ANDREI CASTRIEL
Dalawang oras ang aming tinagal sa biyahe. Halos sa huling natitirang oras ng biyahe, nakatulog ako sa sasakyan ni Leo San Real. Nagising lang ako nang marinig ang boses ng kapatid ko na tinatawag ang pangalan ko.
“Mabuti naman at nagising ka na, Kuya. Ang akala ko ay hindi ka makakasama sa amin sa selebrasyon.”
Dahil sa kaniyang sinabi ay kumunot ang noo ko. Umayos din ako sa pagkakaupo.
“Bakit? Ngayon mo lang naman ako tinawag ah? Natural magigising ako.”
Nagsalubong ang kilay ni Niel na para bang naguguluhan sa sinasabi ko. Niluwangan pa niya ang pagkakabukas ng pinto ng backseat. Mayamaya ay pinameywangan niya ako habang titig na titig sa akin.
“Sabihin mo nga, Kuya. Antok na antok ka ba? Hello, kanina pa kaya kita tinatawag. Niyugyog ko na rin ang balikat mo pero hindi ka man lang magising-gising.”
Mabilis akong lumabas ng sasakyan ng kaniyang kaibigan. Inilibot ko ang aking sarili sa paligid. Madilim ang paligid dahil gabi na talaga. Ngunit sa gilid ng daan ay mayroong nakahilerang mga poste ng ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa mismong daan patungo sa isang malaking mansiyon at malawak na damuhan kung saan isinasagawa ang selebrasyon ng fiesta ng Rivia.
Humugot ako ng malalim na hininga at sinamaan nang tingin ang kapatid ko.
“Huwag mo nga akong pinagloloko, Niel.”
He sighed heavily and shakes his head afterwards as if he’s disappointed with what I said. Tumalikod siya at nauna nang naglakad. Agad ko namang isinara ang pinto ng sasakyan bago sumunod sa kaniya.
Napakaseryoso ng hitsura ng kapatid ko. Niel also doesn’t do pranks. Ibig sabihin ay talagang nakatulog ako nang malalim sa sasakyan na iyon.
Gusto kong muling tanungin si Niel, ang kaso ay mukhang masama ang timpla ng mood nito. Imbes na magsalita pa ay tahimik nalang akong sumunod sa kaniya. Medyo malayo ang kailangan naming lakarin mula sa lugar kung saan nakaparada ang sasakyan ni Leo patungo sa mansiyon na nababalutan ng mga ilaw na kulay ginto at pilak. Para itong palasyo sa gitna nang madilim at malawak na kagubatan. Napapalamutian ang paligid nito ng iba’t-ibang kulay na banderitas na siyang kumikinang kapag nasisinagan ng mga ilaw.
Nang makarating kami sa bungad ng malawak na grounds kung saan naroon ang karamihan ng mga tao. Bawat taong nadadaanan namin ay napapalingon sa aming gawi. Ang ilan ay halos hindi pa maalis ang titig sa amin.
“Kuya, bilisan mong maglakad. Kanina pa tayo hinihintay ni Halene.”
Sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman ang pangalan ng girlfriend ni Niel. And her name was unusual. Halene. It’s the first time I heard that kind of name.
Dahil hindi ko maiwasang maasiwa sa titig mga tao. Hinawakan ko ang aking hood ng suot kong hoodie jacket at ipinatong iyon sa ulo ko. I put both of my hands inside its pocket. Gaya nang sinabi ng kapatid ko, binilisan ko ang paglalakad para makahabol ako sa kaniya.
Sa hindi kalayuan ay tanaw ko ang isang grupo ng mga tao na sa aking palagay ay ka-edad namin. Nagpatuloy si Niel sa paglalakad hanggang makarating kami roon. Hindi pa man kami nakakahinto ay agad na bumaling sa akin ang isang lalaki. Nabigla ako sa ginawa nito pero hindi ko pinahalata.
How could he manage to sense that we’re coming? If I’m not mistaken, he’s busy talking with his friend beside him. Sunod-sunod na bumaling sa amin ang lahat ng nasa table.
Napansin ko ang halos sabay-sabay na paglunok ng mga ito.
“Halene!” masiglang bati ng kapatid ko sa isang magandang babae na nakasuot ng kulay light pink na dress na umaabot hanggang sa tuhod nito. Napansin ko ang kakaibang tingin sa akin nito bago bumaling sa kapatid ko.
“May kasama ka,” saad nito na ako ang tinutukoy.
Niel smiled.
“Halene, this is my brother Andrei.”
