Chapter 44

2330 Words

TAMIE Kahit kasama namin si Prince ay naging natural pa rin ang kilos ko. Pinakita ko rito kung ano talaga ang ugali ko kapag kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko naman intensyon na ma-turn off siya sa akin para tumigil na siya sa pangungulit na ligawan ako, gusto ko lang maging komportable ako habang kasama sila. Nang nanood kami ng sine ay lumayo ako sa kanya, hindi ako umupo sa tabi niya, sa halip ay umupo ako sa gitna ni Keffie at Vergie. Gumawa ako ng paraan para hindi kami magkalapit na dalawa. Ayoko magtalo kami ni Kuya Rhann dahil lang sa hinawakan ako ni Prince dahil baka posibleng gawin niya iyon. Pagkatapos manood ay naglaro kami sa mga claw machine sa isang palaruan. Halos lahat ng nakukuha ni Prince ay binibigay niya sa akin kaya inggit na inggit ang dalawang kasama pa na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD