CHAPTER 5: THE STRANGE ATMOSPHERE

1423 Words
ANDREI CASTRIEL  Isang marahang katok sa pinto ng aking kuwarto ang aking narinig. Kasalukuyan akong nag-aaral ng mga lectures na sigurado akong ibibigay sa amin bukas ng mga lecturer ng event. Wala akong nagawa kundi huminto pansamantala para tumayo at pagbuksan ang taong nasa labas. Pagbukas ko ng pinto ay agad na kumunot ang noo ko nang makita ang kapatid kong si Nielsen na nakasandal sa sementadong dingding habang ang kaniyang paningin ay nasa malawak na field. Pero direkta ang kaniyang atensiyon sa mga taong naglalabas-masok sa Trystane Restaurant. “I was just wondering how much money they have that they’re able to go back and forth of Trystane Resto,” he said before looking at me. Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang hoodie at matamang tumingin sa akin. “What?” I asked. What is he doing here at this hour? It’s almost five PM. At kung malamig kanina, mas malamig ngayon. Kakaiba talaga ang lamig ng mga lugar dito sa Addison. Ang sabi ng mga magulang ko, hindi lang daw ito ang mga malalamig na lugar. Mayroon pang tatlo. Ang Wesley, Oslo, at Rivia. Pinaniniwalaan din ng mga tao na nakatira sa kapatagan na ang apat na lugar na ito ay pinaninirahan ng mga bampira, lobo, at iba pang mga nilalang na hindi ko alam kung talaga bang nag-e exist sa mundong ito. “Hindi ka ba nabo-bored? Because if you’ll ask me, I swear bored na bored na ako rito. Parang sasabog na rin ang utak ko sa ingay ng mga katabing kuwarto ko sa Cero Grande. Lahat sila ay panay ang reklamo sa mga facilities.” Bumuntong-hininga ako. I don’t actually get his point. Yes, he’s bored. Pero anong magagawa ko kung nabo-bore siya? “Niel. Busy ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa’yo. But I’ll say it anyway. Chandra Ricafort chose me to be in her team.” Tumango naman siya. “Yes, I’ve heard of that already. Also, I’ve heard about the abrupt changes of the mechanics of the competition. Ano? You think you can’t do it?” Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam. Unang beses ko ito kaya kinakabahan ako.” Niel tapped my shoulder. “Oh no. Don’t be. Chandra Ricafort made the best decision for choosing you. Maybe she realized you deserved a spot. Or maybe she likes you.” Sinamaan ko nang tingin ang mga kapatid ko. “You must be crazy.” Tumawa naman siya. “I know right. Kaya nga nandito ako para yayain ka eh.” My brows furrowed in confusion. Kung kailan magdidilim na, saka pa siya magyayaya. Kilala ko ang kapatid ko, kapag sinabi niyang magyayaya siya, sigurado akong hindi lang sa malapit na lugar siya pupunta. “Saan mo naman naisip na pumunta?” He smiled. “Alam mo bang may magandang event na gaganapin sa Rivia ngayon? Kapistahan ng kanilang bayan. Kaya ako pumunta rito para magkaroon ng pagkakataon na bumisita roon.” Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Sinasabi ko na nga ba. Kaya ka sumama ay dahil mayroon kang ibang pakay. Hindi para sumali sa event kundi para magtungo roon sa Rivia.” Ngumisi siya. “Ganoon talaga, Kuya. Kapag sinabi ko kina Mama na iyon ang dahilan ko, sigurado akong hindi nila ako papayagan. Kaya naisip kong sumama nalang sa’yo.” Mas lalong naningkit ang mga mata ko. “You made them waste lots of money just because you wanted to go in Rivia. Iyon ba?” Nagkibit-balikat siya. “Oh, come on, Kuya. Maliit na halaga lang ang perang ginastos sa atin ng mga magulang natin kumpara sa kinikita nila. They’re billionaires for Pete’s sake. Balewala na sa kanilang ang daang libo.” He stopped for a while and heaved a sigh. “Please, Kuya. I’ve been wanting to attend Rivia’s fiesta celebration simula noong ikuwento iyon sa akin ng girlfriend ko.” “You’re saying that your girlfriend lives in Rivia?” Niel nodded. Iyon naman pala. Kung sana sinabi niya nang mas maaga, sana naintindihan ko agad. “Matagal niya na akong iniimbita na pumunta. Ngayon lang din kasi matutuloy ang selebrayon nila roon. Sige na naman, Kuya. Baka puwedeng samahan mo ako.” “Alam mo namang dulong bahagi na ang Rivia. Pinaniniwalaan din na kuta iyon ng mga bampira at mga lobo. Hindi ka man lang ba natatakot?” Dahil sa sinabi ko ay natawa lang si Niel. “Naniniwala ka talaga sa mga ganoon, Kuya? Nasa modern era na tayo pero naniniwala ka pa rin sa mga bampira. That’s just tell tales.” Umayos ako sa pagkakatayo at pinagmasdan siya. “Okay then. Kung pumayag ako na pumunta roon, sa tingin mo ba ay palalabasin tayo ng mga guwardiya ng Camp?” “Of course. Lalo na kung kilala ng mga guwardiya ang susundo sa atin.” I was confused. Pakiramdam ko ay napakaraming alam ng kapatid ko. Habang ako ay nahihirapan na intindihin ang mga pinagsasabi niya. “May naghihintay na sa atin sa labas. Leo San Real— a friend of mine and the son of the Director of Leicester Camp.” Pagkatapos niyang ipaalam sa akin iyon, agad niya akong pinagmadali sa pagbibihis ng damit na susuotin. Wala naman akong nagawa kundi magpalit ng damit. Simpleng shirt lang at pants. Kumuha na rin ako ng malinis na jacket na may hood dahil napakalamig sa labas. Pagkasara ko ng pinto ng aking tinutuluyang kuwarto ay mabilis akong hinila ng kapatid ko. Malayo ang Menos Grande sa mismong main gate ng camp. Kaya hingal na hingal kami nang makarating doon. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko na ang magarang sasakyan na nakaparada sa tapat ng gate. Mula roon ay lumabas ang isang lalaki at diretsong nagtungo sa mga guwardiya. Habang nagpapaliwanag ito ay sandali kami nitong tinuro ng kapatid ko. Nakita ko namang tumango ang mga guwardiya at hinayaan lang kami na lumabas ng gate. Niel walked towards his friend and both of them had a first bump. “Ano, excited ka na bang makapunta ng Rivia?” tanong nito bago bumaling sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero may napansin akong kakaiba sa kaibigan ng kapatid ko. Ang kulay ng kaniyang mga mata ay hindi normal na kulay. May pagka-dilaw ito. “More like excited to see my girlfriend, Halene.” Ngumisi ang kaibigan ni Niel bago bumaling sa akin. Nang makita ako nitong nakatingin sa kaniya ay tipid itong tumango sa akin. Bumaling naman sa akin ang kapatid ko. “Ah, Leo, this is my brother, Andrei. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon.” Lumapit sa akin si Leo at inilahad nito ang kamay niya sa akin. “Leo San Real,” pagpapakilala nito. Tumango naman ako. Mabilis ko namang tinanggap ang kamay nito. Nanatili ang tingin ko kay Leo kaya napansin ko ang pagbabago ng reaction ng kaniyang mata nang maglapat ang aming mga kamay. Mabilis siyang bumitaw sa akin at saka umatras. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong parang iwas na iwas ito sa akin. Ang bagay na iyon ay hindi napansin ni Niel dahil abala siya sa pagtitipa sa kaniyang phone na hawak. “Ano, tara na?” tanong ng kapatid ko nang mapansing nagtungo na sa kabilang bahagi ng sasakyan si Leo. Leo smiled a little to him. “Come on, get in,” saad nito. Sa harap pumuwesto si Niel, habang ako ay sa backseat na umupo. Napansin ko ang kakaibang disenyo ng sasakyan ng kaibigan ng kapatid ko. Masyadong tinted ang bintana nito at itim din ang kulay ng karamihan sa mga gamit nito sa loob. Nang bumaling ako sa rearview mirror ay napansin kong nakatingin sa akin si Leo. Agad naman siyang umiwas nang tingin at bumaling sa harap at nagsimulang paandarin ang makita ng kaniyang sasakyan. Sumandal ako sa backrest ng kaniyang sasakyan at isinandal ang aking ulo sa headrest nito. For some reason, I felt sleepy. Siguro ay dahil sa lamig o hindi kaya ay dahil papagabi na rin. Ipinikit ko ang aking mga mata. Muli kong naalala ang kulay ng mga mata ni Leo. Normal bang maging kulay dilaw ang mata ng isang tao? Seeing his eyes, remembering his reaction when he held my hand, I suddenly felt a strange feeling. And when I say strange it means unusual or weird. Marahan akong umiling upang ibaling na lamang sa ibang bagay ang aking atensiyon. Iminulat ko ang aking mga mata at pinagmasdan na lamang ang mga matataas na puno na nadadaanan ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD