KIYOSHI Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang condo ng kaibigan ko. Ngunit bigla akong nabahala ng makita ko na naiwang nakabukas ang pintuan niya. Napasok na ba siya? Mayamaya lang ay may lumabas na dalawang lalaki at parehong may dalang bolo knife. Hindi nakaligtas sa mata ko ang tumutulong dugo sa talim ng bolo. Kinutuban at nabahala kaagad ako na baka may ginawa na sila sa kaibigan ko. “Catch them!” utos ko sa mga kasama ko na kaagad hinabol ang dalawa na mabilis namang tumakbo ng makita at marinig ako. Tinakbo ko ang pintuan ng condo niya at pumasok. Kaagad na hinanap ng mata ko ang kaibigan ko. Ang ilang miyembro na sumunod sa akin ay nagsimula ng hanapin si Rhann. “Boss Kiyo!” tawag sa akin ng isa sa El Casa. Mabilis akong lumapit at bumungad sa harap ko ang mga lalaking w

