CHAPTER 2: THE ABRUPT CHANGES

2465 Words
ANDREI CASTRIEL Hindi pa rin naaalis sa isipan ko ang nangyari kahapon. Hanggang sa pagtulog ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari sa labas ng Athen’s building. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata sa huling pagkakataon. Nang imulat ko iyon ay saka ko isinabit ang aking bag sa aking balikat at kinuha ang cellphone na nakapatong sa bedside table. Biglang lumakas ang t***k ng aking dibdib nang marinig ang mga nagtatakbuhang participant sa labas. Agad akong lumabas at mabilis na ini-lock ang aking pinto. Nang dumungaw ako sa veranda ng building ay natanaw ko ang mga nag-uunahang estudyante patungo sa Trystane Restaurant na matatagpuan din sa loob ng Camp at ang iba naman ay patungo sa Cafeteria. I heard my phone rang. Nang makita kong si Niel iyon ay agad ko itong sinagot. “Where the hell are you, kuya?” he shouted on the other line. “Didn’t you know that in a matter of minute magsisimula na ang orientation? They changed the first day plan early this morning. So, you only have 15 minutes to eat and run towards the Artemis Complex,” he exclaimed. Nang marinig ko iyon ay hindi na ako nagsayang pa ng oras. Nagsimula na rin akong tumakbo patungo sa pinakamalapit na stall na puwedeng pagbil'han ng makakain. I don’t have the time to eat so I bought enough biscuit, yogurt drink, and water. Gagamitin ko na lamang ang natitirang minuto para takbuhin ang napakalayong Artemis complex. Last, last year, they allowed the use of car to travel from Main Camp to Artemis Complex. Kaya lang, dahil sa sobrang daming gustong magdala ng sarili nilang kotse, last year ay ipinagbawal na dahil hindi kaya i-accommodate ng parking lot ang mga kotse ng mga participants. But everything is different when you’re a Grand Meister. Ihinanda ko ang sarili ko. Inayos ko ang pagkakatali ng sintas ng aking suot na rubber shoes. I was about to run when I heard a loud car horn. Nagmadali akong tumabi dahil mabilis ang takbo nito. Ngunit bago pa ito lumagpas sa kinaroroonan ko ay bigla itong tumigil. Tinted ang bintana ng kotse kaya hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob nito. Ilang segundo pa ay biglang bumukas ang pinto ng passenger seat. “Get in,” saad ni Eren na nakaupo sa driver’s seat. I was about to decline his offer when the window at the back seat suddenly opened. “Five minutes left. If we don’t get there at 8:30, I swear I’m gonna kill the both of you,” Chandra commented dryly. 'Don’t bother getting yourself in trouble and just live peacefully.' My mother’s advice echoed inside my head. Nagmadali akong sumakay rito saka ito mabilis na humarurot patungong Artemis Complex. “Thank you for the ride,” I said. Eren offered me a fist bump so I accepted it. “We’re quits,” saad niya habang pinaglalaruan ang car keys na kaniyang hawak. He smirked at me before he finally went inside of the complex. Naiwan ako sa labas o mas tamang sabihin na sinadya kong magpaiwan sa labas dahil ayokong may makakita sa akin na sumabay ako sa kanila. Pinalagpas ko muna ang tatlong minuto bago ako pumasok. The complex is huge enough to accommodate two thousand participants. Kagaya ng dati ay ganoon pa rin ang disenyo ng interior nito. Pinalitan lang ang kulay ng dingding at decoration at ibinagay sa tema ng Summit ngayong taon. “Taking chances, opening yourself to possibilities.” The theme is embroidered in a light-colored fabric. Sa itaas na bahagi ng mga bintana ay mayroong mga flaglets na yari sa tatlong pangunahing kulay. Sa kaliwa ay kulay Pula, sa kanan ay kulay Green at sa unahan ay kulay Blue. We all know that the winning color is Blue. But I don’t get what colors Red and Green are representing this year’s Writing Summit. “Chandra, it’s been a while!” Natigil ako sa pagtingin sa paligid upang tingnan kung sino ang nagsalita. Isang babae na kasing tangkad ni Chandra. Her hair is long and a bit wavy. She’s wearing eyeglasses that made look like a real deal genius and she’s wearing a pink lacy dress. Chandra just stared at her coldly. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit ganito ang ayos ng Artemis Complex ngayong taon?” The girl asked. “I don’t have time to talk to you Alissa,” Chandra replied. The girl just rolled her eyes. Chandra sat directly across from me in the circle of desks but she didn’t look at me. “I will surely beat you this time, Chandra, ” the girl said with full of determination. “Bring it on, Alissa. Such a meaningless determination,” she replied blandly. Chandra opened the magazine in front of her and never looked at Alissa again. Inis na naglakad palayo ang babae at bumalik sa puwesto nito kung saan naroon ang iba pa nitong mga kasamahan. Naglakad ako papalapit sa mga upuan upang maghanap ng pwesto na malapit sa speaker. Ngunit halos lahat ng table ay mayroon ng mga nakaupo. May iilan na bakante pero may mga nakalagay ng bag na paniguradong ang ibig sabihin ay reserved na. Noong lumingon ako sa aking likuran para maghanap ng mapupwestuhan ay nagulat ako dahil biglang napuno ng mga participant ang natitirang mga vacant seats sa bandang likod hanggang sa dulo. Mayroon pang iilang nakatayo. “Andrei!” tawag sa akin ni Eren. “No vacant seats available, eh?” tanong niya habang nakapameywang. Tumango ako sa kaniya. “Tatayo na lang ako sa likuran. Maririnig ko pa rin naman ang sasabihin ng speaker mamaya kahit nandoon ako,” nakangiti kong pahayag. From my pheripheral, I saw Chandra rolled her eyes. “You’ve been doing the same thing for three years, sit down,” she murmured. I looked at Eren because he’s smiling ear to ear. “Don’t smile, Eren. You look stupid,” Chandra snapped. Agad namang umayos si Eren at in-offer sa akin ang upuan na available sa kaniyang tabi. Alanganin akong umupo roon. Sa bawat lamesa mayroong pitong upuan at ang kinauupuan ko ngayon ay isa sa mga upuan na matatagpuan sa pinakaunahan. Sa ilang taon kong pagsali sa event na ito ay ngayon ko lang naranasang umupo nang ganito kalapit sa entablado kung saan nagsasalita ang mga speakers. Inilabas ko ang aking dalang notebook at nagsimulang magsulat. Mula sa detalyadong deskripsyon ng lugar hanggang sa pinakamaliliit na bagay na nakikita ko. Ang mga pagbabago… at… ang babaeng nakapikit sa harapan ko. I looked at her very carefully. Her hair was midnight-black and it flowed over her shoulders. She has a fair skin with few freckles on her nose. “She hasn’t slept a wink this whole past week,” bulong ni Eren sa akin. Doon ko napagtanto na nakatitig na pala ako kay Chandra. Nagmadali akong yumuko. I heard Eren laughed teasingly. “Hello po, sorry po, pero puwede po bang maki-upo rito? Apat po kami ng mga kasama ko, kung okay lang po. Wala na po kasing available na upuan sa likuran.” Tanong ng isang babae na sigurado akong ang edad ay nasa pagitan ng 17 at 18. Tumingin ako kay Eren ngunit nagkibit-balikat lamang ito. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga babae dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. “Let them sit, Eren,” saad ni Chandra. Nakapikit pa rin ito, tila sinusulit ang sandali bago magsimula ang orientation. “Maraming salamat po,” saad ng babae na pinakamatangkad sa apat. Nang ilibot ko ang aking paningin ay saka ko lamang napansin na marami ang nakamasid sa kinaroroonan namin. Muli akong bumaling kay Chandra. Her crescent shaped eyebrows inclined slightly as she saw me staring at her. Her blank gaze chilled me for some reasons. I yelped at being caught. Again, I heard Eren laughing beside me. Umayos ako sa pagkakaupo, ganoon din si Chandra. Itinuon niya ang kaniyang pansin sa pagbabasa ng magazine na kanina ay hawak niya. “Good morning Writer’s summit participants,” bati ng emcee sa lahat. “Today, you are all gathered here not just for orientation but for some special announcement that will be given by the Head Jury of WS2022 none other than Mr. Heldrick Cruz. I, myself was shocked as well because of the sudden changes of this event. However, despite the changes, I hope that all of you will participate with all your skills and heart in this year’s Summit. Talagang pinaghandaan ng association ang lahat ng mga gawain. Talagang pinag-isipan at pinagpuyatan ng mga Jury ang mga lessons na ituturo sa bawat seminars sa bawat kategorya. For further explanations of the sudden changes, let us have Mr. Heldrick Cruz, let’s give him a big hand everyone.” Napuno ng palakpakan ang buong complex at matagal tagal din bago humupa iyon. “Magandang umaga sa inyong lahat. Hindi ko na pahahabain pa ang sasabihin ko bagkus ay nais ko lamang ipaliwanag kung bakit nagkaroon ng pagbabago sa Writer’s Summit ngayong taon.” Nakita ko ang bahagyang pag-arko ng kilay ni Chandra sa tinuran ng Head Jury. “Marami akong naririnig na hindi kanais-nais na pahayag laban sa mga juries at judges at gayon din sa ating three year straight Grand Meister na si Ms. Chandra Ricafort. Ang mga pahayag ay galing sa mga participants na hindi na naming tutukuyin kung sino. Sa totoo lamang ay nalungkot ako nang malaman ko iyon. Dahil alam nating lahat na hindi totoo ang mga binibintang ng iba laban sa kaniya. Yes, Ms. Chandra is a rich young woman, but us, juries and judges have our own dignity to maintain. To prove that, we are changing the whole set-up of Writer’s Summit.” I heard people around me murmuring with each other. “As of today ay mayroon tayong two thousand and sixteen participants. First, we would like to know who are here just to attend seminars. Will you raise your hands?” Marami ang nagtaas ng kamay. “To those who raised their hands, you may now follow the staff outside and they will lead you to Leondale’s Gymnasium. Nandoon na ang mga speakers and staff na mag-aasikaso sa inyo.” Mayroong sampung staff na puro lalaki ang umalalay sa halos isang libo’t limang daan na participants patungong Leondale’s gymnasium. Halos tatlumpong minuto rin ang lumipas bago tuluyang makaalis ang karamihan. “Ibig sabihin lahat ng nandito ay ang magiging participant sa Summit. We have exactly 495 participants. For this year’s challenge we won’t be getting the title for Grand Meister.” I heard loud gasps from other people. “What the heck?” Eren exclaimed, frustrated. “Instead, we will be getting Grand Meisters,” nakangiting saad ng Head Jury. Nakita ko ang saya sa mga mata ng mga participants sa kabilang lamesa. “Lahat ng nandito ay may pagkakataon na pumili ng magiging opisyal na miyembro ng kanilang grupo. Our main competition in this year’s summit will be Collaborative Journalism.” I saw Chandra closed her eyes. She seemed pissed because of the sudden changes. “But of course, our current grand meister will be the first one to choose her members from the crowd.” “I beg to disagree, Honorable Head Jury. I think it wouldn’t be fair if she’ll be the first to choose her members,” saad ni Alissa “What are you trying to say Ms. De Silva?” kunot noong tanong ng Head Jury. “I’m suggesting that she can only prove herself if she would be the last to choose her members.” Alissa is standing there as if she wanted to receive the spotlight. “I don’t need your approval," Chandra replied. Biglang natahimik ang mga naroon. I heard Eren cursing silently. “Really?” taas-kilay na tanong ni Alissa. “Do you not realize how stupid your actions were?” It was Chandra who asked. Marahan siyang tumayo sa kinauupuan niya at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Alissa. She indeed has a different atmosphere. Chandra looked directly at Alissa and Alissa did the same. Ipinag-ekis ni Chandra ang kaniyang dalawang braso. “Sure thing, I don’t have any complaints. However, I don’t want to lose to you either.” She finally said before going back to her seat. At this rate, I’m worried about my heart than the result. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil sa kaba. “Andrei, okay ka lang ba? Namumutla ka.” Eren looked so concern. Bakas sa mata nito ang pag-aalala. Napabaling din sa akin si Chandra at ang apat na baguhan sa akin. Agad na iniabot sa akin ni Chandra ang bottled water na dapat ay para sa kaniya. “Andrei, are you okay?” she asked. I tried to nod but instead I bowed my head. The pressure is overwhelming. Hindi ko alam kung bakit hindi na lang ako sumama sa mga lumabas kanina. “As a Grand Meister, I will use my final card to secure at least two of my members; will you let me have it, Head Jury?” Chandra asked. “But—“ magrereklamo pa sana si Alissa nang biglang ibinato ni Chandra ang empty bottle sa kinaroroonan nito. “Don’t get ahead of yourself, Alissa. Learn how to keep your mouth shut.” Tinamaan ito sa braso. Umupo agad ito na dinaluhan naman agad ng mga kaibigan. “I won’t use the Library and will never enter the Athen’s building anymore.I just want to secure my two members.” She wasn’t pleading, she’s more like stating what she wants and she knows that she’ll get it in no time. “Very well then, name your two members, ” utos ng Head Jury. “I will take Eren Mirasaki and Andrei Castriel.” Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Kagaya ng dati ay ni hindi man lang ito tumingin sa akin. Eren sighed a sigh of relief. He tapped my shoulder and gave the bottled water to me. Nagpasalamat ako saka iyon ininom. Matagal natapos ang pilian, halos umabot ng dalawang oras at kalahati bago nagkasundo ang mga participants. Ang natitira na lamang na maaaring piliin ni Chandra ay ang apat na babaeng nakaupo sa aming lamesa. I can see how Alissa laughed from the other table. She’s prepared in this battle. Halatang pinag-aralang mabuti. Pinili niya lahat ng mga magagaling na manunulat na kaniyang kilala. They’re really desperate to dethrone Chandra. Alam kong masama ang loob niya. I looked at Eren. She’s looking at Chandra with so much concern in his eyes. I know that she is really amazing. But why am I getting a bad feeling about this? I wonder if we can get through it. I wonder what I can do to ease the burden she’s now carrying.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD