyari? O nagmamaang maangan lamang si Toff para hindi managot sa kanya kung sakali?
Sa isipin namang baka magbunga iyong isang gabing pagkaka mali ay biglang sumakit ang ulo ni Carmen. Kapag nagkataon kasi ay hindi niya alam ang kanyang gagawin. Lalo na sa mga magulang niyang baka atakihin sa puso.
Nang mag- usisa kasi ang Mommy niya kung bakit nga siya inumaga nang uwi no'ng graduation ball tapos hinahanap pa siya ng mga kaibigan. Kung ano ang palusot na sinabi niya kay Arra ay ganoon din ang sinabi niya sa kaniyang Ina.
Mabuti at tila naniwala naman ito sa kanya kaya naka hinga siya ng maluwag kahit papaano. Kaya ang dina dalangin na lamang niya ay h'wag sana siyang mabuntis. Dahil paano nga kung hindi si Toff ang umangkin sa kanya? Anong mukha pa ang ihaharap niya sa pamilya niya at kaibigan? Lalo na kay Vic na pinag kait ko pa sa kanya tapos ibibigay ko lang pala sa hindi ko kilala o nobyo? Pero kung walang natandaan si Toff sa namagitan sa kanilang dalawa e bakit wala rin itong saplot nang magising sila?
" Oy! Tara na! Ligo na ulit tayo! " untag ni Arra sa kanya at siniko pa siya sa braso kaya nabalik siya sa kasalukuyan
Nakita nga niyang nag- uunahan na ang mga ito sa pag takbo sa tubig patungo sa malalim kaya tumayo na siya. Pinahid muna ng mga daliri ang kanyang luha bago tumakbo rin palapit sa mga kaibigan.
Kaya mas gusto niya ang may kausap lagi para hindi na siya mag- isip ng kung ano- ano.