Chapter 52

2114 Words

TAMIE Palinga-linga ako sa paligid. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at para ako naiihi. Malapit na magsimula ang program pero hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi ba siya makakapunta? Kinawayan ko si Ate Tanie, sa likuran ito nakaupo. Ito ang aakyat sa stage para sabitan ako ng medal. Katabi naman nito si Tristan at Kuya Ralphie na salubong ang kilay at parang may tinatawagan. Si Kuya Rhann kaya ang tinatawagan niya? Iniwan muna nila ang anak nilang si Ariella sa magulang ni Kuya Ralphie para maka-attend sila sa graduation ko. Pero mas magiging masaya ako kapag pumunta si Kuya Rhann. Ngumiti si Ate Tanie ng makita ako. Kahit bahagya itong nagkaroon ng laman dahil sa pagbubuntis nito ay hindi nakabawas sa ganda nito iyon. Hinanap ko sa kanya si Kuya Rhann pero kinalabit naman nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD