CHANDRA RICAFORT
Hindi ko napigilang mapakunot ng noo sa sinabi ni Eren. How come na siya ang sasama sa akin? Sa lahat ng mga lakad ko, kung hindi ang ikalawang kapatid kong si Alas o hindi kaya ang ikatlo na si Carlos ang sumasama sa akin. Anong nangyari at bakit siya ang makakasama ko ngayon?
Hindi ko naman sa minamaliit ang kakayahan ni Eren. Pero kilala ko siya. Hindi pa siya bihasa sa mga labanan. Kaya nga sa tuwing ensayo ko ay nanunuod lang siya dahil hindi pa siya sanay.
“Sinong nag-utos na ikaw ang sasama sa akin?”
“Si Silvano.” Dahil sa sinabi niya ay mas lalong kumunot ang noo ko.
“Si Silvano? Ano namang kinalaman niya rito at bakit siya ang nagde-desisyon?”
Eren sighed.
“Chandra. Siguro naman alam mong wala rito sa Addison ang pamilya mo. Si Alas ay nasa Oslo, nakikipag-ugnayan sa ating mga kalahi sa mga dapat na gawin sa pagsapit ng kabilugan ng buwan sa susunod na linggo. Si Carlos ay nasa Wesley , binibisita ang pamilya Bernardino na siyang namamahala roon. Napag-alaman kasi ng kataas-taasang konseho na mayroon na ring nakarating na mga rouges doon. Habang ang iyong mga magulang ay nasa Riverrun para maghanap ng makakain na siyang kailangang iimbak para sa nalalapit na kabilugan ng buwan. Alam mo naman sigurong hirap na ang mga kagaya nating bampira sa paghahanap ng pagkain hindi ba?”
Humugot ako ng malalim na hininga at tumango kay Eren. Ibig sabihin, siya nalang talaga ang pag-asang makasama ko sa misyong ito.
Hindi ko rin naman maaasahan si Silvano dahil siya ang namamahala sa pagbabantay sa buong mansion ng mga Ricafort.
Pagod akong tumayo sa aking kama at nagtungo vanity mirror upang pagmasdan ang aking mukha.
Napansin ko ang pamumutla ko.
“Alam kong nabubuhay ka nang hindi uminom ng dugo, Chandra. Pero alam ko ring nanghihina ka kapag nasobrahan ka sa pagpipigil na uminom nito. Baka nakakalimutan mo—”
“Alam ko, Eren. Hindi ako tao kundi isang bampira. Alam ko iyon,”agap ko agad sa kaniyang sasabihin.
Nakita ko ang kaniyang marahang pagtango.
“Pasensiya na, Chandra.”
Tipid akong ngumiti. Umayos ako sa pagkakatayo bago naglakad palapit sa kaniya. Nakaupo pa rin siya sa dulo ng aking kama kaya tumabi ako sa kaniya.
Eren Mirasaki is my friend since we were a child. Siya ang nakakita ng mga paghihirap ko sa mga ensayong pinagdaanan ko noon, nakarinig ng mga masasakit na salita na ibinabato sa akin para tumibay ang aking loob. Siya na ang karamay ko magmula noon. Ang taong umaalalay sa akin kapag hindi ko na kaya ang pagod. Ang taong nananatili sa aking tabi kapag kailangan ko ng kasama.
“Kaya mo ba?” tanong ko sa kaniya habang nakamasid sa kabuuan ng kaniyang guwapo at maamong mukha.
Ngumiti siya sa akin.
“Marami na akong natutunan mula sa’yo, Chandra. Sa tingin ko ay kaya ko na. Malaki rin ang tiwala ko sa aking sarili na kaya na kitang ipagtanggol sa mga rouges.”
Napangisi ako sa kaniyang sinabi.
“Talaga lang ha?”
He mimic my expression. Ngumisi rin siya at marahang tumango.
“Watch me.”
Magdidilim na sa Addison nang magdesisyon kami ni Eren na magtungo sa Rivia. Sakay ng itim na kotse na siya ang nagmamaneho, nakamasid lang ako sa labas ng bintana at nakatanaw sa matataas na puno na nadadaanan namin.
Dalawang oras ang biyahe mula Addison hanggang Rivia. Ang sabi sa impormasyong ipinadala ni Kiara, alas otso ng gabi magsisimula ang selebrasyon ng bayan.
“Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Kiara. Talagang handa siyang ipahamak ang mga tao sa Rivia para lang sa selebrasyong kaniyang inihanda.”
Lumingon sa akin si Eren.
“Kiara is unpredictable. Siguro ay may rason siya kaya ginagawa niya ito.”
I know Kiara is a spoiled vampire brat. But She’s never done things like this. Kahit naman bampira siya, malaki ang pagmamahal niya sa mga tao. Kagaya namin, dugo ng hayop ang kaniyang iniinom. Matagal na naming nakasanayan ang ganoong diet. Binuo ng konseho ang batas na iyon para sa aming mga bampira.
Ang konseho ay pinamumunuan ng apat na pamilya. Ang mga Bernardino, Celestia, Ricafort at Milan. Ang apat na pinuno ng pamilyang iyon ang siyang bumuo ng lupon ng mga batas na siyang nagdidikta sa mga tama at ‘di tamang gawi ng mga bampira na naninirahan sa apat na malalaking bayan—ang Rivia, Oslo, Addison at Wesley.
Kiara is a member of Celestia Clan. Kagaya ko, bunso rin ito ng pamilya. Ang kaibahan lang naming dalawa, nagagawa niya ang kaniyang gusto habang ako ay hindi. Wala siyang responsibilidad sa aming lahi. Habang ako ay mabigat ang pinapasan na responsibilidad hindi lang sa pamilya ko kundi sa buong lahi ng mga bampira na naninirahan sa apat na malalaking bayan.
“She must be out of her mind,” I said.
“Or maybe she wants to see you fight the rouges. For an entertainment.”.
Nalukot ang mukha ko sa sinabi ni Eren. That’s a possibility. Hindi ko puwedeng itanggi iyon. Kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na mainis.
I sighed heavily and looked at Eren. I narrowed my eyes as I was looking at him.
“Maybe Kiara wants to see you. She likes you, right?”
Salubong ang kilay ni Eren nang bumaling siya sa akin.
“I don’t care about her. It’s you that always matters to me.”
Inirapan ko naman siya.
“Palagi mo nalang sinasabi iyan. Dapat nga sa edad nating ito ay may girlfriend ka na. Saka, hindi ka dapat laging nakadikit sa akin. Baka isipin ng mga nakapaligid sa atin na may relasyon tayo.”
“And why would I care about what they think of us?”
Oo nga naman. Bakit nga naman kami magpapaapekto?
“Gusto mo lang yata akong lumayo sa’yo dahil nasa paligid na naman ang first love mo.”
Sinamaan ko nang tingin si Eren.
“First love? Wala akong first love.”
Tumaas ang kaniyang kilay.
“Sigurado ka? What about Andrei?”
Napalunok ako nang marinig ang pangalang binanggit niya.
“Andrei Castriel is no one. He’s not special.”
Eren smirked.
“Liar.”
Sinamaan ko siya nang tingin pero tinawanan niya lang ako.
“You know you can’t lie to me, Chandra. I can read your thoughts.”
Oh right, Eren Mirasaki’s ability is to read someone’s thought within proximity. That’s one of the reasons why I want to stay away from him. I don’t want him to read my thoughts.
He sighed.
“I told you, you should work on your mind barrier. Hanggang ngayon, nahihirapan ka pa ring aralin iyan.”
Eren said that I can protect my thoughts by creating barriers in every corner of my mind. But he didn’t tell me how to do it.
“Eh ang hirap eh. Kung patayin nalang kaya kita para mas madali?” I said jokingly.
He laughed.
“Right. That must be an easy way out.”