Bumaling naman sa akin si Niel.
“Kuya, this is Halene Steel, my girlfriend.”
Ngumiti sa akin ang girlfriend ni Niel at mabilis nitong inilahad sa harapan ko ang kaniyang kamay. Hindi nakatakas sa aking paningin ang kakaibang puti ng balat nito na animo’y hindi naaarawan.
Nang dumako ang aking paningin sa mga mata nito ay agad kong napansin ang kakaibang kulay nito. Katulad nang kay Leo, nasa shade rin ng dilaw ang kulay nito.
“Ah, contact lense,” agad naman nitong sambit na siyang ipinagtaka ko. Hindi ko naman tinanong kung bakit ganoon ang kulay ng kaniyang mga mata pero nagsalita siya nang tungkol doon.
Halene smiled meekly.
“Nasa lahi kasi namin ang malabo ang mga mata. Kaya mayroon kaming suot na contact lenses,” aniya saka itinuro ang mga taong nakapalibot sa lamesa.
Pinagmasdan ko ang mga ito nang isa-isa. Napansin ko agad ang mata nang mga ito.
“Nag-decide kayo na magsuot ng iisang kulay na contact lense?” tanong ko kay Halene.
Tila nabigla naman ito sa tanong ko. Pero agad din siyang nakabawi sa pagkabigla at tipid na ngumiti sa akin.
“Well, ganoon talaga. Our family values solidarity. Kung ano ang nais ng isa, madaling napagkakasunduan ng lahat. We decide as one.”
Pagkatapos magsalita ni Halene ay kinuha na ni Niel ang atensiyon nito. Halata sa hitsura ng kapatid ko na namimiss niya ang kaniyang kasintahan kaya bahagya akong lumayo sa kanila para mabigyan sila ng privacy.
Muli kong inilagay sa ulo ko ang hood ng jacket na suot ko. Lumapit ako sandali sa kapatid ko at sinabing mag-iikot muna ako. Nagulat ako nang hawakan ni Halene ang braso ko.
“Huwag kang pupunta sa madidilim na bahagi ng grounds. Manatili ka sa liwanag,” nakangiti nitong sambit.
Tipid na tango lang ang iginanti ko rito. Tumalikod na ako at naglakad patungo sa lugar kung saan konti lamang ang tao. Hindi ako sanay sa mga ganito. Nahihirapan akong makihalubilo dahil hindi ko naman hilig ang makipag-usap sa mga taong hindi ko kilala.
Nang sa wakas ay makahanap ako nang puwesto na medyo malayo sa karamihan, hinayaan ko nalang ang aking sarili na pagmasdan ang mga taong nagsasayawan sa malawak na grounds. May mellow music din na siyang pumupuno sa lugar. Sa bandang kanan ay may malawak na lamesa kung saan mayroon akong natatanaw na mga staff na nag-aabot ng mga inumin at pagkain sa mga taong lalapit doon.
Sa hindi kalayuan naman ay nakita ko si Leo San Real na abalang nakikipag-usap sa isang magandang babae na nakasuot ng isang mamahaling damit. Halata sa hitsura ng dalaga na mayaman ito. Litaw rin ang kaputian nito sa suot na halter neck na kulay pilak na kumikinang dahil sa glitters na nakadikit dito.
Nang bumaling sa akin si Leo ay hindi ko alam kung ano ang dapat na reaksiyon ko. Hindi ako ganoon ka-komportable sa kaniya. Tipid akong ngumiti sa kaniya at marahang tumango. He did the same thing. Lumingon din sa akin ang babaeng kaniyang kausap. And I was right, the woman he’s talking to is pretty.
Marahang tinapik ng babae ang balikat ni Leo bago nagsimula itong naglakad patungo sa kinaroroonan ko.
Hindi ko naman maiwasang kabahan. Hindi ko kilala ang babaeng iyon at hindi ako kagaya ng kapatid ko na magaling sa pakikipag-usap sa ibang tao.
Nang mapansin kong nakasunod sa likuran ng babae si Leo ay kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.
“Ngayon lang kita nakita rito. Sigurado akong isa kang dayo rito sa aming bayan.”
Ang boses nito ay malamig sa pandinig. Mahinhin pero may bakas ng awtoridad.
“Uhm, oo. Sa totoo lang, sumama lang ako rito sa kapatid ko dahil dinalaw niya ang kaniyang kasintahan at para na rin umattend ng kapistahan ng inyong bayan.”
Nagpanggap akong inililibot ang aking paningin sa paligid.
“Hindi pala ganoon karami ang mga taong nakatira rito ano? Ito lang ba ang populasyon ng Rivia?” Nag-aalangan ako sa tanong na binitiwan ko. Tama bang iyon ang lumabas sa bibig ko?
Nang hindi sumagot ang magandang babae ay napayuko ako. Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahina nitong pagtawa.
“Kiara Celestia,” saad nito saka mabilis na inilahad sa aking harapan ang kaniyang kamay.
Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin sa kaniya. Alanganin akong ngumiti at tinanggap ito. Her hand was cold. Pakiramdam ko ay humahawak ako sa isang yelo. Bumitaw ako agad sa pagkakahawak sa kaniyang kamay.
“Ah, Andrei Castriel ang pangalan ko.”
Nagsalubong ang dalawang kilay nito.
“Andrei Castriel?” tanong niya.
Tumango naman ako. Agad siyang bumaling kay Leo at lumapit dito bago bumulong.
“Chandra will surely be surprised when she knew you’re here.”
Ako naman ang naguluhan sa sinabi nito. Chandra? Sinong Chandra ang tinutukoy niya?
“Chandra?”
Sunod-sunod naman ang kaniyang naging pagtango.
“Yes, Chandra. Chandra Alira Ricafort. I’m sure you know her.”
Hindi naman ako nakasagot agad. Of course, I know her. Pero ang tanong ko ay, paano sila nagkakilala? Pino-proseso pa ng aking isipan ang impormasyong nalaman—that Chandra knew this woman named Kiara Celestia.
“Oh, and speaking of Chandra, here she comes.”
Sabay-sabay kaming bumaling sa entrance ng plaza kung saan huminto roon ang isang kulay itim na sasakyan. Pagkalipas ng ilang sandali ay mayroong lumabas na dalawang tao roon. Si Chandra iyon at ang kaniyang kaibigan na si Eren Mirasaki. Ilan sa mga taong nasa ground ang huminto sandali para pagmasdan si Chandra na naglalakad papalapit sa aming kinaroroonan.
Ako naman ay tahimik lang na nakamasid ngunit hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako kinakabahan.
Malayo palang siya ay kita ko na ang pagsalubong ng kaniyang dalawang kilay habang matamang nakatingin sa akin. Mas binilisan pa niya ang paglalakad hanggang sa makita ko siyang nakatayo na sa aking harapan.
“Anong ginagawa mo rito?” diretsahan niyang tanong sa akin.
“Sinamahan ko lang ang kapatid ko na bumisita rito sa Rivia, ikaw, bakit ka nandito?”
Hindi ako puwedeng magpatalo sa enerhiya at sa maawtoridad niyang aura.
Kumunot ang kaniyang noo at pinagmasdang maigi ang aking mukha.
“Mayroon akong importanteng kailangang gawin dito,” sagot naman niya.
Bumaling siya kay Eren sandali pagkatapos ay muli siyang lumingon sa akin.
“Hindi ka puwede rito. Bumalik ka na sa Addison habang maaga pa.”
Gustuhin ko sanang tumanggi sa kaniyang sinabi. Kaso ay biglang hinawakan ni Eren ang braso ko at hinila niya ako sa kaniyang tabi.
“Bakit?” hindi ko na napigilang itanong. Medyo tumaas pa ang boses ko.
“Hindi ka ligtas dito.”
Nag-arko ang aking dalawang kilay. Anong hindi ako ligtas dito? Anong ibig niyang sabihin?
Imbes na ako ang kaniyang harapin ay kay Kiara Celestia niya itinutok ang kaniyang atensiyon. Hinaklit niya ang braso nito at hinila palayo sa amin tatlo nina Eren, Leo, at ako.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Eren.
“Why did you come here, bro?”
Hindi niya inalis ang pagkakahawak sa braso ko. Ngumiti siya sa akin nang ubod nang tamis.
“Ano bang nangyayari? Bakit mo ako hawak? Hindi mo ba ako puwedeng bitawan?”
Eren shakes his head. Nag-aalala namang bumaling si Leo sa akin.
“I knew it. Dapat hindi na kita hinayaang sumama rito,” sabi ni Leo saka bumaling sa akin.
Ano raw? Sa totoo lang, wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari!
Eren sighed beside me.
“Sooner or later, you’ll understand what’s gonna happen.”
Kunot-noong bumaling ako sa kaniya. Did he just read my mind? Unti-unti siyang ngumiti sa akin at marahang tumango.
“Yep, I could read your mind.”