CHANDRA RICAFORT
“Bakit ba kailangan mo na namang sumali sa Writer’s Cup na iyan? Hindi mo ba naisip na may mas malaki pa tayong problema ngayon dito sa mansion?”
Kapapasok ko palang sa loob ng mansion nang marinig ang sinabi ni Silvano. Siya ang nakatatanda kong kapatid, halos limang taon din ang agwat ng aming edad. Palaging mainit ang kaniyang ulo magmula ng dumating ang nakababahalang balita sa aming pamilya nitong mga nakalipas na araw.
“Nahihirapan na sina Helga maghanap ng ating makakain, Chandra. Paano na tayo nito?”
Tumaas ang kilay ko at bumaling sa kaniya.
“Correction, pagkain niyo. You know I can eat human food. I can survive without drinking blood and eating animal flesh.”
Umangat ang sulok ng labi ni Silvano at pagak na natawa. Humarap siya sa akin at tuluyan akong nginisihan.
“Now you’re saying that. Malakas na ang loob mo na ipagyabang ang kakayahan mong iyan.”
He sounded pissed. Of course, he would be. Ganoon talaga. Wala naman siyang ibang choice. Sa pamilya ng bampira na aming kinabibilangan, ako lang ang natatanging may kakayanan na hindi uminom ng dugo pero nananatiling buhay. Nanatiling malakas at ‘di nararanasan na dapuan ng sakit.
“Hindi ko naman ginusto na maging ganito ako, Silvano. Gayunpaman, nais ko pa ring magpasalamat sa kakaibang pagkataong ibinigay sa akin.”
Naningkit ang mga mata ni Silvano dahil sa sinabi ko. Tuluyan ko nalang siyang tinalikuran. Sinusubukan ko namang intindihin ang kaniyang ugali pero nahihirapan talaga ako.
“Magpasalamat ka sa’yo naipasa ng ating lahi ang kakayahang iyan, Chandra. Magpasalamat ka at mahalaga ka sa pamilyang ito. Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong naipatapon na kita sa Oslo kung saan naroon ang mga bampirang hayok sa dugo ng mga tao.”
Napangiwi ako sa kaniyang sinabi. Ganoon nalang ba talaga ang galit niya sa akin? Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.
“Malas mo, ako ang reaper sa ating pamilya. Hindi mo ako magagalaw. At kahit naisin mo at subukan mong paalisin ako rito sa Addison, hindi mo pa rin iyon maisasakatuparan dahil mas malakas ako kumpara sa iyo. Kaya sorry ka nalang.”
Ang kaninang nakangising mukha ni Silvano ay napalitan ng eskpresiyon ng galit.
Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Tuluyan na akong naglakad patungo sa aking kuwarto na matatagpuan sa ikalawang palapag ng mansion.
Bago pa man ako nakapasok sa kuwarto ko ay mabilis na lumapit sa akin ang isang kasambahay. May dala itong tray na may lamang baso ng sariwang dugo at pinggan na nalalaman ng sariwang laman ng hayop.
“Hindi ako kakain, Ester,” agad na sambit ko sa katulong.
“Pero Ma’am Chandra, binilin po ni Ma’am Welhelmina na kainin niyo raw po ito. Kahapon pa raw po kasi kayo hindi nakakakain.”
“Kumain ako, Ester. Kumain ako sa Leicester Camp.”
Yumuko si Ester at mas lalo pa nitong inabot sa akin ang hawak na tray. Totoo ang sinabi ko, talagang kumain na ako. Hindi nga lang dugo at laman ng hayop kundi kanin at nilutong karne ng baboy at tubig bilang panulak ng aking kinain.
Humugot ako ng malalim na hiningi.
“Sige na po, Ma’am Chandra. Ayoko po kasing mapagalitan ng inyong ina.”
Mabilis kong inabot ang baso at uminom doon ng konting dugo.
“Maaari mong sabihin sa kaniya na uminom ako. Pero busog talaga ako at hindi kayang kumain ng inihanda mo. “
Nakita ko ang pagnguso ng katulong.
“Sayang naman po itong inihinda ko.”
Mahina akong natawa.
“Hindi iyan masasayang kung kakainin mo at iinumin ang inihanda mo.”
Hinintay kong magsalita si Ester pero nanatili itong tahimik. Sa pagkakataong iyon, naisip ko na baka wala na siyang nais sabihin sa akin.
Akmang tatalikod na ako nang bigla siyang magsalita muli.
“Mas masarap ba ang pagkain ng mga tao kaysa sa pagkain nating mga bampira?”
Sa totoo lang, hindi ko inasahan na itatanong niya iyon sa akin. Matagal na si Ester na naninilbihan sa aming pamilya pero tahimik lang ito. Ngayon nga lang siya nagtanong sa akin.
“Bakit, nais mo bang malaman?” nakangising tanong ko.
Agad naman siyang umiling. Tuluyan na akong natawa nang makita ang takot niyang hitsura. Mukhang nainis din siya kaya mabilis siyang tumalikod. Pinagmasdan ko lang siya habang papalayo sa akin. Humugot akong muli ng malalim na hininga bago pumasok ng aking silid.
Hindi na ako nag-abalang i-lock ang pinto. Dumiretso ako patungo sa aking kama at pabagsak na humiga roon. Matagal akong tumitig sa kisame ng aking kuwarto. Sariwa sa aking isipan ang nangyari sa magkasunod na araw ang lumipas.
Andrei Castriel…
I was wondering kung bakit siya muling sumali sa Writer’s Cup ngayong taon. Is he enjoying journalism o talagang gusto niya lang sumali kagaya ng kapatid niya dahil bored siya?
Either way, I’m happy that he returned here in Addison. Mukhang mas mapapadali ang trabaho ko dahil sa pagdating niya rito.
Pumikit ako nang mariin. I was tired. The whole day consumed my energy. Being surrounded by people was never good to me. Pakiramdam ko ay nauubos ako. Nanghihina ako. Gusto kong matulog pero hindi ko naman kaya. No vampires can sleep. No matter how tired all of us, wala kaming magagawa kundi manatiling gising.
This is a curse we have to live with every single day of our lives. Minsan, gusto ko nalang din na maging isang tao. Para kahit paano, maranasan ko rin ang magpahinga. I’m 35 years old, the youngest member of our clan, but I feel like every person in my family depends on me.
Ang mabigat pa roon, hindi lang pamilya ko ang dume-depende sa akin kundi pati na rin ang halos paubos nang lahi ng mga bampira rito sa Addison.
Isa sa mga dahilan ng pagkaubos ng labing bampira ay ang pagtaas ng bilang ng mga rogue vampires. Mga bampirang uhaw sa dugo na siyang problema ng mga tao hindi lang sa bayan na ito kundi pati sa Rivia at Oslo.
At ang trabaho ko bilang reaper ay ang isa-isang alisin sa sangkatauhan ang mga bampirang katulad nila upang manatili ang kapayapaan sa pagitan ng mga tao at nilalang na tulad namin.
Bata pa lamang ako ay sinanay na ako sa ganitong uri ng trabaho. Nang magsimula akong magkaisip, lahat ng puwedeng ituro sa akin ng mga nakatatandang Ricafort ay itinuro na nila sa akin.
Kaya sa edad na disi-otso, marami na akong alam. Kaya masasabi kong mas magaling na ako sa mga kapatid ko kahit na ako ang pinakabata sa lahi ng mga Ricafort.
Isang marahang katok sa pinto ng aking kuwarto ang nagpamulat sa akin.
“Bukas iyan,”saad ko bago mabilis na bumangon para umupo sa aking kama.
“Chandra…”bungad ni Eren pagpasok niya.
Napahawak ako sa aking ulo bago nag-angat nang tingin sa kaniya.
“What is it this time?” Hindi ko mapigilan ang pahinga ng malalim.
Umupo si Eren sa dulong bahagi ng aking kama. May kinuha siyang maliit na piraso ng papel sa bulsa ng kaniyang suot na hoodie at inabot iyon sa akin.
Nag-aalangan pa ako kung tatanggapin ko iyon pero wala naman akong magagawa kung isa na naman iyong tawag ng tungkulin.
“May nakatakdang pag-atake mamayang gabi sa Rivia. Maraming sibilyan ang maaaring madamay dahil sa gaganaping pista.”
Nalukot ang aking mukha sa narinig. Yumuko ako sandali at binuksan ang hawak na papel.
“Kiara…” basa ko sa pangalan na naroon sa papel.
Nakasulat pa roon ang detalye ng mga posibleng mangyari. Pagod akong sumandal sa headboard ng kama.
“Alam naman ng karamihan na hindi sila maaaring mag-celebrate ng pista, hindi ba? Alam naman nila ang nangyari sa nakalipas na mga taon.”
Nagkibit-balikat si Eren.
“Alam kasi ni Kiara na hindi mo pababayaan ang kaniyang nasasakupan.”
Pumikit ako nang mariin saka mahinang natawa.
“Anong tingin niya sa akin, tagapagligtas ng sangkatauhan? Alam ni Kiara na mangyayari ito, pero hindi man lang niya pinigilan?”
“Kilala mo si Kiara, Chandra. Malapit din ang isang iyon sa mga tao. Saka, hindi ba dapat ay ikatuwa mo ito? Marami kang maaaring mapaslang mamayang gabi. Ikatutuwa na naman ng iyong ama kapag nalaman niyang ginagawa mo ang iyong trabaho.”
Sinamaan ko nang tingin si Eren.
“Nagsasabi lang ako ng totoo,” he said in defense.
Pagod ako. Sa mga nakalipas na araw, wala akong ginawa kundi maghanda. Puro ensayo at pakikipaglaban sa mga rouges ang ginagawa ko. Sa ganitong pagkakataon, dapat ay nagpapahinga na ako. Pero wala pa rin.
“Sinong sasama sa akin?”
Eren smirked.
“Sino pa ba? Edi ako.”