bc

Lovin' Livin' And Givin'

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
badgirl
dare to love and hate
journalists
straight
bold
office/work place
first love
Romantic-Suspense Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Loving someone is hard when you don't have experience.

Living with them make your world better.

Giving, when you love you give all the support and trust.

chap-preview
Free preview
Beginning
Bumaba ako ng hagdan at may hawak pang wine, naka Black Ruched Bardot Bodycon Dress ako. Nasa ibaba na daw si Aira my only best friend. Napapatingin ang mga bisita sa akin─naman sa ganda kong 'to dapat lang na tumingin sila. Ibinigay ko sa kay kuyang waiter ang inumin ko at naglakad na ako palabas. Ano ba naman 'tong mga inimbitahan ni Derp wala man lang lalaki na kasing edad ko. Hindi maganda ang disenyo ng party ng kapatid ko. So boyish! Babae siya pero mga disenyo ay panglalaki. Mga idolo niya na mga cartoons mga basketball at kung anu-ano pa, napuno lang ng mga larawan iyong mga lalaking piksyon ang nirentahan naming private resorts at nilagay pa na theme ay 'party fabs' so Old. Marami din namang naka dress na mga bisita sila tita at mga pinsan ko kaso hindi naman kami malapit sa isa't isa. "Sissy!" Yep! She's here. "I miss you sissy." She said and we hugged she kiss me on cheeks and I kissed her too. I smiled. "I miss you more." Umingay sa kabilang banda kaya napatingin kami doon. Sila Derp at mga kaibigan niya nagkatuwaan ang mga ito. "Sila Kley ba 'yon tara sis babatiin ko muna siya." Nauuna si sis pumunta doon sa kanila Derp at tignan mo 'tong kapatid kong 'to ang baduy ng damit bakit ba naman ganito mga pormahan nito alam niyang birthday niya dapat ay maayos. Hindi 'yong oversized jogger and halter top with denim jacket. duh! May pa hat bonet pa. "Happy birthday Kley my gift for you." Aira said. "Salamat po ate." She replied and smiled. Naka-cross arm lang ako na nasa likuran ni Aira at tinignan lang sila. Aba naman naglalaro sila ng truth or dare at may harina na ilalagay sa mukha. Pambata talaga ay nga pala bata pa pala siya trese años palang siya ngayon. Nagdadalaga baka binata nga ito. "You look so hot in your outfit today. Hindi ko nakita masiyado kanina kasi sayo ako nakatingin pero oh tignan mo pak! Ang hot!" Ani Aira at napapangiti ng malapad. "Syempre ako pa. Haha thanks ikaw rin naman ah, look you're so gorgeous." "Nope. Uhm you're the most." Aniya at umupo kami dito sa table malapit sa pool marami na ang nag swimming at puro mga bata. Nagsayawan at kantahan sila may mga makukulit pa na tumatakbo takbo. Wala pala si dad ngayon mas mabuti lang 'yon kasi nandito si Tito nagalit pa naman si Tito kay dad noon sa ginawa niya. At si Mom naman ay busy sa pag-aasikaso sa mga bisita at tinulungan siya nila tita. "Buddy! Huwag mo akong lunurin ahh!" Gosh! Ang kulit talaga nila Kley pinagtitripan niya ang mga kaibigan niya at ang iingay nila. Mga kaibigan pa niya ay puro lalaki ha. Iilan lang ang mga babae oh. Nakahilig kami ni Aira dito sa upuan at tinitignan sila Kley na nag swimming ang kukulit umaabot pa dito ang tubig sa amin. "Sis, that man has been looking at you for a while." Sis Whispered. "Where?" Tinuro niya at naabutan ko ngang nakatingin sa amin. Hindi ko type at hindi din ako interesado sa kaniya. "Ang gwapo niya." "Huh? Gwapo na 'yan? Hindi ko type." Sagot ko at pinapaharap ni sissy ang mukha ko sa kaniya. "Duh! Ang gwapo kaya niya para sayo hindi pero para sa akin ahh!!" "Tumigil ka nga! Look, he just only a waiter." "Bakit mo alam? May gusto ka dun nuh? Sis huwag naman sana kasi gusto ko siya." she pouted and put her head on my shoulder. Tumunog naman ang phone ko. "May tumatawag ay sayo pala 'yon." "Yeah, saglit lang." Tumayo ako at pumunta dito sa may madilim na area may mga bulaklak ito sa dulo ng bakod ng resort na ito ako tumigil. Sinagot ko ang tawag at nilagay ang siko ko dito sa railings at makikita ang napakagandang mga ilaw sa lungsod. At syempre ang magandang langit at ang kumikislap na mga bituin. [ Hey, How have you been? ] "Uhm good how 'bout you?" [ Of course it's always good because of you. ] Uh! Annoying because of me huh? Eh this is the first time you call me today and it's nine o'clock in the evening! What because of me? Are you kidding me? "Ok." [ Siguro ang saya diyan may mga lalaki ba diyan? ] "Malamang meron." [ Huh, Uhm mag ingat ka wala ako diyan. Can I Video call? ] "Hindi na, Oo maraming lalaki at isa na doon sila ni Tito at mga bisita ni derp!" [ Ah okay sige. Bakit ka nagagalit? ] "Galit ba ako?" Hindi ako galit ok! Nagtatampo lang kasi sa buong araw ay hindi niya man lang ako naisipang tawagan at ngayon lang na gabi na! [ Uh no, sorry may nagawa ba ako? Uhm mag video call ako okay, para maayos kitang maka-usap. ] "Hindi na nagkakaintindihan naman tayo dito sa call." [ Sorry na. ] "Bakit ka nag-so-sorry?" [ Kasi, look alam kong galit ka base sa tono ng pananalita mo kaya sorry na please. Pag-usapan natin may nagawa ba ako? ] "Uh stop being overreacted Jayvee. Wala tayong pag-uusapan dahil hindi naman tayo. Sige na iinom pa ako!" [ Kittie please, I know we're not but I'm your suitor, you know that right? So Talk to me, what is the problem? ] "Nothing, ok bye." [ Please don't drink too much─] Pinatay ko na ang caller damn! Sira na ata ang make-up ko dahil kanina pa ako napapahilamos dito. Bumuntong hininga ako. Babalik nalang ako doon sa loob. "Hi!" "What the f**k─!" Nagulat ako! Bakit kasi sumusulpot 'tong luko na 'to ha! Nagulat din siya nang magmura ako. s**t! "Pasensya na nagulat kita. Sorry." Nilagpasan ko siya! Kainis wala siyang karapatan na gulatin ako. Sumasakit na nga ang dibdib ko sa tawag na iyon at gugulatin pa ng waiter! Dumiretso ako kaagad sa kwarto ko at sinarado ang pinto! Ahh! Nakakainis! Inayos ko ang nahulas kong make-up. Magbibihis na nga lang ako kanina ko pa kasi suot 'tong bodycon dress. Ayan nag casual dress na ako at huhubarin ko nalang mamaya mga twelve am para mag swimming. Hindi naman kasi marami ang mga lalaki na narito at sayang lang ang outfit ko kanina kung walang ma-aatract. "Sis! Kanina pa kita hinahanap marami na akong nakilalang mga lalaki doon ahh!" Pambungad nito sa akin pagkalabas ko ng kwarto. "Iyong gwapo kanina pala ay si Colby ang gwapo niya talaga at ang gwapo din ng pangalan." "How can you tell?" "Kasi nakikita naman sa mukha niya diba ang attractive niya. At sinabi mo kanina ay waiter siya nagkakamali ka isa sila sa nagmamay-ari nang nirentahang foods kaya sumama siya at kulang ang mga worker nila kaya siya nalang pumalit." Kuwento pa nito at umupo kami sa table nasa kabilang table sila Mom at kausap ang mga kaibigan niya. May naglagay naman sa table namin ng pagkain. "At ito pa sis marami pala doon sa labas mga lalaki ang nag-bi-billiards. Dapat kanina ay pumunta ka hinanap pa naman kita. Ang daming hot!" Anito at uminom sa fruit tea na nakahain sa mesa. Uminom naman ako ng alak. "Nawawalan ako ng gana sa mga 'yon." "Himala ha sis halos dati ay ikaw pa nga itong lumalapit sa mga lalaki at may balita ka pa araw-araw sa mga lalaking nagtetext sayo at ngayon nawawalan ka na ng gana? Haha you're so funny." "Kung ano sinabi ko iyon na 'yon. I'm not interested them anymore." Salita ko at kumain ng paunti unti sa fruit salad, desserts na pala hindi man lang ako nakakain ng kanin mula kanina ay puro lang ako lechon, spaghetti, grahams, alak at kahit ano pa. Atlis kumakain kaysa sa wala. "Talaga lang ha, baka mamaya pag nakilala mo sila yong mga kaibigan ni Colby. Graveh iba talaga ang aastig nila at gu-guwapo." Kanina pa siya gwapo ng gwapo diyan. Oo mahilig talaga 'yan si sissy sa mga gwapo at mga naging ex niya ay puro macho at gwapo. Lapitin rin kasi ng lalaki kaya 'yan lalakero siya. "Water?" "Meron pa." Sagot ko sa waiter at kumain lang napatahimik si Sis sa pagkakain at tumingin sa lalaking waiter. "Hi Colby." "Hey." "Saglit lang, Heto kaibigan ko my bestfriend Kirrily." Ngiti ni Sissy at nasa gilid ko ang lalaki kaya hindi ko makita ang reaction niya. "Uh, I'm Colby nice to meet you miss." Tumango lang ako at pinagtuloy ang pagkain. Hindi parin siya umaalis sa kinatatayuan niya. "A-ah Colby 'yong mga kaibigan mo naroon pa ba sila?" Tawag ni Sissy sa lalaki. Ano akala niya sa akin manghihina sa mga lalaking kaibigan ng Colby na 'to? Charms pa nga lang ng lalaking 'to hindi na tumalab sa akin kaibigan pa kaya niya. "Oo nasa labas sila. Sige pupunta muna ako doon." Buti pa nga. "Ahh nakakainis ka sis bakit ang cold mo ha nakipagkilala lang ang tao e." Anito at uminom sa alak. "I do not care about them." I said Kinausap ako ni Mom na papatulugin nang maaga sila Derp at mga kaibigan nito sa kabilang kwarto doon 'yan sila magsasamang lima, pero may makikitulog sa kanila ang mga pinsan din namin. "Hoi Gil, madaya ka! Lagay mo yan dito! Huwag diyan!" "Sino na ba?" "Ako! Usog ka nga." Malalakas ang boses ng mga 'yon sa may Billiaran room at papunta kami doon ni Sissy tudo kwento parin siya. At nagsisigawan ang mga ito. "Ayan na nandiyan pa sila ahh!" Tili ni Aira kaya hinawakan ko ang balikat niya para kumalma maka tili naman 'to kala mo naman mga attractive talaga 'tong mga kaibigan ni Colby ba 'yon─. What did I saw? Bakit naka-topless sila?? "Hey guys!" Tawag ni Aira sa kanila kaya napatingin sila sa amin. May mga tao sa gilid at hindi ko alam kong mga kaibigan rin ba 'to ni Colby. Ibinabaling ko sa iba ang tingin ko s**t! Tama nga si Aira. Damn! look at them they're topless and may mga abs just kidding hindi ko pa nakita 'yon. "Oh hi!" "Hey." Bati nila at may sumisipol pa. Kaya napalingon ako sa likod kong may sinisipulan ba sila pero wala naman. Naramdaman ko ang higpit ng paghawak ni sissy sa beywang ko. "Uhm ano g-ginagawa n-niyo?" Aira stuttering. Napayuko nga ako at pagkaharap ko ay nagsusuot na sila ng damit pero ang isa na nakaupo ay hindi parin nagsusuot. Hindi naman mainit ah bakit nakahubad talaga?! "A-ano naglalaro lang tara sali kayo?" "Oo, billiards marunong ba kayo?" "Uhm. Hindi e pero pwede paturo." Ani Aira at lumapit doon iniwan niya ako dito sa may pintuan banda. May mga babae at lalaki din naman sa gilid at umiinom ito. Lasing narin ata ako e nahihilo ako! "Sure." "Tara madali lang naman ito." Nilingon pa ako ni sissy at pumunta na siya doon sa billiards table. Iyong dalawa ay nakatayo at ang isa na nakaupo at topless parin ay umiinom ng alak. Medyo delikado 'to baka may masamang balak sila. Hmp! Just kidding alam kong hindi nila magagawa 'yon. Ako pa! "Vin!" May tumawag sa lalaking naka-upo doon at ibinaling niya sa may pinto ang tingin. Narito lang ako nakatayo sa gilid ng billiards table at si Aira ay may hawak na cue stick at tinuturuan siya nila. "Sabihin mo mamaya na!" "Anong mamaya, magagalit si uncle. Bakit kasi pumunta lang kayo dito at hindi naman kayo inimbitahan at hindi din kayo tumulong." Naglalakad ang lalaki papunta dito dahil naririnig ko nakatalikod kasi ako sa may pintuan. Nahinto si Aira sa paglaro at itinuon sa lalaki na nasa gilid ko na. Sabay kaming napatingin sa isa't isa at nagulat pa. Si Colby! "Hayaan mo magalit 'yan. Maya maya lang ay uuwi narin ako. Kaunti lang kasi mga babae dito." "Hoy tarantado ka! Wala kang sasakyan iiwan ka namin dito." Sagot ng isa na katabi ni Aira. "Kahit na dadalhin ko parin 'yon bahala kayo diyan!" Anito at uminom ng alak. "Vin! Isa pa tinatawag ka na nga doon." Mahinang sambit ng katabi ko, si Colby. "Tseh!" Pagdadabog nito at umalis. Pinagpatuloy nila ang paglalaro at nanonood lang ako umupo doon si Colby sa kinauupuan kanina nung Vin. Papindot pindot lang ako sa selpon habang hinahantay matapos si Aira, kainis kasi e dinamay pa ako dito. Aish! Si Derp pala pinapasabi ni Mom na matulog na sila. Baka natulog na 'yong mga 'yon. "Hindi ka nga marunong nun eh. Sinungaling!" "Parehas lang naman kayong mga sinungaling." "Buddy madumi 'yong mukha mo Haha." May mga batang maingay at pumasok dito sa Billiaran. Alam naman nila na hindi pwede sila maglaro nito dahil bawal. Aish! Sila Derp! "Narito pala ate mo." Bulong ng kaibigan niya kay derp pagkatapos nilang magtawanan. "Oi mga kuya pahiram po ha. Sayo 'tong isa buddy." Ani Bryle sa cue stick at sa kabilang billiard table sila pumuwesto. "Ako pa bryle." Aniya ng babae. "Marunong din ba kayo nito maglaro Kley?" Aira asked them. I just glared at Klyzia but she didn't give a damn! "Yeah!" "Astig naman. Si Aiya nga pala saan?" Aira asked "Natulog na po ate. Naaantok na daw siya haha." Kley replied. At inaayos ng mga kaibigan niya ang mga bola sa gitna ng table. Parang lalaki talaga 'to o. Hays derp! "Derp! Matulog na kayo doon, Mom said." "Mamaya na." Anito at naglaro ng billiard nakapasok siya ng isang bola. His friends cheered her on. "Sige na matulog na kayo! Ang kukulit talaga eh." Salita ko at patuloy lang sila sa paglalaro. Nakakainis siya! Bata pa lang siya ay hindi na ako sinusunod! Lumabas ako doon sa Billiaran. Gusto kong magpahinga muna. Itinawag pa ako ni Sissy at hinayaan ko nalang. Pumasok ako sa loob at nag sasaya parin sila may napapasayaw at marami na ang mga lasing. Sinabi ko kanina na mag swimming ako ay hindi matutuloy dahil naantok na ako. Nasa kama na'ko at humiga nalang basta basta tumalab na ang kalasingan ko may dala pa akong alak dito at nasa table. Ipinikit ko na ang mata ko para matulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook