Kabanata 26 Pinunasan ko ang aking mukha na hindi ko alam kung mukha ko pa ba din ito ngayon. Ilang beses kong sinubukang lumunok pero lagi akong nauuwi sa paghikbi. Nakita kong nasa butuan na kami at walang tigil ang pagmamaneho ng driver. Pinunasan ko ulit ang tumakas na luha. Nakatingin lang ako sa labas. Sinubukan kong bilangin ang mga nadadaanan naming punong kahoy pero lagi akong napupunta sa pangalan ni Red at ni Nadia. All my life, all I ever wanted was to live peacefully. Pero mukhang hindi ako biniyaan ng katahimikan sa buhay. Hindi ko naisip na kayang gawin ito ni Red sa akin. Hindi ko alam kung gaano kabigat ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko na lang lumayo o mamatay. Sa sobrang sakit na aking nakita, hindi ko na malaman kung ano pa ang gagawin. Hinayaan ko ulit na lum

