Episode 2

2825 Words
Jairah Kinabukasan nagising ako ng late. Alas 10 na ng umaga ng tumingin ako sa wall clock. Napasarap ang tulog ko.Na miss din siguro ng katawan ko ang bahay namin dito sa Isla. Ang dami kong planong puntahan mamaya. Excited na akong bisitahin mga kaibigan ko. Bumangon na ako at pumasok ng banyo. Hinubad ko na ang lahat ng damit ko at nag shower na. Inabot ako ng kalahating oras sa loob ng banyo. Pumunta na ako ng walk in closet at nag hanap ng isusuot. Napili kong isuot ang Black fitted Jeans at white t shirt.. Inayos ko ang mukha ko, nag lagay lng ako ng face powder at lip balm. Sinipat ko ang mukha ko sa salamin. Parang di pa ako kuntento, at imbes na face powder lang ang nilagay ko naglagay nalang ako ng light make up .Tinali ko ang lagpas balikat ko na buhok, ginawa kong pony tail kasi staright naman to. Sinuot ko na ang sneakers ko na white para ka terno ng damit ko.. Tiningnan ko sa full body mirror ang look ko today at naisip ko para akong high school students Lang. Pabebe ang dating ah. Sabi ko pa sa sarili ko. Inaayos ko na ang bag na gagamitin ko ng biglang tumunog ang cp ko, Si Hazel ang tumatawag. Si Hazel ay matanda sa akin ng dalawang taon, but unlike me na single sya meron nang dalawang anak. 3 and 2 years old na boy and girl. Nagkakilala kami nung college at since then naging close kami. Tinutulungan ko sya nuong 3rd year college na kami kaai dapat mag stop xa kasi namatay yung tatay nya at di na matustusan nang nanay nya ang pagaaral nya. Naawa ako at sobra sobra nman ang allowance na binibigay nila Daddy nuon kaya pinagkasya ko yun sa aming dalawa. Simula nun naging close na kami parang magkapatid turingan namin. Higit sa lahat mapag kakatiwalaan sya. Kaya ngayon na naka bakasyon ako sya ang iniwan ko sa company ko. Hello zel, good morning. Good morning Jai, naka istorbo ba ako Jai? Hindi ah, gising na ako nag aayos kasi gagala ako ngayon. Gusto ko mag enjoy sa bakasyon ko. At sana Jai di kna single pag balik mo dito. Mapanudyong saad nito at may maliit pang hagikgik. Ikaw ba tumawag para lang sa bagay na yan Hazel? Kaasar ka ha. Hindi of course hahaha. Tatanong ko lang kung ipi na cancel mo ba mga appointments mo? Maaga kasi ako pumasok ngayon Jai para ma arrange ko ang appointments mo. Hindi zel wala akong pina cancel kay Val kasi alam ko namang kaya mo na yun. Malaki ang tiwala ko sa kakayahan mo. Bakit di pa ba pumasok si Val? Hindi pa eh. Wala akong number nya Jai kaya ako tumawag para hingin ang number nya baka kasi na traffic yun. Ganito nalang zel. Ibigay mo kay val ang isang company service para di na sya mag cocomute. Kas mahirapan din sta mag adjust ng time nya. Sa akin kasi wala namang problema kung late sya pumasok. Sige Jai ako na ang bahala tungkol dyan ipasa mo nlng ang number nya ha. Paano i need ro hang up na, mag enjoy ka sa vacay mo ha. Makipag date ka kasi di ka na busy dyan hahaha. Gaga, sige na nga ang gulo mo. Bye and thank you bess. Alas onse na nang makababa ako patungong sala, balak kung ilunahin nalang bisitahin mga kaibigan ko dito. Bukas ko nalang simulan ang mga taourist spots dito sa isla baka may maaya pa akong mga kaibigan ko na samahan ako. Nakita ko si Nanay Sandy dun sa sala at ang isa g katulong na nag lilinis. Nanay umalis ba sila Mommy? Sabay halik ko sa pisngi nya. At hinalikan din ako sa noo. Late kana bumaba ah. Nasa library sila duoon sila tumambay at inaayos ata ang program sa kasal nila ate mo. Ah ganun ba nay, cge almusal lang ako ha. Narinig kong inutusan ni nanay ang isa sa mga katulong namin na ihanda yung almusal ko at inutusan nya akong pumunta ng Library kasi may bisita daw ako.Pa suspense din to si Nanay kasi ayaw sabihin kung sino. Kaya eto ako nasa harap na ng pintuan ng library. Kumatok muna ako para alam nilang may tao. Pinagbuksan ako ni kuya Ivan ng pinto . Hi Kuya good morning..at nginitian ko sya ng malawak. Good morning too Jai, nag almusal kana ba? Ah paglabas ko po dito mag aalmusal na ako, ahm kuya sino bisita ko? Di ko kilala Jai eh, buti pa puntahan mo na. Baka si Louie yun ang iniisip ko, kasi maliban sa kanilang dalawa wala nang nag lalakas loob na pumasok dito sa bahay maliban nalang kung kasama ako. Pero ang dalawang yun labas masok yun dito sa bahay. Nandito man o wala ako. Bago pa ako mang hula ng manghula pinuntahan ko nalang. Good morning everyone!!! Sino ba ang bisita ko?tanong ko sa kanila na Good morning Jai sabay nilang bating tatlo sa akin. Ahm wait lng Jai ha kasi may kausap lang sa phone nandoon sa may garden. Okay po. Hey! Sabi ng baritonong boses sa akin.. nakatalikod ako kaya di ko kita kung sino to. Parang di ko mahulaan ang boses nya ah. Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko at nanlaki ang mata ko at natutop ng dalawang kamay ang bibig ko. Dale Anthony de Leon? Yes Jairah dela Torre. Nakangiting sagot nya sa akin at binuka ang mga braso nya para bigyan ako ng yakap. Niyakap ko sya pabalik at tiningala ko sya. Kasi sa height ko ba naman na 5'5 maa matangkad pa sya sa akin. Siguro nasa 6'2 height nya.Kumalas ako sa ya. Buti naisipan mo pa umuwi ha. Tampong saad ko sa kaniya. Paanong hindi ka mag tatampo eh sa ilang taon na di namin pagkikita ay wala mn lang kaming communication. Ni social media ng isat isa di namin alam. Tinawagan kasi ako ni Daddy sabi nya may alumni daw tau sa elementary. Naisip ko kasi 10 years na a, ta na di ako umuwi eh. Oh diba mas malala sya? Tinalo nya yung almost 6 years na di ako nakauwi. Kelan yun? Excited ko ring tanong sakanya. Inakbayan nya ako at ipinulopot ko rin ang braso ko sa beywang nya. Na miss kita. Di ka man lang nagpaparamdam. I miss you too, kayo ni Louie na miss ko. Echosero ka, mas masaya bang kasama mga kaibigan mo dun sa Dumaguete ha? Di mo man lang ba naisipang kontakin kami sa social media ha. Naku ang dami mong utang sa akin na kwento. Of course kinontak ko kayo, pero di kita mahanap sa social media, bakit di ba na kwento sayo ni Louie na may communication kami? Ha? You mean tayo lang ang walang communication? Maran syang tumango sa tanong ko. Alis na muna kami Dad ha, Mommy ate and kuya gala muna kami kasi maraming utang to sa akin si Dale. Nag halakhakan sila dahil sa sinabi ko. Jai bukas ka nalang magpa sukat ng gown ha, mag enjoy ka muna ngayon. Saan ba ako magpasukat ate? Dadaan nalang namin ngayon para tuloy tuloy gala namin. Binigay sa akin ni ate ang address ng botique. Sabihin ko lang daw na sa kasal ng Salazar. Kilala sa bansa ang apilyedong Salazar, nangdahil na rin sa kApangyarihan nila bilang Politicians. Dale kain tayo, kung ayaw mo naman kumain samahan mo ako sa kusina. After nun alis na tayo para gumala. Nginitian ko syang matamis para samahan nya ako. Ganito din kami dati walang malisya ang pag akbay at yakapan. Para nga kaming mag Jowa eh, tanungun ko nga sya mamaya kung ilang babae na ba napaiyak nya. Tito and Tita mag almusal nalang po muna kami ni Jai after nun alis na din po kami.. thank u po sa coffee. Malawak ang ngiti habang nag papaalam sya sa parents ko. Nag babye na kami sa kanilang apat at masayang tumalikod para magtungo sa kusina. Masaya kaming naglalakad habang naka akbay sya sa akin at ako naman naka hawang sa beywang nya. Binilisan na namin ang pagkain para makaalis na kami kaagad, kasi sabi nya babawi daw sya sa mga panahong di kami naka pag bonding. Kung tutuusin ito yung time na magkakasama kaming uli mga magbabarkada after ng ilang taon. Hawak kamay kami na papunta sa kotse nya, napagkasunduan namin kanina na kotse nya nalang ang gagamitin at ihatid nya nalang ako mamaya pag uwi. Dale baka naman may bigla g humablot ng buhok ko ha. Saad ko sa kalagitnaan ng byahe namin. What are you talking about Jai? I dont have girlfriend now if that's what you mean.. na humagalpak nang tawa pagkatapos nuang sabihin yun. Malay ko ba? Ayaw kong makalbo no if ever. At tinaasan ko lang sya ng kilay. Dinukot ko ang cp ko sa sling bag at dinial ang number ni Hazel, E check ko lang muna kung kamusta ang first day nya sa duty as General Manager sa company ko. Naka ilang ring lang at sinagot nya na to. Hello Jai pacensya na ha, nasa meeting ako ngayon with Mr. Chan, i will calk you back later okay? Ipapasend ko later kay Valerie thru email ang mga documents for signing and may isang contract. Basahin mo muna ang deal if approve ka paki sign and send it back as soon as possible please. Sige na bess I need to hang up na bye. Kasabay nun ang pag kaputol ng linya tanda na pinatay nya na ang tawag. Who was that?.. Si Hazel yun, may itatanong lang sana ako kaso nasa kalagitnaan pala sya ng meeting with our biggest investors, kaya pinatay nya agad ang tawag matapos nya lang sabihin ang importate kong gawin. Nagpakawala ako ng malalim na bunting hininga. Ahm Jai kamusta ka naman dun sa manila? Nag ka boyfriend ka na ba? Nakangiti nyang tanong sa akin, at nag aantay ng sagot. Sa sobrang busy ko sa trabaho ko di ko na naisipan ang bagay na yan. Feeling ko di rin mag tatagal at hihiwalayan din ako ng boyfriend ko. Nagtatakang mukha ang binaling nya sa akin. How can you say that? Tanong nya na may kasamang malulutong na tawa. Nagka boyfriend ka na ba Jai? Seryosong tanong nya sa akin habang pa sulyap sulyan sa kalsada. Paano kaya kung sabihin ko sa kanyang di pa ako nag ka boyfriend dahil inaantay ko sya? Hahahhha ano kaya reaksyon nya? Ang laki ng ngiti ko sa labi. Why are you smiling? You remember anything?.imbes na sagutin ko ang tanong nya napatitig ako sa kanyang perpektong mukha. Ano ba yan makalaglag panty yung ka guapuhan nya lalo na pag tumatawa sya at kita ang magagandang ngipin nya. Kaya lang kaibigan lang talaga turing nya saakin. Hayy, at tsaka ako bumuntong hininga ng malalim. Are you done checking on me? Kanina pa ako nag sasalita dito di mo ba ako narinig? Ang lalim ng iniisip mo ah. Ha, ano nga yun? Pardon please.. Lechugas naman oh natulala pala ako na nakati gin sa guapong mukha nya. Sabi ko ang ganda mo at ang sexy, talo mo pa nga ang beauty ng pinakasikat na artist, pero bakit single ka? Dahil sa sinabi nyang yun mukha na akong kamatis na over ripe. Sige lang mambuska ka lang diyan, happy ka naman kapag napipikon na ako? Ang cute mo pag mag blush Jai hehe.. Tigilan mo ako Dale Anthony, bolero ka pa rin. Kailan ka ba mag babago? Patuloy lang kami sa pag pipikonan at tawanan hanggang sa makarating na kami sa Lungsod ni Louie at Nicole. Next na lungsod naman dito ay ang bahay ni Trixie. Kami ni Dale 5 Lungsod galing dito kina Louie, kaya medyo mahaba haba din ang byahe. Pinark na ni Dale ang Ferrari sports car nya sa harap ng gate nila Louie. Di pa kami bumaba kasi tatawagan muna niya si Louie,. Hi bro, saan ka? Rinig kong taning nya kay Louie sa kabilang linya. Pwede ba akong pumunta diyan? Hahaha anyway I'm here outside your gate. Wag ka munang bumaba Jai ha, e surprise natin sila, nasa loob daw si Nicole at Trixie. Ha? Bakit wala ba silang mga trabaho? Alam ba nila na umuwi ka? Si Louie lang ang may alam dahil tinawagan ko sya kagabi. Wala din akong idea Jai kung bakit nandito ang dalawa. At mula sa lolasyon namin nakita ko si Louie na lumabas ng pinto at tumakbo palabas. Habang si Dale naka pamulsa na nakahilig sa sasakyan. Hey Bro I missed you, 10 years ha na di mo man lang naisipang mag bakasyon. And wow look at you. Nakikita ko sa mga mata nila na miss na miss nga nila ang isa't isa. Nag yakapan pa ng ilang minuto ang dalawa bago naisipan ni Dale tanungin si Louie kung saan ipapark ang sasakyan ny. Ipasok mo nalang dito sa loob may parking area sa likod, sundan mo lang yang naka sementong daan. Ano? Ihahatid ba kita? I'm fine bro dont worry.. Si Jairah nakauwi ba? Hirit niya g tanong kay Louie habang naglalakad to papasok sa loob ng bakuran. Ewan ko ba sa babaeng yun, parang ikaw lang din, kung sayo 10 years. Si Jairah 6 years na di nag papakita dito. Tampororot na saad ni Louie. Mukhang miss nya rin ako, ang sayanko nang marinig ko ang boses nya, di niya lang alam gusto ko nang tumalon para ma yakap sya. Pakuha nalng nang gift ko sayo bro, buksan mo ang passengers seat. Pag bukas ni Louie ng pinto agad kong hinablot ang damit nya para mapa dukwang sya. At niyakap ko sya ng mahigpit. Louie sigaw ko pa at hinalik halikan ang pisngi nya.. Para kaming mga bata sa ayos namin ngayon. Kumalas ako sa yakapan naming dalawa at baba na sana pero nagulat ako ng binuhat ako ni Louie para ilabas. Pagkalabas nya sa akin nilapag nya ako at niyakap ng mahigpit. Inabit ko ang kamay Dale at hinila sya palapit para mag group hug kaming tatlo. What is the meaning of this? Saad ng dalawang kaka labas lang ng pintuan. Jairah? Agad na takbo nilang dalawa patungo sa amin. Sabay silang yumakap sa akin na binagyang daan ni Louie at Dale. Tama na yan, hanggang mamaya kasama natin sila. Saad ni Louie sa dalawang babae. Pasok muna tayo Jai, dun na tayo sa loob magkwentuhan, mahaba habang usapan pa to eh. Sabay turo ni Louie sa aming dalawa ni Dale. Inakbayan ako ng dawang babae kaya ang bawat braso ko nakalagay din sa beywang nila. Mahabang kwentuhan ang nangyari kaya naman halos makalimutan na naming mananghalian. Guys gusto nyo bang sa restaurant nakang tayo kumain, palipas oras ldoon nang konti para after nun mag bar tayo. Masayang saad ni Louiesa amin, na agad namang nag sitanguan kaming apat. Kamustahan at marami pang iba ang napag usapan namin. Guys wait lang ha, tawag lang ako sa bahay para ipaalam kong di ako makakauwi. Hindi ko na inantay na sumagot sila at tumalikod nalang palabas ng garden. Dinial ko kaagad ang number ni Mommy na agad nya namang sinagot. Jai napatawag ka? Nasaan na kau? Magkasunod na tanong nya. Ahm Mom dito na kami sa bahay ni Louie karararating lang namin. Mom dinpo ako makakauwi mamaya ha, mukhang mahaba habang kamustahan ang mangyayari Mom. Okay Jai, We trust you anak. Saan ka mag sleep over nyan? Mag hotel kami maam na pag mamay ari ni Nicole. Saan na hitel sa Seaside view hotel ba yan? Yes Mom, pakisabi nalang kay Daddy Mom ha, thank u Mom and I love you. Ipapahatid ko kay Arthur ang gamit mo ha, may kailangan ka bang ipadala anak? Damit Mom pang beach at panglakad ko po.palagay nalang din ng vitamins at gamot ko sa allergy Mom. Thank u po ulit Mommy malawak ko na ngiti sa kanya as if nakikita nya. Bumalik ako sa loob ng bahay ni Louie at rinig na rinig ko ang halakhakan nila. Ang sarap pakinggan ng mga halakhak nila. Ito yung na miss ko ng sobra ang tawanan na all out. Ang daya nyo, bakit di nyo ako sinali sa usapan? Ang sarap ng pankinggan ng halakhakan nyo. Tumayo na nga kayo ng maka alis na tayo para mag lunch, untag ni Trixie sa aming apat. Na agad naman kaming tumayo para makaalis na kami, gutom na rin kasi ako, naririnig ko na ang hanging nag rarambulan sa tiyan ko. Ahm Loi on the way na si Manong Arthur para ihatid ang gamit ko, paano kung di nya tayo maabutan dito? Paabangan ko nalang sya sa guard ko na duty ngayon. Paano lets go na angels.. malawak ang ngiting pang aaya ni Louie. Tumunog ang cellphone ko kaya dinukot ko to, at tiningnan ang screen. Sinagot ko nalang kaysa kulitin ako ng kulitin ng caller ko, na nakakainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD