Pagkasabi ni Kiara ng mga salitang iyon ay tumalikod na rin siya. Malayo ang entrance ng mansion pero mabilis niya itong narating. Of course, it’s normal for us, vampires to move fast. Nang bumaling ako kina Andrei at sa kapatid niya, kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nito sa nakita.
“You’ve got nothing to worry about. Leonel can remove their memory of it.”
Bumaling ako kay Leonel at marahang tinanguhan ito. Mabilis ang naging pagkilos nito patungo kina Andrei. Mabilis niyang idinikit ang kaniyang palad sa pisngi ng dalawa at ilang sandali lang ay nawalan na ng malay ang mga ito.
“Ingatan mo siya,” sambit ni Halene kay Alviro na siyang nag-asikaso sa kaniyang kasintahan. Samantalang si Leonel naman ang umalalay kay Andrei patungo sa kaniyang kotse.
Sumunod naman ako sa kanila.
“Make sure to bring them back in Leicester Camp safe.”
Tumango naman si Leo. Si Alviro naman ay nanatili sa isang tabi habang ako ay inilipat ang atensiyon kay Andrei na maayos na nakaupo sa kaliwang bahagi ng backseat.
“His blood smells great.”
Nilingon ko si Alviro na matamang nakatingin kay Andrei. Umayos ako sa pagkakatayo at naglakad patungo sa kinaroroonan nito. Tumabi ako sa kaniya at muling ibinalik ang aking atensiyon kay Andrei.
“He is special to me.”
Tumaas ang kilay ni Alviro.
“You like him?”
Tipid akong ngumiti at marahang tumango. Nakita ko ang pananatili ng kaniyang tingin sa akin. Bakas sa kaniyang nagtatanong na mga mata na naguguluhan siya.
“Not in a romantic way of course. I’m sure he’ll be a big help to me when the time comes. You know, considering that he has a blood that enables to intoxicate vampires.”
Unti-unti siyang tumango.
“Naiintindihan ko na. Ang nais mong mangyari ay gamitin siya hanggang sa maubos mo ang lahi ng mga rouges. Sure, he can be a big help. Iyon ay kung ayos lang sa iyo na malaman niya ang tungkol sa sikreto mo. Ano nalang ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang isa kang bampira at immortal?”
Matagal ko na ring pinag-isipan ang tungkol sa bagay na iyon. Pero hanggang ngayon wala pa rin akong solidong paraan kung paano ko maisasakatuparan ang mga plano ko sa kaniya.
“You have to think of it carefully. Hindi lahat ng tao ay kayang tanggapin ang katotohanang may mga kagaya natin sa mundong ito na nabubuhay kasama nila. Lalo na ang lalaking iyan. Isa lamang siyang dayo rito.”
“Matagal ko na siyang kilala,”
Tumango siya.
“Pero hindi ka pa rin dapat nagtitiwala.” He sounded like one of my brothers, Alas. The way he talks, parehong-pareho sila. Kalmado pero mahihimigan mo ang concern sa tono ng kanilang pananalita.
“Thanks for the concern. But I know what I’m doing.”
I gave him a light nod before I turned my back on him. In a matter of seconds, nakarating na ako sa malawak na living room ng mansiyon ng mga Celestia. Naglakad ako patungo sa bintana habang ang aking dalawang kamay ay nasa aking likuran.
Mataman kong pinagmasdan ang papaalis na sasakyan ni Leonel.
“Pakiramdam ko hindi lang simpleng interes ang nararamdaman mo para sa lalaking iyon, Chandra.”
Mabilis kong nilingon si Kiara nang maramdaman kong nasa likuran ko na siya. Humugot ako ng malalim na hininga at umiling.
“Nagkakamali ka. Wala akong nararamdaman para sa kaniya. Kailangan ko siya kaya iniingatan ko siya.”
Kiara pouted.
“Talaga ba? Sigurado ka? Parang ganiyan din ang sinabi ko noon noong magkagusto ako sa isang mortal.”
Kumunot ang noo ko nang marinig ang kaniyang sinabi. Natawa siya nang makita ang reaction ko.
“Ang akala ko ba…”
“Chandra, sampung taon na ang nakakalipas. Pakiramdam ko ay maayos na ang pakiramdam ko para pag-usapan ang bagay na iyon.”
Nanatili akong nakatitig sa kaniya.
Kiara has the same age as mine. Thirty-five years old. But we stopped aging since we became 18 years old. One of the curses of being a vampire is we’re not getting old. Nagkaka-edad kami pero ang aming hitsura ay nananatiling kagaya sa dati.
I considered Kiara as my close friend aside from Eren. I was there when she fell in love with a mortal. Nasaksihan ko ang pagmamahalan nilang dalawa. The guy knew that she was different but he didn’t make it as a big deal. That’s when Kiara started to like human beings. Ang kaso, hindi lahat ng istorya ng pag-iibigan ay natatapos nang maayos. Nang nasa ikalimang taon na sila ng kanilang relasyon ay namatay ang kaniyang nobyo nang atakihin ito ng isang rouge na bampira sa tahanan nito.
Kiara almost got crazy because of it. Nakita ko ang paghihirap niya sa araw-araw magmula nang mawala ito. Ang akala ko ay hindi siya makaka-recover sa nangyari. Luckily, Eren was there to comfort her. He became her support in those times. Gusto ko rin siyang tulungan, pero wala akong magawa. Naroon lang ako, palaging nakamasid sa kaniya.
Those were the times when I felt useless. Wala kasi akong maisip na paraan para kahit paano mapagaan ang kaniyang loob. It’s all Eren.
“Do you miss Tristan?” I asked.
She smiled at me.
“There were times when I miss him. Okay lang. Sanay na ako.”
Tumango ako.
“Do you still hate the rouges?”
She sighed heavily and nodded.
“Hindi na yata mawawala ang galit ko sa kanila. Lalo na at hindi pa rin natin nakikita at napapaslang ang rouge na pumatay kay Tristan. Habang tumatagal ay mas lalo lang lumakalas ang loob ko at paniniwala kong kailangan na silang puksain. Sila ang sumisira ng balanse sa pagitan ng mga tao at bampira.”
Matagal akong natahimik dahil nalunod din ako sa lalim ng aking pag-iisip. Ilang sandali pa ay umayos ako sa pagkakatayo at tumingin sa kaniya.
“Let’s hunt.”
Halos mapunit ang kaniyang labi sa kangingiti habang naglalakad kami sa kahabaan ng malawak na daan patungo sa Mount Denali. Ito ang pinakamataas at malaking bundok dito sa Rivia. Pinaniniwalaan ng mga lokal na naninirahan sa Rivia na may suwerteng hatid ang Mount Denali sa kanila dahil masagana ang mga ani nila sa bawat produkto na itinatanim nila sa paanan ng bundok.
Nakasunod sa aming likuran si Eren na kanina pa hindi nagsasalita.
“Ano? Naputulan na ba kayo ng dila? Bakit hindi kayo nagsasalita?”
Liwanag ng buwan lang ang liwanag sa aming daan. Pero ayos lang. We, vampires, have excellent night vision. Malinaw ko ring nakikita ang mga hayop na nagtatago sa bawat sulok ng mga puno na aming nadadaanan.
“Kailangan ba nating maglakad nang ganito kabagal? Ang akala ko ba hunting? Bakit naging trekking yata ito?”
Kiara put his index finger on her lips to shush me. I rolled my eyes at her.
“Puwede bang huwag kang excited diyan. Ngayon ka na nga lang pumunta rito sa Rivia, mukhang nagmamadali ka pa.”
“Because I have to. Marami pa akong kailangang gawin. Isa pa, pagod na ako. Kaya please lang, bilisan na natin.”
Bumaling siya kay Eren para humingi ng tulong pero tanging kibit-balikat lang ang ginawa nito.
“Chandra’s right, Kiara. She’s tired. She’s not lying.”
Halos magkandahaba ang nguso ni Kiara. Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang tipid na pagngiti ni Eren. What was that?
Sinunod naman ni Kiara ang nais ko. Mabilis na ang aming pagkilos ngunit pinanatili pa rin namin ang katahimikan sa aming nadadaanan. Sa paghahanap kami ng hayop na magiging target nahirapan dahil masyadong mapili si Kiara.
At last, noong makakita siya ng isang hyena ay mabilis niya itong inatake. Ang kawawang hyena ay mabilis na naubusan ng dugo at binawian ng buhay.
Nakamasid lang kaming dalawa ni Eren sa ginagawa niya.
“It’s refreshing. Tamai tong pinili ko. Nakakapawi ng uhaw. Eren, come on,” pagyayaya niya sa lalaking nasa tabi ko.
Umiling naman si Eren. Sinubukan niya rin akong alukin pero gaya ni Eren, tumanggi rin ako.
“You are all weird. Lalo ka na, Chandra.”
Humugot ako ng malalim na hininga.
“Kung tapos ka na, mas makabubuti kung babalik na tayo ng mansion.”
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Nauna na akong naglakad palayo sa kanila.
“Malalim ang iniisip mo,” puna ni Eren habang nasa biyahe kami pabalik ng Addison.
“You’re thinking of Andrei? Of Kiara?” he asked.
Walang ganang bumaling ako sa kaniya.
“Bakit? Hindi mo na mabasa kung anong nasa isip ko?” Nakita ko ang pag-iiba ng kaniyang ekspresyon.
“Hindi ko naman palaging nababasa ang nasa isip mo, Chandra. Lalo na kapag masyado itong malalim.”
Muli kong ibinaling ang aking tingin sa labas ng sasakyan.
“Sa tingin mo ba okay na talaga si Kiara?” tanong ko saka bumuga nang hangin.
“Sa tingin ko naman ay oo. Bakit? Nag-aalala ka pa rin sa kaniya? You don’t have to. Matapang si Kiara. She’s able to overcome everything.”
Marahan akong tumango sa kaniya.
“Akala ko talaga may labanan nang magaganap ngayong gabi,” he said, laughing.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Eren pero sigurado akong inasahan niyang may magaganap na labanan sa pagitan namin at ng mga rouges. Matagal ko nang naririnig mula sa kaniya na gusto niya na makakita ng rouge sa malapitan.
“Don’t you ever wish to see them. Hindi mo magugustuhan ang hitsura nila.”
Ngumiti lang siya sa akin at itinuon na ang buong atensiyon sa pagmamaneho. Pero hindi pa man nagtatagal nang biglang inapakan niya ang preno ng sasakyan kaya agad itong huminto.
Gulat akong lumingon sa kaniya.
“Bakit?!”
Mabilis siyang lumabas ng sasakyan. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. He was looking around. Puro puno ang nakapalibot sa amin. Ginaya ko rin ang kaniyang ginagawa kahit wala akong kaide-ideya sa nangyayari.
“Chandra, may nangangailangan ng tulong natin.”
Seryoso akong tumingin sa kaniya.
“I can hear her thoughts. Nasa paligid lang siya, hindi ko lang alam kung nasaan. Humihingi siya ng tulong.”
Lumapit sa akin si Eren at hinawakan ang braso ko.
“May rouges sa paligid at may hawak siyang biktima.”