CHAPTER TEN

1290 Words
NANGUNOT ang noo ni Caitlyn ng makitang may naka-park na magarang sasakyan sa harap ng bahay nila. Kauuwi niya lang mula sa trabaho. “Inang, may bisita po ba tayo? Ang aga naman ng bisita na—” nahinto ang sasabihin ni Caitlyn ng dumungaw sa pinto ng kusina nila si Jordan. “Jay? What are you doing here?” kunot-noong tanong niya sa lalaki. “Good morning!” bati nito sa kaniya na hindi pinansin ang tanong niya, sa halip ay lumabas ito sa kusina. Napatakip si Caitlyn ng bibig upang pigilan ang tawa ng makitang nakasuot ng apron at bitin na pantalon ng kaniyang ama si Jordan. “Anong ginagawa mo dito?” naglipat-lipat ang tingin niya kay Jordan, sa kaniyang ina at kay CJn na kabuntot ni Jordan mula sa kusina. “Good morning, Mommy. Si Daddy po ang gumawa ng almusal ko ngayon,” pagbabalita ni CJ sa kaniya ng lumapit ito sa kaniya at humalik. Naka-bihis na ito “Anak, sige na pumasok ka na at male-late ka na,” pagtataboy niya sa anak. “Bye, Tito Jordan! Pasok po muna ako, sana po pag-uwi ko nandito pa kayo,” pagpapaalam ni CJ sa lalaki. “Count on it, Champ,” nakangiting assurance naman ni Jordan sa bata. Kumintal ang malawak na ngiti sa labi ni CJ ng marinig ang sinabi ni Jordan, saka ito humalik sa kaniya bago tuluyang lumabas. “Oh siya, maiwan ko muna kayong dalawa at mamalengke muna ako ng uulamin natin,” pamamaalam din ng kaniyang ina, saka tinungo na nito ang pinto palabas. Nabalot ng katahimikan sa pagitan nila ni Jordan ng tuluyan na silang mapag-isa. “Tama ba ang narinig ko kay nanay na kahapon ka pa narito?” basag niya sa katahimikang bumalot sa kanilang dalawa. “Yeah, I sleep over here.” “What? Pumayag ang Mama? Paanong…” Iiling-iling na sunod-sunod na tanong niya. Tiningnan niya ng diretso sa mga mata si Jordan. “You should take breakfast and rest first,” sabi nito, sabay akbay nito sa kaniya at iginiya siya patungo sa kusina. Hindi na siya nakapag-protesta ng makita ang nakahandang almusal para sa kaniya. Inalalayan siya nitong maupo at animo sariling bahay nito na pinigsilbihan siya. Tahimik lang na pinagmamasdan ni Caitlyn ang pagsisilbing ginagawa nito sa kaniya. Deep inside ay kinikilig siya sa presensiya ni Jordan, na-miss niya ang pagtrato nito sa kaniya na animo isa siyang prinsesa. Habang kumakain ay nakangiting nakatunghay lang sa kaniya si Jordan. “Spill it,” hindi na napigilang bulalas ni Caitlyn, dahil ang totoo ay hindi na niya magawang makapag-focus sa pagkain dahil halos matunaw na siya sa titig na pinupukol sa kaniya ni Jordan. “I know you wanted to say something, so spill it now,” dagdag pa niya, sabay baba ng kutsara’t tinidor. Inabot nito ang kamay niya, “Let’s start over again, Cee. Sa lumipas na mga taon ay hindi ka nawala sa puso ko. Aaminin kong, nagalit ako sa iyo noon. Pero mas tama siguro sabihing sa sarili ko ako galit. Naging mas madali sa akin ang sisihin ka at mamuhay na ikaw ang nasa isip at puso ko at ipilit na diktahan ang sarili kong galit ako sa iyo.” buong sinserong pag-amin nito. “Pero ang totoo niyan, sa lumipas na mga taon na iniisip kong galit ako sa iyo, sa kaibuturan noon ay mahal na mahal pa rin kita. Pilit kong ibinaon iyon at pilit na pinaimbabaw ang galit ko, but I guess there is a fine line between hate and love. Mahal na mahal pa rin kita, Cee.” Hindi magawang makasagot ni Caitlyn sa ipinahayag ni Jordan. Nanatili lang siyang nakatulala sa lalaki. “Mahal pa rin kita, Cee. Sabik na sabik akong muling makasama ka. Let’s start all over again, Cee. Let’s forget our past and focus on our present and future together. You, me and CJ, dahil wala na akong planong pakawalan ka ulit ngayon, Cee. No, never.” Tinitigan nya ng diretso sa mga mata ang lalaki, “You know what? Tama ka. I still loved you and never stop loving you. Part of me ay nagalit din sa iyo dahil you didn’t gave me a chance to explain myself that day.” “Na pinagsisihan ko kung bakit hindi ko ginawa noong pakinggan ka. Sana ay kasama kita sa panahong kailangang-kailangan mo ako,” malamlam ang mga matang sambit sa kaniya ni Jordan. “My anger for you didn’t last long, Jay. Lalo na ng malaman kong may isang buhay kang iniwan sa sinapupunan ko. I tried to tell you about CJ, pero nangyari ang lahat ng trahedya sa buhay namin at nawalan na ako ng chance na sabihin sa iyo ang lahat. We lost contact at kinakailangan naming umuwi sa Cuyo.” “I feel terrible, Cee. I am so sorry.” “Hindi kita sinisisi, part of it is my choice as well.” hinaplos ni Caitlyn ang pisngi ni Jordan. “Pero sana kung alam ko ay hindi sana tayo naging ganito. Kahit na magalit pa sa akin ang mga magulang mo. Hindi ko iindahin iyon kesa sa ikaw lang ang nag-iisang humarap sa galit nila. Give me a chance to make it up to you again, Cee. Allow me to become part of your life again and correct everything.” “Jay, I don’t know what to say.” “You don’t have to say anything, Cee. I am willing to court you again.” Kumintal ang mapanudyong ngiti sa labi ni Caitlyn, “Sinabi mo iyan Mr. Jordan Perez ha, you will court me again. Well, I do love that idea. At the same time you will prove to my parents your sincerity.” Kumislap ang mga mata ni Jordan sa narinig. “So pumapayag kang ligawan kita ulit? Yes! Yes! Yes!” tuwang sambit nito, saka mabilis siya nitong nakintalan ng halik sa noo sa sobrang tuwa. “Sabi mo ay manliligaw ka pa,” nakalabing sambit ni Caitlyn, pero may kislap din ng tuwa sa mga mata. “Haha! Yes, of course, I’m so happy. Thank you, Cee, for giving me another chance.” ********* Lumipas ang buwan na pinatunayan ni Jordan ang lahat ng pinangako nito sa kaniya. Katulad ng sinabi nito ay araw-araw siya nitong niligawan. Araw-araw nitong pinatunayan sa kaniya na mahal na mahal pa rin siya nito. Tinulungan din siya nitong dalhin sa espesyalista at bigyan ng special medical therapy ang kaniyang ama upang mapabilis ang pag-recover nito. Hindi na niya ikinagulat ng hingin ni Jordan ang kamay niya sa harap ng mga magulang niya sa araw din ng muling pagtugon niya sa panliligaw nito matapos ang tatlong buwan. Ganoon na lang ang tuwa ni CJ ng malamang muling nagkabalikan ang kaniyang mga magulang. Natupad na ang matagal nitong pinapangarap na magkaroon ng buong pamilya. Sila ang naging best man at maid of honor sa kasal ng bestfriends nilang si Carlos at Jacky. Matagal ng plano ng mga itong magpakasal sa taong iyon. Ang mga ito din ang unang natuwa ng malamang tuluyan na silang nagkaayos pagkatapos ng mahabang panahon. Si CJ ang gnawa ng mga itong ring bearer. Matapos ang isang taong ng opisyal na engagement ay tuluyan na ring nagpakasal sina Jordan at Caitlyn. Hinintay nila munang maka-recover ng maayos ang ama ni Caitlyn para maihatid siya nito sa altar, katulad ng matagal na nitong pangarap na gawin para sa anak. Sa muling pagbubukas ng panibagong kabanata sa pag-iibigan nila Jordan at Caitlyn ay pareho nilang natutunan na, love really finds a way to heal even the deepest wounds. At lalo pang pinagtibay ang kanilang pagmamahalan ng panibagong supling na dadagdag sa kanilang pamilya. --THE END–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD