bc

THE HEIRESS SINFUL LOVE

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
forbidden
family
HE
teacherxstudent
age gap
fated
opposites attract
curse
stepfather
single mother
heir/heiress
campus
city
cheating
rejected
affair
addiction
professor
wild
like
intro-logo
Blurb

🔞 Warning R-18 🔞

Pinaghiwalay sina Livien Valiente at Xavier Dela Rosa ng mga magulang ng dalaga dahil sa bawal na pag-ibig. Ninong ni Livien si Xavier at isa ring propesor niya sa unibersidad. Bukod pa rito, matalik na magkaibigan ang ama ni Livien at si Xavier, kaya’t nang mabalitaan nila ang lihim na relasyon ng dalawa, ginawa nila ang lahat upang putulin ito.Paglipas ng tatlong taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Ngunit si Xavier ay kasal na at may dalawang anak.Kaya kayang aminin ni Livien kay Xavier ang lihim na matagal niyang itinago, na nagkaroon ng bunga ang kanilang maling pagmamahalan? At sa muling pag-usbong ng kanilang damdamin sa isa't isa, paano maipaglalaban ang pag-ibig na simula palang ay itinuring nang kasalanan?

chap-preview
Free preview
PANIMULA
DISCLAIMER: Ang istorya po na ito ay pawang fictional lamang at likha ng malikot na imahinasyon ng manunulat. Mayroon pong mga salita, scene na hindi angkop sa mga batang mambabasa. ***** "HINDI kita minahal! At kahit kailan 'di naman kita minahal... Nadala lang ako dahil ninong kita at kailangan ko ang tulong mo. Ang totoo nga niyan, kinasusuklaman kita! I hate you, Xavier! I hate you!" Umiiyak na mga sigaw ni Vien. Kuyom ang kamao ni Xavier habang mariing nakatingin sa dalagang, lagpas langit ang kanyang pagmamahal. "I'm sorry kung minahal kita. Higit pa sa buhay ko. From now on, hindi na kita guguluhin. Palalayain kita dahil gusto mo. Pero tandaan mo 'to, ikaw lang ang babaeng iibigin ko..." bitaw ni Xavier. May umalpas na luha sa gilid ng kanyang mata. Mabilis siyang tumalikod at palihim na pinunasan. Hindi na hinintay ni Xavier ang sagot ni Vien, mabibigat ang mga paa na humakbang siya paalis, palayo kay Vien. Napayuko si Vien nang makalayo si Xavier sa kanya. "I'm sorry, I lied. Mahal kita... mahal na mahal kita..." sigaw niya sa kanyang isip saka humagulhol ng malakas na iyak. Dala ang kanyang maleta ay bumalik si Vien sa mansyon. Babalik na siya sa kanyang mga magulang gaya ng gusto ng mga ito. Hindi niya gusto ang hiwalayan si Xavier. Mahal na mahal niya ang binata kahit pa bawal ang kanilang pag-iibigan. Kahit pa ang magulang ang humadlang. Akala ni Vien ay kapag sumunod siya at nakipaghiwalay kay Xavier, tatanggapin na siya muli ng kanyang ama. Akala niya sapat na iyon upang maibalik ang lahat sa dati. Ngunit mali ang kanyang akala. Pagpasok pa lamang niya sa malaking pintuan ng mansyon, sinalubong agad siya ng malamig at matalim na tingin ng kanyang ama. Walang bakas ng kagalakan o awa sa mukha nito. "Nandito na po ako, Dad. Ginawa ko na ang gusto niyo. Nakipaghiwalay na po ako kay Xavier. Wala na kaming ugnayan ngayon, pinutol ko na," nanginginig na sabi ni Vien habang nakayuko. Inaasahan niyang yayakapin siya nito at tatanggapin pabalik. Nanlaki ang mga mata ni Vien sa gulat at takot nang isang malakas na palo ang ginawa ng ama sa lamesa. Kumalabog iyon, napakalakas. "Akala mo ba sapat lang 'yan?!" galit na sigaw ng ama. "Dinungisan mo na ang pangalan natin, Vien! Simula noong sumama ka kay Xavier. Kahit anong gawin mo, hindi na mabubura ang kahihiyang dinala mo sa pamilyang Valiente! Pinahiya mo ako sa harap ng lahat!" Hindi makapaniwala si Vien. Ang inaakala niyang magiging buo ang pamilya nila kapag ginawa niya ang gusto ng kanyang ama, mali pala. Mas pinili niya ang kanyang mga magulang kaysa taong mahal na mahal niya. "Pero Dad... ginawa ko naman ang utos niyo... Iniwan ko na siya..." humahagulgol na pagmamakaawa ni Vien. Lumapit si Fernando at matalim siyang tiningnan. "Hinding-hindi ko matatanggap ang katulad mo. Wala ka nang dangal. Para ka na ring patay sa akin. Umalis ka! Wala akong anak na katulad mo! At huwag ka nang magpapakita pa sa harapan ko, sa amin ng Mommy mo!" Nanlumo ang buong pagkatao ni Vien. Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Inalay niya ang lahat. Ang puso, ang kaligayahan at ang lalaking minamahal niya. Ngunit hindi pa rin iyon sapat para sa kanyang ama. Niloko siya nito. Ginamit lang siya upang mapalayo kay Xavier. "Paano niyo po nagawa ito? Dad, ano pa ba ang kulang? Ibinigay ko na ang lahat... pinili ko kayo ni Mommy!" garalgal ang boses na wika ni Vien. "Lumabas ka na! At dalhin mo ang mga dala mo! Mula ngayon, hindi ka na isang Valiente! Wala ka nang pamilya! Wala ka nang babalikan pa dito sa mansyon!" sigaw ni Fernando sabay itinulak siya palayo. Walang nagawa si Isabel. Umiiyak lang ito sa sulok ngunit wala ring lakas ng loob na suwayin ang asawa. Nakita lang nito kung paano itinaboy ang sarili nilang anak. Dala ang iilang gamit sa maleta, pinalabas si Vien sa sarili nilang tahanan. Isinara agad ang malaking pinto sa kanyang harapan na parang sinasabing wala na siyang puwang doon habang buhay. Sa labas ay ubod lakas ang pagbuhos ng ulan. Madilim at malamig ang paligid, katulad ng nararamdaman sa puso ni Vien. Walang matatakbuhan. Wala nang masisilungan. Iniwan siya ng lalaking minamahal at itinakwil ng sariling pamilya. Naglakad siya nang naglakad sa gitna ng malakas na ulan. Wala siyang kapera-pera. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basang-basa na ang kanyang katawan, nanlalamig at halos hindi na makakita dahil sa tubig at luha na magkahalo na sa kanyang mukha. "Wala na ako nang lahat... si Xavier, si Mommy at si Daddy. Anong gagawin ko ngayon?" bulong niya sa sarili habang unti-unting nanghihina ang mga tuhod. Dahil sa matinding panghihina, gutom at pait na nararamdaman, biglang nanlabo ang kanyang paningin at nawalan siya ng malay. Bago pa man dumapo ang kanyang katawan sa basang lupa, may malalakas na bisig ang agad na sumalo sa kanya. "Miss!" Isang boses ang narinig niya bago tuluyang lumubog sa kadiliman ang kanyang diwa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
659.6K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.3M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
897.5K
bc

A Warrior's Second Chance

read
317.0K
bc

Not just, the Beta

read
322.5K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook