CHANDRA RICAFORT
“Wala bang ibibilis ang pagmamaneho mo, Eren?”
Eren laughs as he suddenly pressed the accelerator pedal. The car instantly speeds up making me shout of out shock. Hindi ko in-expect na bibiglain niya ang pagpapabilis dito. Mabuti na lamang at mabilis akong nakakapit sa ceiling handle ng kaniyang sasakyan. Kung hindi, sigurado akong tumilapon ako at nasubsob ang pagmumukha ko sa windshield ng kotse.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Eren nang makita niya ang reaksiyon ko. Sinamaan ko siya nang tingin kaya mabilis niyang ibinalik ang kaniyang buong atensiyon sa daan at sa kaniyang pagmamaneho.
“It’s the first time I saw your shocked face. Gulat na gulat?”
Naningkit ang mga mata ko.
“Huwag mo akong simulan, Eren. Baka gusto mong makita kung paano mawasak ang sasakyang ito sa harapan mo.”
Agad namang nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at sumeryoso na siya sa pagmamaneho. Tumikhim ako bago umayos sa pagkakaupo sa shotgun seat.
Tumahimik na rin si Eren hanggang sa makarating kami sa Rivia. Malalaman mong kapag nasa Rivia ka na kapag nakita mo ang mga magagandang bahay na may saktong sukat ng layo sa bawat isa. Karamihan sa mga bahay rito ay mukhang maliliit na kastilyo na yari sa matitibay na uri ng semento at buhangin na pinaniniwalaang galing pa sa dulong bahagi ng bayan kung saan matatagpuan ang pinakamahabang ilog na kilala sa tawag na Qin. Nagsisimula ang pagdaloy ng Qin mula rito sa Rivia at dinadaanan nito ang Addison, Wesley, at ang Oslo.
Bawat bahay na aming nadadaanan ay mayroong mga poste ng ilaw sa labas ng bakuran na nagbibigay liwanag sa mga sasakyang dumadaan sa makipot na kalsada. Kagaya pa rin ng dati, mabato pa rin ang daan. Mukhang walang plano ang pamunuan ng Rivia na ayusin ang daan kaya hanggang ngayon mahirap pa rin ang daan patungo sa sentro ng bayan kung saan matatagpuan ang mansiyon ng mga Celestia.
“Matagal pa ba tayo?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong kay Eren. Nagsisimula na kasi akong ma-bore. Kulang nalang ay bilangin ko ang bawat poste na aming nadadaanan.
Umiling naman siya.
“Malapit na. Konting tiis nalang.”
Humugot ako ng malalim na hininga at bumaling muli sa labas ng sasakyan. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang karamihan ng mga sasakyan na nakaparada.
“Nandito na tayo,” sambit ni Eren.
Umayos ako sa aking pagkakaupo. Ang akala ko ay hihinto na kami pero nagpatuloy lang sa pagmamaneho si Eren.
“Hindi ba dito yung…” Huminto ako sa pagsasalita pero ang aking kamay ay nakataas pa rin, tinuturo ang malawak na parking space kung saan pinaparada ang mga sasakyan.
“It’s fine, Chandra. Ginusto naman ni Kiara na pumunta tayo rito. I’m sure it will be fine with her if we made a one of kind entrance.”
Noong una ay hindi ko naintindihan kung ano ang nais iparating ni Eren. Pero agad na bumaba ang tingin ko sa kaniyang paa. Bago pa man niya maapakan ang accelerator pedal ay mahigpit na akong humawak sa ceiling handle ng sasakyan. Pinaharurot niya nang mabilis ang kotse at nang malapit na kami sa entrance ng plaza ay tinapakan niya ang brake nito. Pakiramdam ko ay humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa ginawa ni Eren.
Paghinto ng sasakyan ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak sa ceiling handle at mabilis na sinuntok sa braso si Eren.
“Ouch!”
Sinamaan ko siya nang tingin.
“Talagang masasaktan ka, Eren. Ano bang problema mo?” galit na tanong ko sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya.
“Wala akong problema. Gusto ko lang ng thrill.”
“Ah ganoon?”
Muli kong ikinuyom ang aking palad. Akmang susuntukin ko na siya nang bigla akong matigilan sa aking kinauupuan. I smell something. And the scent was so familiar. Napaayos ako nang upo at sandaling nag-isip. That scent…
Nang mapagtanto ko kung kaninong dugo ang naaamoy ko ay biglang kumabog ang dibdib ko.
“Andrei is here,” I told Eren.
Kumunot ang kaniyang noo.
“What?”
Mabilis akong lumabas ng sasakyan ni Eren.
“Andrei Castriel is here. He can’t be here!” Nagmadali akong naglakad papasok sa malawak na grounds ng plaza at inilibot ang aking paningin. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Kiara at ang pinsan nitong si Leonel San Real. Labis kong ikinagulat nang makita kung sino ang nasa tabi ni Kiara. Si Andrei iyon.
Humugot ako nang malalim na hininga bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mainis. Anong ginagawa niya rito? At anong dahilan kung bakit siya narito? Hindi ba niya alam na posibleng malagay siya sa kapahamakan dahil lang pumunta siya rito?
Nakasalubong ang dalawang kilay ko nang makarating sa kaniyang kinaroroonan.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya.
Alam kong nabigla siya sa tanong ko. Sa aking tabi ay napansin kong nakangisi si Eren habang nakatitig kay Andrei.
He must be reading his thoughts. Pasimple ko siyang siniko nang sa gayon ay mawala ang atensiyon niya kay Andrei. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kaniya sa tuwing ginagamit niya ang kakayahang basahin ang isip ng iba. It’s like he’s invading everybody’s privacy.
“Sinamahan ko lang ang kapatid ko na bumisita rito sa Rivia. Ikaw, bakit ka nandito?”
At ano naman kaya ang sadya ng kaniyang kapatid dito at kailangan pa siya nitong isama?
“Mayroon akong importanteng kailangang gawin dito,” tipid na sagot ko.
Sinabi ko ring hindi siya dapat narito at kailangan niya nang bumalik sa Addison habang maaga pa. Alam kong naguguluhan siya. Pero wala nang panahon pa para magpaliwanag.
Bumaling ako sa babaeng nakatayo sa kaniyang tabi. Kiara is looking at me with a smirk on her face. Mabilis na hinawakan ko si Kiara sa braso at hinila palayo sa karamihan.
Bawat madadaanan namin na aming kalahi ay bahagyang yumuyukod bilang paggalang.
“Akalain mo nga namang kahit ilang taon ka nang hindi pumupunta rito sa Rivia, ginagalang ka pa rin ng mga bampirang galing sa aming angkan,” panimula ni Kiara.
“May kinalaman ka ba kung bakit narito siya?” tanong ko na ang tinutukoy ay si Andrei.
Sandali namang bumaling nang tingin si Kiara kay Andrei na pasimpleng kinakausap ni Eren.
Kiara sighed and shakes his head.
“Hindi ko alam. Nagulat nga rin ako nang makita siya rito. It’s the first time that I saw him in person. Now I understand why you’re so interested in him.”
Pinagtaasan niya ako ng kilay at pinag-ekis pa ang kaniyang braso sa tapat ng kaniyang dibdib.
“Hindi lang pala mabango ang dugo niya, guwapo rin siya.”
Sinamangutan ko siya nang ngumisi siya na para bang may ibang bagay na nais iparating.
“Aminin mo, may gusto ka sa kaniya ano?”
Marahan akong natawa sa sinabi ni Kiara. Ako? Magkakagusto sa isang mortal? Masyadong malabo iyon.
“I want to know if the two of you will end up together,” aniya habang nakatingin sa kamay ko.
Bahagya akong lumayo sa kaniya nang ma-realize kung ano ang gusto niyang gawin.
Kiara Celestia has a wonderful gift, a power that has been given to her by her parents and that is she has the capability to predict what will happen to someone through holding someone’s hand.
“You have to get him out of here,” I said.
Kiara sighed and nodded.
“Of course, I will.”
Seryoso ang tingin na ibinigay ko sa kaniya. Dahil doon ay sumeryoso na rin siya. Tumalikod siya sa akin at naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Leonel at may ibinulong doon.
Leonel nodded. Lumapit si Leonel kay Eren at may sinabi rito. Kitang-kita ko naman ang nakakunot na noo ni Andrei habang nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa.
“Happy?” mapang-asar na tanong ni Kiara nang makabalik siya sa kinatatayuan niya kanina.
Hindi ako sumagot. Bagkus ay tahimik ko lamang siyang pinagmasdan.
“Oh, come on, Chandra. Don’t be mad. Hindi ko naman alam na pupunta siya rito. I promise that he’ll be safe. Kinausap ko na si Leonel. In a minute, sigurado akong nai-relay niya na ang info sa iba pang narito.”
Napailing nalang ako nang marahan.
“Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa. Ilang taon na ring hindi nagce-celebrate ng kapistahan ang buong Rivia sa kadahilanang posibleng magkaroon ng pag-atake ang mga rouges dito. Hindi ba dapat nga ay iniingatan mo ang mga tao na naninirahan dito. Teka nga, alam ba ito ng mga magulang mo?”
Matagal kaming hindi nagkaroon ng komunikasyon ni Kiara. Kung tama ang bilang ko ay halos limang taon din kaming hindi nagkita. Kaya wala akong alam sa mga nangyayari sa kaniya. Ngayon nalang kaming dalawa nagkita.
Kiara laughs. Mayamaya ay umiling siya.
“My parents are busy doing business with the other vampires that lives in other places. Halos tatlong buwan na rin silang wala rito kaya ako na ang namamahala ng Rivia pansamantala. And you know me, I do what makes me happy.”
I scoffed. Hindi ko maiwasang madismaya sa kaniyang sinabi.
“You’re doing this because it makes you happy? Paano kung may sumalakay ngang rouges ngayon mismo? Handa ka ba? You think you can handle it?
He blew a short breath of frustration.
“Kaya ka nga narito hindi ba? You’re the only one has the capability to fight them. Gusto ko lang naman mag-enjoy, Chandra.”
Pagod akong tumango.
“Alright then. I think it’s enough. People already danced and enjoyed the night. They’re happy now. Sana sa pagkakataong ito ay masaya ka na rin. Sige na, sabihin mo, kailangan na nilang umuwi.”
Matagal siyang tumitig sa akin. Tila tinitimbang niya sa kaniyang isipan kung ano ang dapat na gawin.
“Okay then,” she said.
It took her couple of minutes to decide.
“Only if you’ll join me for a hunting tonight.”
Naningkit ang mga mata ko.
“Hunting? Hunting ng ano?”
She smirked.
“Gosh, I want to drink fresh blood. Sawang-sawa na ako sa mga naka-bote lang. Let’s hunt in the mountain tonight.”
I immediately nodded as my response. Kung ang pagpayag ko ang paraan para lang masigurong ligtas ang mga tao, kahit labag sa loob ko ang sumama kay Kiara sa kaniyang nais na gawin, gagawin ko pa rin.
Nginisihan niya ako pagkatapos ay inutusan ang isa sa mga bampira na ipakalat sa mga naroon na tapos na ang selebrasyon ng kanilang bayan.
Dinig ko ang reklamo ng mga taong naroon. Pero wala na silang nagawa kundi umalis. Bigla rin kasing humangin nang malakas. Nang balingan ko ang isang bampira sa sulok, napansin ko ang kaniyang ginagawa. Kino-kontrol niya ang hangin.
“That was Alviro. He controls the wind. Malayo siyang kapamilya ng aking ama. Gayunpaman, itinuturing pa rin namin siyang Celestia.
Ngayon ko lang nalaman na posible palang magkaroon ng kakayahan ang isang bampira sa pag-kontrol ng elemento.
“You seemed amazed,” puna niya.
Tipid akong ngumiti.
“I am amazed.”
She laughs.
“That’s a simple gift, Chandra. What you have is way better than that. Among us all, you only have the capability to kill rouges. Trust me, I tried. Pero walang nangyari. Only your blood could kill them. Isa pa, hindi lang iyon ang kakayahan mo. You are the strongest too and you are the best at fighting.”
Marahan akong umiling.
“Don’t flatter me, Kiara.”
“I’m not flattering you. I’m just telling the truth.”
Iniwas ko ang tingin sa kaniya. I focused my attention to the people who who are walking towards their car. Dahil sa malakas na hangin, napilitan na magsi-alisan ang mga tao. Hanggang sa mga bampira nalang ang natira. Ngunit napansin ko ang dalawang taong natitira.
Si Andrei at ang kaniyang kapatid na katabi ng isang bampirang babae na hindi ko alam ang pangalan.
“That’s Halene. One of my cousins. Girlfriend ng kapatid ni Andrei.”
So, that girl is the main reason why they’re here.
Kiara sighed.
“I hope Halene is not serious about her dating a human.”
Tumaas ang isa sa mga kilay ko.
“Why not?”
Nanatili ang tingin ni Kiara sa dalawa.
“You know it never works.”