TAMIE Tulala ako habang nakatingin sa mga kaklase kong nagma-martsa sa entablado. Sa lahat ng practice namin ay wala ako sa huwisyo. Parang palagi akong lutang at wala sa practice ang isip ko. Ilang araw ng may gumugulo sa isipan ko. Maraming katanungan ang sumasagi sa utak ko pero ang tanging makakasagot lang nito ay ang tao na ilang araw ko ng hindi nakikita. Simula ng umalis kami ni Tristan sa bahay ay hindi ko pa nakikita si Kuya Rhann. Nagkakausap naman kami sa phone sa tuwing tumatawag siya pero sa tuwing tinatanong ko siya kung bakit hindi pa siya dumadalaw sa amin sa bahay ay busy raw siya nitong mga nakaraang araw. Nagbigay naman siya ng assurance sa akin na pupunta siya sa graduation ko kaya kahit paano ay nabawasan ang mga alalahanin ko. Pagkatapos ng practice ay nagyaya si

