Kabanata 28 "Anak, baka gusto mong sumunod sa amin sa probinsya?" napalingon ako sa sinabi ni Nana. Agad kong nakita ang maleta sa kanyang tabi at si Mang Estilo sa kabilang tabi niya. "Aalis na po kayo?" naguguluhan kong sabi. May nagawa ba akong masama? Ayaw na ba nila sa akin? "Hindi naman anak. Uuwi muna kami sa probinsya dahil ikakasal na ang panganay kong anak. Babalik din naman kami pagkatapos ng isang linggo." Napahinga ako ng maluwag sa aking narinig. Akala ko pa naman ay iiwan na nila ako. "Nakapagpaalam na kami kay Sir Red Ma'am, maaga nga pala siyang umalis ngayon. May meeting daw po sila ng maaga." As if! If I know, namiss niya ang kanyang kireda at nagmamadali siyang makita ito. Tang ina! Ang aga-aga ko namang nagmura! "Basta Arcise ha. Kung ano man ang mangyari, nasa pr

