Kabanata 33 Mas hinigpitan ko pa ang yakap kay Manuela. Halos isang buwan ko siyang hindi nakita. "Anong nangyari sa iyo? Bakit naka make-up ka?" tanong ko at saka kumalas ng yakap. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. "Ateng, hindi ka pa na-inform? Si Doctor Robert ang doktor ng iyong asawa. Kaya kailangan kong magpaganda." Napatawa ako ng malakas. And it feels so good. Ngayon lang ata ako nakatawa ulit ng ganito. "I knew it. Alam mo bang hindi ko nakilala agad si Doctor Robert," masayang sabi ko sa kanya. Ang saya ko lang. "Hindi na bago iyan, Arcise. Lahat ata nakakalimutan mo kapag si Red ang pag-uuspan. Letche ka!" pumula ang pisnge ko. Gusto kong mainsulto pero dahil si Manuela ang nagsabi nun, naging compliment ang dating nun sa akin. "Hindi naman," "Anong hindi naman? Ga

