bc

The Meister

book_age18+
110
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
powerful
brave
twisted
bxg
mystery
vampire
small town
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Chandra Ricafort is an extraordinary vampire whose job is to kill the rogue vampires who harms human being. She does that to maintain the peace and harmony between human and vampires. Little did she know she has a capability other's doesn't have.

She is more than what she thought. She is more than what she has.

She is more powerful than she thinks.

Join Chandra Ricafort as she navigate the world, time loops, and other dimensions of the universe together with her gang and love interests.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1:THE PRODIGY AND THE ORDINARY
ANDREI CASTRIEL “Sigurado po ba kayong kasali kayo sa event, Sir?” Awtomatikong napaangat ako ng tingin ng marinig ang itinanong ng registration officer sa isang lalaki. Inayos ko ang pagkakasuot ng aking bag at tumuwid sa pagkakatayo. Pangatlo ako sa pila kaya hindi ko naiwasang marinig ang tanong na iyon mula sa babaeng officer. Tumayo ang babae sa kinauupuan nito at pumunta sa isang matandang lalaki na abalang nakikipag-usap sa mga bisita. Saglit itong humingi ng kaunting minuto para magtanong dito. Mr. Gaiman, ang head organizer ng Writer’s Cup. Dalawang beses na tumango si Mr. Gaiman sa registration officer bago ito naglakad papasok sa Athens Building. Ang natatanging building sa buong Leicester Camp kung saan matatagpuan ang opisina ng mga hurado at magagaling na manunulat sa buong bansa. Katulad ng mga nakalipas na taon, marami pa ring uma-attend sa event na ito. Kung hindi ako nagkakamali ay mas nadagdagan pa nga ngayong taon. There are two reasons why aspiring journalists attend this kind of paid event. First is they want to hone their skill in writing and second is to desperately dethrone the Writer’s Cup Grand Meister. “Pasensiya na Sir, pero wala po kayo sa listahan ng mga journalist na kasali sa event," tila kabadong saad ng officer. Narinig ko ang isang malakas na pagkalabog ng front desk. Ang kaninang kalmadong officer ngayon ay biglang namutla dahil sa pagkabigla. I know why she’s afraid. Who wouldn’t be if the aspiring journalists are sons and daughters of high-ranking official in who lives in the country or worse the children of senators and big conglomerates? “I paid for this event. I wasted hundreds of thousands just to attend this f*****g event, tapos sasabihin mo wala ako sa listahan?” The man is now shouting. Maging ang ilang officers ay natahimik. Walang naglakas ng loob na sumagot. Because they know that they are just nothing compared to these young and rich people. “Sir, hindi po kasi talaga kayo puwedeng pumasok sa Camp nang hindi kayo listed as official member ng Writer’s Cup,” lakas loob na saad ng babae. “And who are you to tell me that?” he roared. “Mr. Sprouse, we are terribly sorry for this inconvenience but we’re just mere staff here if you want to vent your anger, you may get to the office of Mr. Gaiman and don’t create a scene here,” saad ng lalaking bagong dating. Ang kaniyang damit ay katulad din ng mga staff na naroon. Ngunit ang kaibihan ay may nakatatak na 'Head Officer' sa damit nito. “Stupid, dumbass,” biglang saad ng lalaking nasa harapan ko. Lahat ng naroon ay natahimik. Walang naglakas ng loob na gumawa ng ingay. The guy in front looks at him with so much anger in his eyes. Ang galit nito na kanina ay para sa mga officer ay nabaling sa lalaking nasa harapan ko. Nakalagay ang kamay nito sa bulsa ng kaniyang suot na slacks. “Anong sinabi mo?” taas-noong tanong ng galit na lalaki. “Are you f*****g deaf? I said you’re stupid dumbass,” the guy said with his voice full of mockery. The guy’s eyes are full of rage. He was about to raise his right arm, readying himself to punch the guy who called him stupid dumbass when he saw something or someone at my back. “Fool,” the girl said as she walks towards the front desk. Agad na ibinaba ng lalaki ang braso at ibinaling ang atensyon sa babaeng ngayon ay nasa harapan na niya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” People around me remained quiet. Some are buzzing about something I don’t understand. The guy looked at the girl with irritation. “Chandra Ricafort eh? finally, we’ve met.” Tiningnan niya ang babae mula ulo hanggang paa bago ngumisi rito. “Akala ko talagang maganda ka. Nagsayang pa ako ng pera para lang makita ka.” Kumunot ang noo ko sa narinig. I squinted my eyes to look at her very carefully. Her long black hair was pulled up into a twist, with a strand of hair falling down each side of her face. She’s not wearing make-up as what other college students usually does. But I am certain that she’s beautiful. “It turned out that the news I heard way back then were just false rumors. Look at yourself…” The guy started up again but Chandra raised her hand as if to swat the conversation away. “Oh, bakit hindi ka makapagsalita? Tama ako 'di ba? Na hindi ka naman maganda? I bet hindi ka rin naman talaga magaling magsulat. Tell me, binayaran mo ba ang mga jury para maging manalo palagi?” natatawang tanong ng lalaki na mas lalong nagpatahimik sa buong lugar. Chandra looked at the guy coldly. I’ve known her ever since I’ve decided to join Writer’s Cup four years ago. First year college ako nang magdesisyon akong sumali sa School Publication ng University na pinapasukan ko sa Ezra. I am not a good writer but I am determined to learn. That’s why I’m joining the Cup every year because they provide seminars and workshops to every category before the actual competition happens. Kagaya nang sinabi ko may dalawang rason kung bakit sumasali ang mga journalists na kagaya ko at ang naunang rason ang dahilan kung bakit ako nandito. Chandra is a prodigy when it comes to writing. She won the Cup and got the trophy the moment she joined and continue to win as the years go by. She is calm and mild-mannered usually. Yet at times, her eyes are so cold and she looks like someone else. “I don’t talk to losers.” And that quieted him. “I don’t allow anyone acting against me to look down on me.” She raised her right hand and held the head of the guy and forcefully pushed it down. “Lower your head. You can talk after you perform better than me. Not that you ever will,” she said. I looked around. I can see everyone’s reaction clearly. Eyes are widening, hands are in their mouth as if they couldn’t believe what they just saw. “Come on, Eren,” Chandra said to the guy who called Mr. Sprouse ‘stupid dumbass’. Nanatiling nakayuko ang naiwang lalaki. He never had a chance to talk back because if he ever does, he knows himself what will happen. Sapat na ang minsang mapahiya. Ang umulit pa ay katangahan na. “Mr. Andrei Castriel, this is your key room and ID. Your room number is 22 at Menos Grande building,” saad ng officer saka inilahad sa akin ang ID at susi ng quarter room na gagamitin ko sa buong dalawang linggo ng Writer’s Cup. Nang makuha ko ang aking ID at ang susi ay naglakad na ako patungo sa kaliwang bahagi ng Leicester Camp kung saan matatagpuan ang Menos Grande. Sa kanang parte naman ay ang Cero Grande. May dalawang pagkakaiba ang Menos at Cero. Una, ang Menos Grande ay para sa mga pioneer journalists na taun-taon ay sumasali sa event. Samantalang ang Cero Grande ay para sa mga baguhan. Pangalawa ay ‘di hamak na mas malawak ang kabuuan ng Menos kumpara sa Cero. Mas malaki ang lobby nito at mas advanced ang mga teknolohiya na naka-install dito. Noong unang taon ko ay naranasan ko ring manirahan sa Cero Grande buong Writer’s Cup, wala akong ibang narinig sa mga members kundi puro reklamo sa mga pasilidad at kung gaano kaliit ang espasyo ng kanilang kwarto. Minsan din akong nagreklamo, pero hindi sa paraang sinasabi ko ng direkta o ilalabas ko sa pamamagitan ng pagdadabog o pagpaparinig. Sinabi ko na lang sa sarili ko na, isang taon ko lang naman ito mararanasan kaya imbes na magreklamo sa buong labing-apat na araw, ay nag-pokus na lamang ako sa mga seminars na isinagawa noong unang linggo para ng sa gayon ay may matutunan ako. “Kuya, Andrei, saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap.” Tanong ng nakababata kong kapatid na si Neilsen habang nakapameywang ito sa labas ng cafeteria kung saan niya ako nakita. May hawak itong tumbler na may lamang kape, ang medyo may kahabaan nitong buhok ay kaniyang ipinusod gamit ang plain black ponytail na paniguradong kinuha niya sa cabinet ng nakababatang kapatid naming kapatid na si Amber bago kami umalis ng bahay. Tatlong taon ang tanda ko kay Niel ngunit mas matangkad ito ng ilang pulgada sa akin. “Dumiretso ako sa quarter room ko,” maikli kong sagot saka inilibot ang aking paningin sa mga taong labas –pasok sa malaking cafeteria ng Liecester Camp. Mula roon ay nakita kong lumabas ang Grand Meister na si Chandra. Mag-isa itong naglalakad. Kagaya ni Nielsen ay may hawak din itong tumbler. “Grabe kuya, kung nakita mo lang kanina ‘yong nangyari sa Hera’s Lobby, sa registration area kanina. Mapapanganga ka talaga sa ginawa niyang ni Chandra sa isang lalaki matapos siyang sabihan na hindi maganda.” Napatingin ako kay Nielsen, mataman itong nakamasid kay Chandra habang naglalakad ang ito patungong Athen’s building. One of the best things when you became the winner is you got access to any Athen’s facility. Maraming journalist ang naghahangad na makapasok sa Athen’s building na itinuturing na Great Home of Knowledge. Doon matatagpuan ang pinakamalaking library sa buong Pilipinas na naglalaman ng mga pinakaluma hanggang sa mga pinakabagong libro sa buong kasaysayan. “This is the very first time I saw her in person. But I heard she went on San Real Academy in Ezra when she was in high school. Ibig sabihin schoolmate mo siya noong high school.” Nielsen said. Really? I didn’t know or maybe I forgot. “Anyway, I hate her,” he said afterwards and sipped coffee from his tumbler. Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Umayos siya sa pagkakatayo. “I mean, writing isn’t my style, I’m more into Tennis but the moment I see her I know I don’t like her.” He stopped for a while and eyed Chandra. I remained quiet. Listening quietly was my general social strategy. “But do you know why I don’t like her?” he asked. I didn’t answer. “Because the very first time I saw her, she automatically gets my respect.” Bigla akong natahimik. This is the very first time he talked about respect. And usually, he gave his respect to valuable people and the people he knows long enough. “Huwag mo akong tingnan ng ganiyan kuya, hindi ko rin alam kung bakit,” natatawa niyang sambit saka tinapik ang aking balikat at naglakad patungo sa Cero Grande. I don’t like famous people. Hindi dahil may ginawa silang masama sa akin, hindi rin dahil naiinggit ako sa kanila. Lumaki ako na malayo sa maraming tao. Kadalasan ay pamilya ko lamang ang nakapaligid sa akin. Wala rin akong gaanong kaibigan. Hindi rin ako mahilig sa mga social activities. To be precise, I am an introverted person. I don’t like famous people because they bring and gather huge amount of attention from people, that’s what I don’t like. The baggage you bring just to impress other people. But for the first time in my life, when I saw her a while ago in a very proximate distance, I feel nothing, not even a slight amount of dislike and that is… very, very strange thing to me. “Excuse me…” Natigil ako sa aking iniisip nang may magsalita sa aking likuran. “Hi, I am Eren Mirasaki. Kilala mo ba si Chandra Ricafort, the Grand Meister?” tanong nito sa akin. I remember this guy. Siya yung lalaki na kasama kanina ni Chandra sa Hera’s Lobby. Tumango ako bilang pagsagot. Bumuntong hininga siya. Iyong tipong para nakahinga nang maluwag bago siya ngumisi sa akin. “Alam mo ba kung nasaan siya?” muling tanong nito. Itinuro ko ang Athen’s Building, dahil alam kong doon ko siya huling nakita. “Good. Can you bring this to her?” Hindi pa man ako sumasang-ayon ngunit mabilis nitong ibinigay sa akin ang mga libro na hawak nito. “T-teka…” Ipinagpag nito ang dalawang kamay at umayos sa pagkakatayo. “Bro, salamat. I owe you this one. Pakibigay lang sa kaniya at pakisabi may mas mahalagang inasikaso si Eren kaya hindi nakapunta,” saad nito bago mabilis na tumalikod. Kumunot ang noo ko at sinubukang balikan ang mga pangyayari ilang minuto lang ang nakakalipas. And then I realized I’m screwed. I tried to focus. Inayos ko ang pagkakabitbit sa mga libro at walang ganang tumungo sa entrance ng Athen’s Building kung saan may nakabantay sa security guard sa labas nito. Nang makarating ako sa entrance nito ay hinarang ako kaagad ng guwardiya. “Sir, bawal po pumasok.” Tumango ako rito. Alam ko naman iyon. Para lang sa mga importanteng tao ang Athen’s building. “Alam ko po, iaabot ko lang po sana ito kay Ms. Chandra Ricafort, paano ko po kaya ito maibibigay sa kaniya?” tanong ko sa guwardiya. Saglit itong nag-isip, ilang sandali lamang ay napangiti ito. Marahil ay nakaisip ng paraan kung paano makakarating kay Chandra ang mga librong ito. Ngunit… ngunit sa pagkakataong ito ay mali ako. “Ma’am Chandra! Sakto buti bumaba po kayo, may naghahanap po sa inyo.” I froze. I don’t know why my body reacted this way. I tried to focus. Unti-unti akong lumingon paharap sa kaniya. “Hi, I’m Chandra.” The moment I raised my head is the moment I see a glimpse of recognition from her eyes. For a moment she looked at me like she knows me. “Galing kay Eren Mirasaki, ipinaabot niya lang. Ang sabi niya may importante raw siyang gagawin,” pagpapaliwanag ko. Nanatili siyang nakatingin sa akin, maya-maya ay kinuha niya mula sa mga kamay ko ang mga libro, mahigpit niyang niyakap ang mga iyon. “Salamat, Andrei,” saad niya bago mabilis na tumalikod, papasok ng building. She didn’t smile. But there’s one thing that made me stop to take my first step away from that building. I closed my eyes and recalled what she said. She called me by my name. She knows me. How on earth… when she’s a prodigy and I’m just an ordinary person?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook