Kabanata 1
Kabanata 1
Arcise
"Arcise! Anong kagaguhan itong ginagawa mo? Inaway mo raw ang customer natin?!" napatakip tenga ako sa lakas ng sigaw ng aming Manager sa akin dito sa kusina.
Hindi ko naman sinadyang sigawan ang babae pero talagang naubos na ang pasensya ko sa kanya. Ikaw ba naman na insultuhin sa harapan ng maraming tao na walang pinag-aralan at mababang trabaho lang ang pag wawaitress, magugustuhan mo kaya?
Hindi naman yata tama iyon.
Alam ko and I get it that Customers are always right but the was beyond!
Nagseserve lang naman ako nag pagkain tapos bigla niya akong sinermonan ng ganoon? Ano bang ginawa ko?
Isa pa, wala siyang alam sa buhay ko at mas lalong wala siyang alam sa natapos ko!
"Ininsulto po niya ak—"
"Wala kang hiya! Trabahador ka lang dito, Arcise! Matuto kang lumugar sa kung saan ka lang." Yumuko na lang ako at pumikit. Kailangan kong pigilan ang sarili ko sa maaring magawa ko sa aming Manager. Ako pa talaga ang walang hiya?
"Huwag na huwag kang umasa na bibigyan kita ng sahod ngayong gabi. Kung totoosin, wala kang halaga kumpara sa tatlong libong sahod mo!" napaawang ang bibig ko sa kanyang sinabi? Ako? walang halaga? Hindi ko mapigilang ikuyom ang aking mga palad.
Ako na ngayon ang walang halaga?
I need to calm down. I need to calm down.
Napahinga na lang ako ng malalim.
May naaalala na naman ako.
Siguro nga tama siya. Siguro nga wala talaga akong silbi sa mundong ito at walang magawang tama.
Sabagay, e hindi nga niya ako mabigyan ng kahit isang atensyon.
Baka tama nga si Manager, wala akong halaga. Dahil kung may halaga ako, matagal na niya akong ipinahanap.
**
"Sorry, Manuel. Kung sana may pera ako, matutulungan kita sa pagpapagamot sa anak mo." Malungkot kong sabi sa kaibigan kong nasa harapan ko ngayon.
Kakauwi ko lang ng bahay at mabigat pa din ang puso ko. Sa isang pagkakamali ko ay naging wala na akong halaga agad.
"Arcise naman.. Manuela ang pangalan ko." Kahit namomoroblema na kami, nagagawa pa din niyang ipaayos ang pangalan niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti "At isa pa, wala ka ba talagang pwedeng mautangan diyan? Please. Si Aleng Berdeng ayaw na akong tulungan. Kesyo daw, sobra na nga raw ang tulong na naibigay niya. Cise, please.." malungkot niyang sabi.
Napanguso ako. I really hate it when my friend is in the state of wariness. Kung sana may kapangyarihan lang akong gumawa ng pera, hindi na sana siya namomroblema ngayon.
"Why don't we try to contact your husband? Siya na lang ang naiisip kong makakatulong sa akin." Nanlaki agad ang mata ko sa sinabi niya at napatayo ako sa pagkaupo. Sa lahat ng pwede niyang sabihin ngayon ay iyan pa?
"NO!" matigas kong sabi at tinalikoran siya.
"Hindi pwede, Manuel! Hindi pwede. Hindi tayo hihingi ng tulong sa kanya kahit anong mangyari. Atensyon nga hindi niya maibigay sa akin, iyan pa kaya?" may hugot kong sabi at pinipigilang alalahanin ang sakit ng nakaraan. "Please, Manuel. Sa iba na lang. Mag-isip ka pa ng iba! Alam kong may maiisip ka pang iba!" pagmamakaawa ko. Hindi ako pwedeng bumalik sa kanya. Hindi...
"Pero Arcise, mamatay na ang anak ko. Kung pwede ko lang isauli ang batang ito bahay ampunan, ginawa ko na pero napamahal na sa akin ang batang ito. Walong taon ko na itong inaalagaan, Arcise. Please naman. Buhay ang pinag-uusapan natin dito. Please! You know this is no joke!" Napatingala na lang ako sa kalangitan sa pagmamakaawang sabi ni Manuel.
"Kung bakit naman kasi tayo naglayas sa bahay Arcise. Lahat na lang ng kalechehan sa mundong ito, nangyayari na sa atin at simula noong nagpasya kang magpakalayo muna."
Napatahimik na lang ako sa gilid sa sinabi niya.
Noong ikinasal ako kay Red, akala ko masayang buhay ang maibibigay niya sa akin. Pero iyon nga, akala ko lang talaga.
Si Manuel o Manuela, ang kaibigan kong maid namin noon. Hindi siya babae at mas lalong hindi siya lalake. Pero sa lahat ng tao sa mundong ito, siya lang ang naiintindihan ako ng lubos. Na kahit hindi ko na maintindihan minsan ang sarili ko, hindi pa din niya ako iniiwan. She ran away with me.
"Manuel naman.."
"Arcise, I am really desperate. Bumalik na lang kaya tayo? Ako na mismo ang hihingi ng pera sa asawa mo. You don't need to face him." And that would be unfair. Siya lang ang makakakita sa aking asawa ganoon? Ay hindi naman ata pwede sa akin iyon.
"Wag mo akong bigyan ng ganyang mukha, Arcise! Akala ko ba kaya gusto mong lumayo ay para makaiwas muna sa mukha niya, bakit ganyan ngayon ang mukha mo?"
Umiling na lang ako. Sa loob-loob ko, miss na miss ko na din ang asawa ko kahit hindi ako mahalaga sa kanya.
"Bumalik ka na lang sa loob, Manuel. Dito muna ako sa labas. Bantayan mo muna ang anak mo sa loob. Mag-iisip lang ako."
Sa kabila ng mga problemang hinaharap namin ngayon, tanging huminga na lang at ngumiti ang maibibigay namin sa aming mga sarili.
"Sige, Arcise. Basta, sa ayaw at sa ayaw mo, pupunta ako doon bukas." Tahimik na umalis si Manuel sa harapan ko.
Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa makahoy na lugar ng Polymedic Hospital. Malamig ang simoy ng hangin. Gutom na ako pero bente pesos lang ang natitirang pera sa wallet ko.
Kung babalik ako, babalik na naman ako sa sakit na maidudulot niya.
Sa isang taon kong pagkawala sa mata niya, hindi ko alam kung may pumalit na ba sa buhay ko sa kanya. May kung anong sakit ang gumapang sa dibdib ko. No. Ayaw kong isipin.
Mahal na mahal ko si Red at alam na alam niya iyon. Pero hindi lang iyon sapat na ipanatili ko ang sarili sa tabi niya ng ganoon. I want something he couldn't give.
I want time, I want an assurance at hindi niya iyon kailanman naibigay sa akin. Sa ilang taon naming pagsasama, ako ang nagdala sa aming relasyon. Busy siya sa kanyang pagiging Racer. Nang ikasal kami, huminto siya sa racing pero iba naman ang pinagkaabalahan niya, ang kompanya naman niya. Umabot ako sa puntong naramdaman kong para lang akong isang palamuti sa buhay niya.
Isang palamuti na kahit kailan ay hindi niya mabibigyan ng pansin dahil iba ang prayoridad ng kanyang buhay.
Nang alukin niya ako ng kasal, akala ko magbabago na siya.. pero hindi. Mas naging malala pa siya. Kahit isang 'Hi' man lang sa umaga, hindi niya magawa.
Ilang beses ko siyang sinubukan pagselosin sa mga taong nakapalibot sa akin, pero kahit kailan, hindi siya nagselos.
Ano ba talaga ako sa buhay mo Red? Bakit mo ako pinakasalan? Mahal mo ba ako?
Tatlo lang iyan sa mga tanong na ilang beses kong tinanong sa kanya pero kibit balikat lang ang sagot niya.
Asawa pa ba ako sa ganyang sagot niya?
Minsan, napahiling ako na sana isa na lang akong kompanya, para naman maranasan kong ibigay niya sa akin ang buong atensyon niya. O di kaya, sana kotse na lang ako, para kasama niya ako sa mga lugar na kanyang pupuntahan. O di kaya sana investor na lang ako sa kompanya niya, para naman maramdaman ko ang pakiramdam na nakakausap siya ng masinsinan.
Ito kasi ang mahirap sa kanya.. ako ang asawa niya pero mas committed pa siya sa kanyang negosyo at trabaho.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Hinanap ko ang contact number niya at pinindot ang call button.
Ilang rings muna ang hinintay ko bago niya ito sinagot.
"Sino to?" napangiti ako sa boses niya. Laging ganito ka seryoso.
"Sino ba ito!" naiinis niyang sabi sa kabilang linya. Narinig kong bumuntong hininga siya. Oh, how I love to hear that, Red.
"Ibababa ko na." aniya sa kabilang linya at binaba ko na din ang cellphone ko.
Laging ganito ang ginagawa ko bago ako matulog.
Kahit naman nagpakalayo ako, mahal ko pa din siya.
Gusto ko lang talagang marinig ang boses niya araw-araw. At kahit sobang pagod na ako, marinig ko lang ang boses niya, gumagaan ang pakiramdam ko.
Ibinalik ko ulit ang tingin sa langit.
Sumagi ba sa isip niya ang pangalan ko o ang mukha ko? Hinanap ba niya ako? May alam ba siya sa mga ginagawa ko?
Napabuntong hininga ulit ako.
Babalik ako bukas sa bahay niya. Hindi ko alam kung welcome pa ba ako doon. Pero babalik ako. Sasamahan ko si Manuela sa kanya. At uuwi na kami.
Oh, God! Sana makayanan kong pigilan ang sariling huwag siyang yakapin.. gumwapo kaya siya sa personal o mas lalong tumangkad? Na-miss kaya niya ako?
Kasi ako, miss na miss ko na siya..
Laging larawan lang niya ang nakikita ko tuwing napapadaan kami sa bookstore. Mukha ni Red ang cover nung magazine. Naalala ko ang manipis niyang labi sa magazine. Those lips I loved kissing.
Napangiti na lang ako ng mapait.
Memories...