Esha POV Agad kung tinawagan ang personal assistant ni Terrence. Pero ang sabi nito ay ako muna daw ang uuwing mag isa. Susunduin na lang daw ako ng mga tauhan nito. Tsaka na ang mga bata. Masakit man na iwan pansamantala ang mga anak ko ay kailangan muna naming maghiwalay. Sa ngayon kasi, ako muna ang uuwi daw sa mansion. Iyon ang bilin ng terrence. Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ng asawa ko kuno. Ang gara ng sasakyan. Sinundo na lang kasi ako ng isa sa sasakyan ni Terrence na asawa ko. I can't believe, na asawa pala ako ng isang multibillionaire. Nang makarating kami sa may gate ay bumusina lang ang sasakyan at agad na bumukas ang gate. Napa wow na lang ako dahil sa ganda ng mansion. Ang ganda nito sa labas. Napapaligiran ito ng mga bulaklak. Agad akong bumaba at inakay

