ANDREI CASTRIEL
Hindi ako mapakali habang naghihintay kung kailan kikilos ang mga rescuer. Nagkakagulo na ang mga ito pero ang tatlong kapatid ni Chandra, kalmado lang na nakikipag-usap sa isang lalaking kabababa lang ng hagdan. Pusturang-pustura ang dating nito at kahit lalaki at matanda na, halatang-halata pa ring ang pagiging elegante sa mga kilos nito. May dalawang unipormadong lalaki na nasa tabi nito at kung tama ang hinala ko, guard nitong maituturing ang dalawang lalaki.
“Is that Gregory Leicester?”
Napalingon akong muli sa dalawang laking kanina pa nagku-kuwentuhan sa likuran ko. Parehong may subong lollipop ang dalawa habang nakatingin sa mga taong nag-uusap. Kung i-imagine-in para silang modern-day gossipers.
“Gregory Leicester? Owner nitong camp? Eh ‘di ba, bihira lang iyang lumabas?”
Nagkibit-balikat ang isang lalaki.
“I don’t know. Maybe the Ricaforts are really important kaya wala siyang nagawa kundi bumaba.”
Ilang sandali pa ang lumipas, isang malakas na palakpak ang kumuha sa atensiyon ng lahat. Ang matandang lalaki ay marahang naglalakad patungo sa gitna kung saan matatanaw niya ang lahat ng mga participant. Naging tahimik ang paligid. His presence made every part of the hall be put in silence.
“To all the young participants of the writer’s cup, I would like to greet every single on of you a not so good evening. No one expected this typhoon. No one wanted for all of you to experience this inconvenience. I am sorry because you have to go through this. Especially to those participants who happened to be stuck in the very far vacant building.”
He cleared his throat and hit the floor with his cane.
“As you know, we still have two participants that are still stuck inside the vacant building. They are Mr. Mirasaki and Ms. Ricafort. The reason why I am here talking to you, is we would like to ask for your help. We need at least one person who will help the rescuer to assist Miss Ricafort. She needs help ASAP. To those who will offer their help, will be given huge amount of money.”
Nagtataka ako. Naroon naman ang kaniyang tatlong kapatid. Bakit, hindi ba sila puwede ang sumundo sa kanilang kapatid na stranded sa vacant building?
I was curious for so many things but I set it all aside. Mabilis akong tumayo at itinaas ang aking kamay.
“I volunteer,” saad ko.
Lahat ng taong nasa loob ng hall ay napalingon sa akin. Ang kapatid ko naman ay hinawakan ako sa dulo ng aking suot na damit.
“You must be kidding me, Kuya. Kababalik mo nga lang dito tapos sasama ka na naman? What’s wrong with you? Stay here! Kapag may nangyari sa’yo, malalagot ako kina Mama at Papa.”
Hindi ko pinakinggan ang kapatid ko. Ang tingin ko ay nanatili kay Sir Leicester. Tapos bumaling na rin ako sa tatlong kapatid na lalaki ni Chandra na mataman ding nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo ng dalawa, habang ang isa naman ay tila pinag-aaralang mabuti ang aking pagkatao. Nakita ko rin ang pagguhit ng recognition sa kaniyang mga mata. Sandali itong tumagilid at umaktong parang may inaamoy. Mayamaya pa ay lumapit ito sa dalawa niyang kapatid at may ibinulong. Sa akin na nila itinuon ang kanilang atensiyon.
“You are?”
Humakbang ako konti para mas makita ako ni Sir Leicester.
“I am Andrei Castriel and I volunteer to be a part of Miss Ricafort and Mr. Mirasaki’s rescue mission.”
“Kuya!” Dinig kong reklamo ng kapatid ko.
Sandali namang lumapit ang isang rescuer sa matanda at may binulong dito. Marahang tumango ang matanda at muling bumaling sa akin.
“Ang sabi ng rescuer ay kabilang ka raw sa isa sa mga kadarating lang galing ng vacant building. Why do you want to go back?”
Tumuwid ako sa pagkakatayo.
“Dahil hindi ko naman dapat sila iniwan sa una palang. I am a part of their team. I should be there with them.”
Marahang tumango ang matanda. Bumaling ako agad sa lalaking naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Pagkahinto nito sa harapan ko ay nilahad niya ang kaniyang kamay sa akin.
“I’m Alas Ricafort. Chandra’s brother.”
Tinanggap ko naman ang kaniyang kamay.
“I’m—”
“I know you,” pagputol niya sa pagpapakilala ko.
Ngumiti siya sa akin.
“Matagal ka nang kinu-kuwento sa amin ng bunso naming kapatid. Chandra’s very fond of you. At kung ‘di ako nagkakamali, nakapunta ka na rin sa mansion na tinitirahan namin kasama ang kapatid mo.”
Nilingon niya ang kapatid ko at tinanguan ito nang marahan. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Naninibago ako na sa akin lahat ng atensiyon ng mga tao.
“I want to talk with you in private,” Alas said. Mabilis siyang tumalikod at naglakad patungo sa isang silid. Lumingon ako sa kapatid ko at binigyan siya ng isang marahang tango.
“I’ll keep myself safe.”
Sumunod na rin ako kay Alas. Pagpasok ko sa isang silid ay nakita ko siyang nakatayo malapit sa isang bintana paharap sa lugar ng vacant building.
“Do you like my sister?” diretsahan niyang tanong sa akin. Natigilan ako sandali nang marinig ang kaniyang sinabi.
“Sino ba namang hindi magkakagusto sa kaniya?”
Humugot siya ng malalim na hininga at marahang tumango.
“That’s understandable. Chandra is a beautiful lady. Pero sigurado ka ba talaga na gusto mo siya? Paano kapag nalaman mong iba siya, at hindi kagaya ng mga karaniwang tao na nakilala mo.”
Napalunok ako. It’s as if my brain stopped functioning. Maraming salita ang tumatakbo sa isipan ko, pero wala man lang akong maisagot kay Alas.
“Bakit hindi kayong magkakapatid ang magligtas sa kapatid niyo? Hindi ko kayo maintindihan.”
He chuckled.
“Of course, you would never understand. We are not normal. We are not human. There’s something in the water that could kill us. Hindi kami maaaring madikitan man lang o mabasa ng tubig dahil kapag nangyari iyon, manghihina kami.”
Nagsalubong ang kilay ko sa aking narinig. Hindi sila normal? At ano raw? Hindi sila tao?
“We’re vampires, Andrei.”
Yumuko ako sandali at pag-angat ko nang tingin sa lalaking kaninang kausap ko ay napansin kong wala na ito sa kaniyang kinatatayuan.
Nang may kumalabit sa aking likuran ay kumabog ang dibdib ko. Paanong naroon siya sa aking likuran? Hindi ba’t nasa harapan ko lang siya kanina?
“Matagal ka nang pinagmamasdan ng aming kapatid dahil sa kakaibang amoy ng iyong dugo. Mabango, nakaka-akit, at higit sa lahat nakakatukso. Gayunpaman, nagawa ng kapatid namin na pigilin ang kaniyang sarili na lapitan ka. Importante ka sa kaniya, dahil sa tingin niya, malaki ang maitutulong mo sa kaniya at sa responsibilidad niya sa aming lahi.”
Muli siyang naglakad patungo sa aking harapan.
“Hindi namin kayang iligtas ang aming kapatid sa kapahamakan. Bilang ikaw lang ang kilala naming nais tumulong sa kaniya, inaasahan ka naming magagawa mong maibalik nang ligtas si Chandra sa amin.”
Naramdaman ko ang konting pagkahilo. Halos hindi matanggap ng sistema ko ang impormasyong aking nalaman. Bampira? Tunay ba talagang mayroong nabubuhay pang bampira sa panahon ngayon?
“Alam naming mahirap paniwalaan. Pero kung nais mo nang patunay, handa akong ipakita sa’yo ang aking tunay na anyo.”
Sandali siyang tumalikod at nang humarap siyang muli ay nakita ko ang pagbabago sa kulay ng kaniyang mga mata. At ang kaninang pantay na ngipin ay tinubuan ng matatalas na pangil.
Napaatras ako dahil sa kaba. He shifted back in his normal form.
“Kailangan ka ng aming kapatid. Kapag nailigtas mo siya, handa kaming magbayad ng malaking halaga para sa kabutihang ginawa mo.”
Sunod-sunod ang aking naging paglunok.
“Hindi ko kailangan ng pera. Gusto ko lang mailigtas si Eren at Chandra. Dahil kahit hindi sila kagaya ko na tao, naging mabuti sila sa akin.”
Nang hawakan ni Alas ang aking braso ay naramdaman ko ang lamig ng kaniyang balat. Kagaya ng lamig ng katawan ni Chandra.
“You must save her.”
Isang marahang tango ang naging sagot ko sa kaniya bago ako tumalikod at naglakad palabas ng silid na kinaroroonan naming dalawa.