RHANNDALE SAINT Abala ako sa pagpili ng damit na isusuot ko para sa graduation ni Tamielina. Damn, hindi ako ang ga-graduate pero sobra ang excitement ko para sa kanya. Hindi na ako makapaghintay na makita siyang aakyat sa stage at tatanggap ng medal. Kahit hindi man ako ang magsasabit ng medal ay proud na proud ako dahil sa wakas ay nakapagtapos na siya. Simula ng kunin siya ni Kuya Raf-Raf ay ilang gabi na akong hindi nakakatulog. Palagi akong puyat at nag-iisip ng paraan para makalapit sa kanya ng hindi alam ng kapatid ko. Ilang araw na akong nagtitiis lang sa pagsunod at pagsulyap sa kanya mula sa malayo. Hindi ko malusutan ang bantay niyang inilaan para sa kanya ng kapatid ko. Siniguro talaga ni Kuya Raf-Raf na hindi ako makakalapit kay Tamielina. Kaya naman nakahanap ako ng pagk

