Dale Anthony
Kasalukuyang nag uusap kami ni Daddy sa phone at binalitaan nya ako na ikakasal si Jacie ang nakakatandang kapatid ni Jairah.
Ito na siguro yung pagkakataon na magkita kami ni Jairah muli, matagal tagal na rin ang panahong di kami nagkita. Nung nakaraang anim na taon nung umuwi si Jairah pinag sisihan ko yun kung bakit di ako umuwi, sana noon pang time na tun naamin ko sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya.
Dale are you still on the line? Untag sakin ni papa over phone.
Yes dad i'm here. Sige po pahanda nalang nang bahay ko pa, pakisabi kay manang divina na linisan nya yung bahay ko..
Okay son, excited ka ba na makita mo si Jairah? Pang aalaska sakin ni daddy. Umiling iling ako as if makikita nya ang reaksiyon ko. Dahil alam nila ang nararamdaman ko kaya ganyan nalang sila kung maka pagbiro.
Mahal ko si Jairah pero paano ko nga naman aminin sa kanya? Buong akala nya matalik lanv na kaibigan turing ko sa kanya, naalala ko pa dati nung 15 years old kami. Nag paalam Ko sa kanya na manligaw, nasa bahay kami nun ni Louie nag sa study kami nung time na yun. Sabi ko pwede ba syang ligawan. Sinagot nya ako na tsaka na daw pag tongtong nya ng 18 years old. After nun nagpatuloy pa rin pagkakaibigan namin. Valentines day nung binigyan nya ako ng sulat at bracelet na ginawa nya. Until now i deel the same way 2 years ago, may mga naka relasyon ako pero kadalasan mabilis lang natatapos dahil may hinahanap ako na feelings na di ko matagpuan sa mga naging girlfriend ko.
Tulala kana naman dale? Oh sya kelan ka ba uuwi?
Bukas agad Dad, wag mo na akong ipasundo kukuha nalang ako ng plane ticket after this call.
Sige ingat ka son, we missed you here. Ingat sa byahe bye.
Hello Elvie, will you please book a plane ticket? I will fly tomorrow to Siargao.
Nag poprotesta pa sana si Elvie pero may diin ang bawat salitang binibitawan ko.
The earliest if available pa..
Ahm sir 9am ang may available sets.
Take it then. And please call the Jovel tel him to come to my office now. Thank u
Right away sir!
Di ako mapakali kung alin ang uunahin kong gawin, umupo nalang ako sa swivel chair ko at pinikit ko ang mga mata ko habang inaantay ang pagdating ni Jovel.
Good morning bro! Maipaglilingkod ko sayo? Himig pang aasar na sabi ni Jovel
Ang aga aga nang aasar ka! Maupo ka muna at may iuutos ako sayo.
Kung tungkol sa nobya mo yan wala akong time sundun ang utos mo.
Sige panindigan mo yang sinabi mo ha. Uuwi ako bukas sa Isla, iwan ko muna sayo ang pamamahala dito.
Oi bakit uuwi ba doon si_ si k nga yun bro? Ah si Jairah? Malakas tama mo sa kanya ha, oppsss wh mo nang ipagkaila nabasa ko yung love letter nya para sayo.. Hahaha malulutong na tawa nya na ikina inis ko. Ang gagong to nagawa pang humirit ng pang aasar.
Ano papayag ka o hindi? O baka gusto mong sumama para ikaw taga update sa chismis.
Hoi grabe ka sa akin bro. Himig tampo na saad nya, sos kung alam ko lang na puro nman biro uang inaarte ny, alAm ko na ang ugali nito. At kahit ganyan yan mapag katiwalaan yan. Maraming beses ko na syang sinubukan na bigyan ng napakalaking halaga na kunyari nakalimutan ko sa ibat ibang lugar. Pero sabi nya lang tigilan ko na kasi naiinsulto sya.
Papayag ka ba bro? E send mo nalang sa akon ang kailangan kong pirmahan. Alam mo na yon kasi di lang nman iyo ang unang beses na iniwanan kita dito.
So sa tingin mo di ako papayag? Ilang araw ka ba dun?
Di ko pa alam kung ilang araw oh buwan ako doon bro. Basta tatawag nalang ako sayo para mav update, for sure tatawag ka rin kung may papipirmahan ka. Malokong saad ko sa kanya at tinawanan ko sya ng malakas.
Thank u bro I owe you a lot.
Ngayon nakasakay na ako ng airplane papuntang Siargao. Wala akong tulog kagabi kaya maaga akong nagpahatid sa airport. Tinawagan na rin ako ng Driver ko na nahatid nya na sa isla ang kotse ko. Kailan kaya uuwi si Jairah? Ano na kaya ang itsura nya? Baka kasama nya boyfriend nya pag-uwi. Sa isiping yun nasasaktan na ako kahit puro lang naman panghuhula. Wala kaming communication, tinanong ko si Louie at Nicole kung mah contact sila kay Jairah pero same lang sila ng sagot wala. Alam ko namang impossible na wala silang contact kay Jai. Well knowing Louie di ko maasahan yun kahit na may number pa yun ni Jairah. Pareho kaming inlove kay Jai noong high school days. Kaya panigurado sinosolo nya nag pakikipag kontak dun.
Nakatulugan ko ang pag iisip, ginising nalang ako ng crew n nakalapag na pala kami at pag mulat ko ng mga mata ko, ako nalang pala ang nag iisang pasahero na naiwan. Nagpasalamat na ako sa crew at dali dali g bumaba. Sa pag baba ko nakita ko ang kakalapag lang na private plane., at ang isang babae na naka pikit ang mata at naka spread ang dalawang kamay. Ang saya nyang tingnan na humahalakhak at sumisigaw na ang sarap ng hangin. Medyo malayo ang pwesto ko sa kanya kaya minabuti ko nalang na tuluyan ng pumasok sa airport at kukuha ng mga gamit ko sa baggage claim. Pero di pa ako tuliyang nakapasok ng makita ko si Manong Matt na lumapit doon sa babae at may inabot. Dali dali nang lumalad ang babae, si Jairah yun? Kasi alam ko ha ggang ngayon same lang ang mga tauhan nila eh.. kahit matagal akong di nakauwi hindi naman nag fail na magbalita sa akin si Dad tungkol sa mga bali balita sa isla.
Binilisan ko nang kinuha ang luggage ko at lumabas na, naabutan ko si Manong Steve na nag aantay sa akin. Inabot nya sa akin ang susi ng kotse at tsaka nya kinuha ang mga dala dala ko at dun nilagay sa kotse na dala nya.
Ahm Manong nakita mo bang lumabas dito sila Manong Matt? Tanong ko sa kanya.
Oo sir, kaka alis lang nila hinatid lang nila ni Arthur ang kotse ni Jairah sir.
Tinanguan ko si Manong Steve at nag paalam na mauna na ako. Nag instruction na ako sa kanya kung saan nya dalhin ang mga gamit ko. Pinagarurot ko na ang Ferrari sports car ko para makarating na agad ako sa bahay. Iniisip ko kung ano na ang itsura ni Jaira, medyo malayo sya kanina kay di ko masyadong maaninag ang mukha nya. Matulog ang kanina ko pang plano, mamaya nalang ako pupunta sa bahay nila Daddy malamang busy pa ang mga yun.
Ipinark ko ang kotse ko sa harap ng bahay. Di na ako nag abalang mag luto pa, pupunta kaagad ako kila Daddy para doon na makikain.
Pumunta ako sa Master's bedroom at bilib naman tlaga ako sa mga inutusan ni Daddy, malinis na ang buong kuarto ha. Siguro pinalinis nya to kahapon. Dali dali na akong naligo para mka higa na ako sa kama.
Bakit di ka man lang nagpasabi na dumating kna pala anak? Hindi tuloy ako naka paghanda.
Si Mommy na mahigpit ang yakap sa akin pagkakita nya sa akin na pumasok ng bahay.
Mom maiistorbo ko lang kayo, alam kong busy kayo and besides I'm here now kaya okay lang Mom kung walang handaan.
Look who's here, mabilis pa sa alas kuatro ang pag-uwi mo ah, hindi halatang excited.
Gutom ako dad kaya please lang not now. Saad ko kay daddy na nag sisimula na namang mang alaska.
Let's go samahan kana namin ni Daddy mo sa kitchen, tapos na kaming kumain kanina eh. Tsaka alas 4 na ng hapon, napahaba ba ang tulog mo?
Yes Mom halatang miss ko ang ambience dito sa isla, malinis ang hangin At maaliwalas sa paningin. Gaya ng sinabi ni Mommy na samahan nila ako sa kusina, at talagang binantayan nila ako habang nag kukwentuhan kaming tatlo.
Ano ang plano mo anak after the wedding? Babalik kna ba agad?
No Dad i will stay for a while mag rerelax po, depende kung hanggang kelan ko gustuhin.
That's great. Pumapalakpak pa na tawa ni Mommy, nakikita ko sa mga mata ng parents ko ang saya ng makita at makasama nila akong muli. Ewan ko dn ba kung bakit di ko naisipang mg bakasyon? Siguro nang dahil sa busy sa trabaho ko.
Kasalukuyang nasa bahay na ako habang nanonood ng movie, nanonood pero wala sa tv ang isip ko. Iniisip ko kung paano ko e approach si Jairah bukas, nasa ganun akong pag iisip ng biglang tumawag si Haydee.
Why? What do you f*****g want?
Hahahah Chill Dale, bakit ba ang init ng ulo mo ha? Is there any wrong?
Why the hell you care?
Pinatayan ko sya ng linya, napapikit ako at hinilot ang sintido ko. Oh God help me. Sambit ko. Panihurado hindi na ako makatulog ngayon kaya lumabas ako ng bahay, alas 8 pa naman ng gabi maaga pa.
Naka salampak ako sa buhanginan habang naka tingin sa madilim na dagat. Gusto ko ang ihip ng hangin na dumdampi sa balat ko, feeling ko nakakarelax kay nag stay pa ako ng 1 oras dito. Sa loob ng isang oras na yun nakabuo ako ng desisyon.
Nagising ako sa tunog ng alarm ng phone ko. Kinusot ko ang mata ko atbabaliksana ako sa pag tulog kaso naisip ko na napag desisyunan ko pala na maagang pumunta sa bahay nila Jairah.
Dale good to see you, bakit ang tagal mong hindi umuwi ha? Pwedemo naman kaming tawagan para masundo ka ng private plane. Malambinb na saad ni Tito Ramon ang daddy ni Jai, mahigpit niya akong niyakap, ganun din ang Mommy nya na si Tita Celyn.
Thank you tito and tita sa warm welcome, si Jairah at si Jacie po?
Mommy sino po bisita natin ang aga naman? Saad ng isang babae na malambing ang boses.
Dale Anthony? Gulat na saad ni Jacie... nilapitan ko sya at niyakap.
You didn't change Jaz ha, same beautiful and sexy way back 10 years ago.
Ikaw din dale same bolero ka pa rin. Saad nya na humahalakhak.
Hey bro! Ivan right?.. kinamayan at binigyan ko ng beso si Ivan na mainit nya namang tinggap.
Maupo na tayo iho, at magkape muna tau habang inaantay si Jairah, love puntahan mo nga si Jairah sa kuarto nya. Saad ng daddy ni Jai na agad namang sinunod ng Mommy nya.
Tita wag nyo nalang po gisingin kung tulog pa, kawawa naman si sleepy head kung gigisingin mo tita. At talagang nagulat naman ako ng bigla silang humagalpak ng tawa.
Nag kwentuhan pa kami at masayang nag tatawanan. Nakalimutan ko tuloy na di pala ako naka pag almusal.
Ang ganda na nang lugar natin noh? Malaki na ang improvements, halos di ko na matandaan ang daan pauwi sa bahay.
It is because of your dad iho, ang dami nyang projects simula nung nanalo sya as Governor. Kaya lahat ng makikita mo dyan na bago sa paningin mo , project yan ng daddy mo.
Wow ha... proud naman ako kay daddy tito. Maiba tayo, alam ba niJairah na nandito kana?
Umiling iling ako. No tito nakita ko po sya kahapon sa airport, palabas na ako actually ng makita ko si Manong matt na nilapitan nya si Jairah, di ko sila naabutan kay dito nalang ako pumunta. Nagpahinga po ako kahapon pag dating kaya ngayon nlng ako pumunta.
Its okay iho, na surprise mo ba ang mommy atdaddy mo? Kasi kami kahapon gulat na gulat din nang dumating si Jairah..
Yes po tito, sabi nga ni mommy bakit daw di ako nag sabi na uuwi ako right away, di daw sila naka pag handa. Hahahah
Pareho talaga kayo ni Jairah na mahilig sa surprises, no wonder why your best of friends ha.
Nagkataon lang siguro tito..
Patuloy lang kami sa pag kukwentuhan, naputol lang yun nung nag ring ang cellphone ko.
Excuse me lang po ha, i need to take this call.
Lumabas ako sa door na patungo pala sa garden and to my dismay si Haydee pala. Tnurn off ka para walang diturbo. Bahala nalang.
Bumalik si Dale sa loob at saktong pagpasok nya nakita nya si Jairah na nakatalikod.
Oh God, sambit nya na parang na gulat na di nya alam anong nararamdaman nya. Para syang natulos sa kinatatayuan nya.
Napatuwid sya ng tayo ng papalingon na si Jairah.
Nung inakbayan nya si Jairah di nya alam anong nararamdaman nya bakit parang nanlalamig sya na parang nanginginig ang tiyan nya at parang may tumatakbo na kuryente sa loob ng katawan nya. Bagay na unang beses nyang naramdaman.
Bakit parang bago saakin ang pakiramdam na to? Dati normal lang namin na gawain tong paakbay at yakapan. Bakit ngayon parang may malisya na sa akin ang mga nakasanayan na namin?
Nakarating na kami dito sa bahay nila Louie at di ko inaasahan na nandito rin pala si Trixie. Ang kapal ng mukha nya ha, after what she did to me. Naka pag act pa sya like nothing happen.
Dale pwede ba tayong mag overnight sa beach? Di ko nagawa yun sa Manila, for six years dale hindi man lang ako naka pag take time mag outing. Sobsob ako sa trabaho.
You want to? If that's what you want okay punta tayo. Kailan ba gusto mo?
Talaga dale? Yehey thank u....
Sabay yakap ni Jairah kay dale..
Enough Jai ma disgrasya tau, look I'm driving..
Bigla namang natauhan si Jairah dun. Masyado na syang nadadala sa emosyon nya.
I''m sorry.
It's fine, come here give me a hug.. Agad din namang umusog si Jai palapit sa driver's set, at binigyan ng yakap si dale. Isiniksik pa ni Jai ang mukha nya sa leeg ni dale.
Jai sino gusto mong isama natin mag overnight? Untag ni dale sa kasama nya, kasalukuyan silang nag babyahe para bumili ng lunch, di kasi natuloy ang usapan namin na doon nalang kakain sa restaurant gawa ng may nakalimutan si Louie na importanteng gawin. medyo may kalayuan din ang restaurant na napagkasunduan nilang bilhan sa bahay ni Louie.
Later if okay pa sila isama natin sila, ayaw ko kasing mag hotel dale, gusto kong eenjoy ang bakasyon ko. Ayaw kong sayangin ang araw. Kung willing ka lang samahan mo ako ha.
I would love to jai. Of course sasamahan kita. After ng 10 years na di natin pagkikita? Di ko rin sasayangin ang araw na makasama ka jai. Nginitian mo sya ng matamis. Gusto ko din makasama sya at ikulong sa mga bisiig ko. Gusto kong magtapat ng nararamdaman ko sa kanya pero ayaw ko rin na masaktan ko sya if ever. Thinking of it parang sasabog ang ulo ko.
Pinangarap kong maging girlfriend si Jairah dati pa, pero masyado akong natotorpe. Ayaw kong isipin nya na pinag samantalahan ko ang pag kakaibigan namin. At isa pa ayaw ko na masira pagkakaibigan namin.
Dale natahimik ka? Ang lalim ng iniisip mo, may problema ka ba dale?
Ha?ah wala ah,iniisip ko lang kong kamusta kaya ang kompanya na wala ako.
Dont't think negative dale maayos yun, think in a positive way.
Pagkatapos ng 15 minutes na byahe narting na din namin ang pkay naming restaurant. Bumaba na kami ni Jairah at nag lakad patungo sa counter.
Nicole!! Patulong naman oh.
Ang dami nyo namang binili Jai, maubos kaya natin to'.
Pag di naubos nics, babaunin natin mamaya.
Yeah why not, but I'm afraid they will not allow it dale. Di sila katulad ng ibang bar na if may mga dala tau we can pay the courcage.
Hey Trixie and Louie paki arrange na ng mesa gutom na kaya ako. Saad ni nicole na mag bitbit sa dalawang kamay.
Umabot pa kami ng dalawang oras sa pagkain ng tanghalian. Napuno ang bahay ni Louie ng halakhakan at asaran. Kakatapos lang namin kumain ng may maalala si Trixie.
Jai diba allergy ka sa shirmps and crabs? Sorry Jai ngayon ko lang naalala.
Oh s**t, bakit nga pala bumili kau ng seafoods? Tanong ni Louie na may halong taranta na. Tiningnan ko ang mukha ni Jairah at nag start na tong mamula..
Okay relax jai don't panic, i will take your medicine just tell me where it is. It will only take 10-15 minutes jai balik din ako kaagad. Tumalikod na ako para lumabas na at aalis ng hawakan ni Jairah ang kamay ko.
Mag ingat ka dale wag masyado g mabilis magpatakbo ha..
I will baby, just relax..
Bago pa ako tumalikod nasulyapan ko ang mukha ng tatlo na gulantang na palipat lipat ang tingin sa amin ni Jairah. Di ko nalang pinansin at nag tuloy tuloy nang lumabas at pinaharurot ang sports car ko.mabuti nalang at ito ang naisipan kong dalhin.
Napaisip din ako kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko kanina.. paniguradong sasalang ako sa hotseat mamaya. Napatapik ako sa noo ko ng dahil sa tinawag ko Jairah kanina. Mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan ko, kaya 5 minutes lang ng marating ko ang mansyon nila Jairah. Naabutan ko si Nanay Sandy sa may pinto papasok sa loob ng bahay, mukhang kakapasok nya lng din.
Nanay, pwede nyo po ba ako samahan sa kuarto ni Jairah? May kukunin lang po ako nay.
Dale? Ikaw na ba yan? Saad nya na halatang nagulat sa presensya ko ngayon. Di nga pala kami nag kita kanina pag punta ko, kaya siguro nagulat sya. Hinawakan ko ang braso ni nanay at dahan dahan na syang hinila para ihatid nya ako sa kuarto ni Jairah.
Pacensya na po nay ha nag mamadali kasi ako. Kailangan po ni Jairah makainom ng gamot. Babalik din po ako dito nay bukas at promise mag kwentuhan tayo nay ha. Naglakad na kami papuntang kuarto ni Jairah ng walang imikan, halatang naguguluhan pa si nanay sa biglaang pagsulpot ko. Dali dali ko pinihit ang seradura ng pinto ni Jairah at diretso ako kung saan ininstruct ni Jairah na nakalagay ang gamot nya. Dinampot ko na ang dalawang stub ng gamot at natigilan ako sa nakita ko na nakapatong sa ibabaw ng bedside table nya. Picture frame na picture ko ang nakalagay doon. At sa kabilang bedside table picture naman naming dalawa ni Jairah.