Chapter 8

2435 Words
TAMIE Pagsapit ng hapon ay umiiyak pa rin si Tristan. Pinilit ko s'ya mag-toothbrush pero ayaw naman niya. Hanggang sa hinanap na niya Ate Taniella kaya sinabi ko kay Kuya Rhann na tawagan ito. Kinausap ko si Ate Tanie at sinabi niya na pupunta raw siya sa bahay. Ilang minuto lang ay nasa bahay na ang kapatid ko. Hindi rin ako nakatiis na isumbong si Kuya Rhann. At habang tino-toothbrush-an ni Ate Tanie si Tristan ay nagkasagutan na naman kaming dalawa. Masama ang tingin na binalingan ko si Kuya Rhann. Tinaasan naman niya ako ng kilay. “Don't look at me na parang ang laki ng kasalanan ko.” "O bakit, totoo naman. Kung hindi mo binigyan ng candy si Tristan ay hindi sana sumakit ang ngipin niya," paninisi ko rito. "You brat, Tristan wanted it so I gave it to him. Can't I grant what your brother wants?" hindi nagpapatalo na sagot naman ni Kuya Rhann. "Kahit na, Kuya Rhann. Kung alam mong makakasama, hindi mo na dapat binigay. Mukha ka namang matalino pero hindi mo ginagamit," ganting sagot ko. "Hey, watch your words, young lady. You don't know who you're talking to. And how many times do I have to tell you not to call me kuya." Bakas sa boses niya na nauubusan na siya ng pasensya sa akin. "E, gusto kong tawagin kang kuya. Bakit ba ang kulit mo? At saka, sino ka ba, ha?" tanong ko pero ilang segundo na ang nakalipas ay wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Sa halip ay madilim ang mukha na tinalikuran niya ako at lumabas ng silid. Kinausap ako ni Ate Tanie ng nasa kusina kaming dalawa. Pinayuhan niya ako na huwag ko raw sasagutin si Kuya Rhann dahil wala akong ibang mahihingan ng tulong kundi ito lang. Sinabi niyang humingi ako ng tawad sa pagsagot ko rito kaya ginawa ko naman. Pero itong si Kuya Rhann ay hindi ko na naman maintindihan. Bilisan ko na raw ang paglaki ko dahil nahihirapan daw siyang ipaintindi sa akin ang lahat. Bago umalis si Ate Tanie ay may magandang balita siyang sinabi sa amin. Magkakaroon na raw kami ng pamangkin. Ibig sabihin ay magkaka-baby na silang dalawa ni Kuya Ralphie kaya tuwang-tuwa ako. Kami na lang ulit ang naiwan sa bahay. Si Kuya Rhann ay umakyat sa itaas. Sinamahan ko naman si Tristan sa sala dahil gusto nito manood. Nakahinga na ako ng maluwag dahil kahit paano ay hindi na ito umiiyak. Humuhupa na rin ang pamamaga ng pisngi nito. Ilang minuto pa ako nanatili sa sala bago ako nagpaalam kay Tristan na aakyat muna ako sa silid. Papasok na sana ako ng makita ko si Kuya Rhann na lumabas sa kwarto niya habang nasa tapat ng tainga ang phone nito. “Have you seen the signal?” tanong nito sa kabilang linya. Ilang segundo ito hindi nagsalita, marahil ay may sinasabi ang kausap nito. “Do you need me?” Pumihit siya paharap sa akin kaya nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. “Okay, bye.” “May problema po ba, Kuya Rhann?” Parang bigla kasi binalot ng pagkabahala ang mukha nito pagkatapos makipag-usap. “Nothing.” Lumapit siya sa akin. “Nothing to worry about, kitten. Everything is going to be fine, hmm?” Ginulo niya ang buhok ko bago ako tinalikuran. Kunot lamang ang noo ko habang nakatingin sa kanya habang pababa siya ng hagdan. Bakit parang may kahulugan ang sinabi niya? May nangyari ba na ayaw lang niya sabihin sa akin dahil hindi ko naman maiintindihan? Kinuha ko ang phone ko sa kwarto at muling bumaba. Naabutan ko si Kuya Rhann na katabi si Tristan na nakatuon ang atensyon sa pinapanood nito. Umupo ako sa pang-isahang sofa at inabala ang sarili sa phone ko. Napansin kong tumayo si Kuya Rhann. Sinundan ko ito ng tingin ng lumabas ito sa pintuan at kinausap ang dalawa sa mga lalaking nagbabantay sa bahay. Ilang sandali lang ay umalis ang dalawa at naiwan si Kuya Denmark at ang isa pa. Mabilis kong tinuon ang atensyon ko sa phone ko ng humarap siya sa amin. Sa gilid ng mata ko ay naglakad siya palapit at muling umupo sa tabi ni Tristan. Pasimple ko siya tinapunan ng tingin pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng magkasalubong ang mga mata naming dalawa dahil nakatingin pala siya sa akin. Katulad kanina ay balot pa rin ng pagkabahala ang mukha nito. Bakit pakiramdam ko ay may bumabagabag sa kanya? Pagsapit ng hapunan ay hindi nga sumabay kumain sa amin si Kuya Rhann, mukhang pinanindigan nito na ayaw akong kasabay kumain. Pagkatapos kumain ay dumiretso na kami sa kwarto. Hinugasan ko muna ang kapatid ko at binihisan bago binuksan ang television sa silid. Tutok na tutok ako sa pinapanood ko kaya nang balingan ko si Tristan ay natutulog na pala ito. Inayos ko ang pagkakahiga nito bago lumabas ng silid para uminom ng tubig. Pasado alas diyes na ng gabi kaya medyo madilim na sa sala ng bumaba ako. Pero nakapagtataka dahil nakabukas ang ilaw sa kusina. Pagpasok ko ay napahinto ako dahil nakita kong nakaupo si Kuya Rhann at kumakain. Pigil ang tawa ko ng makita ko ang reaksyon niya, para kasi siyang nakakita ng multo ng makita ako. “Why are you still awake?” Tinungo ko ang refrigerator at kumuha ng tubig. Nagsalin ako sa baso bago umupo sa tapat ni Kuya Rhann. “Maaga pa naman po. At saka, nasanay kami ni Ate Tanie na kapag dumating na sa bahay ang magulang namin ay saka kami matutulog.” Binalot na naman ako ng lungkot ng maalala ko ang sinapit ng magulang ko. “Ang weird nga po e, kung kailan saka ako natulog ay may nangyari palang hindi maganda paggising ko, ” malungkot na patuloy ko. Sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat ng makita ko si tatay na unti-unti nanghihina sa harap namin ni Tristan habang tumatagas ang dugo sa dibdib nito. Mas lalong gumimbal sa akin ng bumalik si Ate Tanie na kasama si nanay na wala na ring buhay. Tumikhim ako para linisin ang nagbara sa lalamunan ko at pilit na ngumiti sa harap ni Kuya Rhann. Ngunit kumunot ang noo ko dahil parang natigilan ito. “Late ka na kumain, Kuya Rhann,” pag-iiba ko na lang sa usapan. Nagpakawalan siya ng malalim na buntong-hininga bago uminom ng tubig. “It's better to eat late than to eat with you,” prangka nitong sabi. Sumimangot ako at inirapan siya. “Ang arte. Ano ba kasi ang problema kung magkasabay tayong kumain? Kakain lang naman tayo, ‘di ba?” maang kong tanong at muling uminom ng tubig. Habang umiinom ay tinapunan ko ng tingin si Kuya Rhann. At ang lalaki, nahuli ko na namang titig na titig sa akin. Sunod-sunod din ang paglunok nito base sa paggalaw ng adams apple nito. Nawiwili na yata siya kakatingin sa ‘kin. Gusto ko na tuloy siyang tanungin kung bakit palagi niya ako tinititigan. “Damn it.” Kinuha niya ang pitsel na hawak ko at nagsalin ng tubig sa baso. Kaagad niya itong tinungga na para bang uhaw na uhaw siya. Akala mo ay natuyuan ng laway sa sobrang pagkauhaw. “Ayoko ng ulitin ang sinabi ko, Tamielina. Just mind your own f*****g business,” masungit nitong sagot. “Ang sungit mo naman. Nagtatanong lang naman ako. Syempre, gusto ko rin malaman ang sagot kung bakit ayaw mo ako kasabay kumain. At saka, isa sa natutunan ko sa magulang ko, kung sino ang magkakasama sa bahay, dapat ay sabay-sabay rin kumain bilang respeto na rin sa isa't isa. Pero ikaw, iba ang takbo ng utak mo. Mas gusto mo kumain mag-isa kaysa may kasabay. Ang saya kaya na may kasabay kumain. At saka, tanungin nga kita, masaya ka ba? Nag-e-enjoy ka ba na kumakain mag-isa?” mahabang litanya ko. Ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa rin siyang sagot at nanatili lamang nakatitig sa akin. Hindi ko rin natagalan ang mga tingin niya kaya ako na ang unang nag-iwas ng tingin at muling uminom ng tubig. “Sanayin mo na ang sarili mo na matulog ng maaga dahil pang-umaga ang klase mo,” sa halip ay seryosong sabi nito. Binaba ko ang baso at nakangiting muling binalingan siya. Bigla akong na-excite sa sinabi niya. “Wala namang problema kung pang-umaga ang pasok ko. Mas gusto ko nga ‘yon, e. Pero bakit parang ang bilis naman yata? No'ng isang araw lang ako nagpa-enroll, ‘di ba?” takang tanong ko. “Yeah. Sinabi ko lang. But I will inform them to put you in the morning class. Kapag hapon ay gabi ka na makakauwi. Hindi ka pwedeng abutin ng gabi sa labas.” Grabe, ang advance talaga niya mag-isip. Masyado pinapangunahan ang school sa magiging schedule ng pasok ko. “Bawal ba ako sumama sa mga kaklase ko kapag niyaya nila ako lumabas?” Mas mabuti nang pinag-uusapan namin ang bagay na ito. Baka kasi pati iyon ay ipagbawal niya sa akin. “You can go out with your classmates if your bodyguard or I are with you. So that means you'll let me know first if you're going out.” Napaawang na lang ang labi ko sa sinabi nito. Seryoso ba siyang talaga? Kailangan talaga ay may nakabuntot sa akin kapag lalabas ako? “May sarili na akong pag-iisip, Kuya Rhann. Baka naman pwedeng magdesisyon ako ng sarili ko na hindi na dumadaan sa ‘yo.” Bakas ang sarkasmo sa tono ng boses ko. “Enough of these arguments, Tamielina because otherwise I will eat you if you don't stop making excuses.” Tumayo siya at dinala ang pinagkainan sa sink. Umismid ako at pairap na tiningnan siya kahit nakatalikod siya sa akin. Ang bossy niya sa akin. Masyado niya pinapakialaman ang buhay ko. Hindi ko magawang magdesisyon para sa sarili ko. Padabog na nilagay ko sa refrigerator ang pitsel. Sa inis ko ay malakas din ang pagsara ko ng refrigerator. Tutal, naghuhugas siya ay padabog ko rin nilagay ang baso sa sink. Naiinis ako sa pakikialam niya sa akin. “Nagdadabog ka ba?” “Hindi. Dumulas lang sa kamay ko,” dahilan ko. Huminto siya sa kanyang ginagawa at hinarap ako. “Are you annoying me again, Tamielina?” Nagkibit-balikat ako at nginisihan siya. “Bakit? Naiinis ka?” Dumilim ang mukha niya. “You brat.” Akma niya akong hahawakan ng mabilis ko siyang sinipa sa binti dahilan ng pagdaing niya. “Damn it. What the f**k is your problem?” Hinawakan niya ang binti kung saan dumapo ang paa ko. “f**k. Humanda ka talaga sa ‘kin.” Nanggigigil na hinarap niya ako. Umirap ako bago siya tinalikuran. “Kahit pa'no ay nakabawi na ako sa pagiging manipulative mo.” Matagumpay ang sumilay na ngiti sa labi ko. Ngunit hindi pa man ako nakakalabas sa kusina ay impit akong napatili ng hilahin niya ang kamay ko at mabilis na umikot ang braso niya sa baywang ko. “Bitiwan mo ako, Kuya Rhann, ano ba!” Sa laki niyang tao at sa liit kong babae ay nahirapan akong makawala sa kanya. Kulang na lang ay pilipitin niya ang baywang ko sa sobrang higpit ng pagkakahapit niya sa akin para lang hindi ako makawala sa kanya. “No. I will punish you for what you did, you brat. Akala mo ay palalampasin kita, ha? You made a mistake with the person you showed your goddamn f*****g attitude.” Mabilis niyang kinuha ang dalawang kamay ko at dinala sa taas ng ulo ko. “Sumosobra ka na, alam mo ba ‘yon? You're only fifteen but you're already a fighter. What more when you get older, huh? f**k, you're draining my patience, Tamielina. From 100 percent patience to half. Kaya pasensyahan tayo ngayon dahil mabilis na nag-one percent ang natitirang pasensya ko.” Nanlalaki ang mata at napasinghap ako ng umatras kami. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko sa pader. Mabilis na dinala niya sa pader ang dalawang kamay ko. Sa ginawa niya ay parang umangat sa sahig ang mga paa ko. “What now, huh? Are you afraid of the possible punishment I will give you, hmm, bebeğim?” Kahit nangangawit na ang leeg ko dahil sa pagkakatingala ko sa kanya ay matapang ko pa rin sinalubong ang malamig na tingin niya sa akin. “Isusumbong kita kay Kuya Ralphie,” matapang kong sabi. Pagak siyang tumawa bago ngumisi. “Then, do it. Hindi ako natatakot.” Kinagat ko ang labi ko at yumuko. “N-nahihirapan na ako huminga, Kuya Rhann,” sabi ko na lamang. Totoo iyon dahil sa pagkakadagan niya sa akin, lahat ng bigat niya ay napunta sa manipis kong katawan. Nahimasmasan siya kaya bahagya niyang nilayo ang katawan sa katawan ko. Sinamantala ko ang pagkakataon para makawala sa kanya. Kung mautak siya, mas mautak pa rin ako. Agad na kumilos ang paa ko, inapakan ko ang paa niya ng ubod lakas kaya nabitawan niya ako. Sinamantala ko habang dumadaing siya sa sakit. Akma ko siyang tutuhurin sa pagitan ng hita niya ng mabilis niyang nasalag ang tuhod ko. Pero mabilis ang naging kilos ko, umigkas ang isang paa ko para patamaan siya sa kanyang tagiliran pero mabilis siyang nakaiwas. Nang umatras siya ay nahawakan niya ako sa kamay. Pero sa kasamaang palad ay nadulas siya kaya pati ako ay sumama sa kanya at napunta sa ibabaw niya. Para akong napaso na mabilis na umalis sa ibabaw niya pero nawala ako sa balanse kaya napunta ako sa sahig. Mabilis naman na nilagay niya ang isang kamay sa likod ng ulo ko para hindi ito tumama sa sahig. Hinihingal na humiga na lang ako sa sahig habang nakaunan ang ulo ko sa palad niya at tumingin sa kisame. Mayamaya lang ay unti-unti napuno ng halakhak naming dalawa ang apat na sulok ng kusina. Binaling ko ang tingin kay Kuya Rhann. Tumatawa pa rin ito. Mayamaya lang ay binalingan niya ako. “Are you alright?” Bakas ang pag-aalala sa boses niya kahit tumatawa siya. Na-guilty ako dahil ako pa rin ang inaalala niya kahit nasaktan ko siya. Nakangiting tumango ako. “Sorry,” salitang lumabas sa bibig ko. “It's okay, but…” Nagsalubong ang kilay niya at puno ng pagtataka na tumitig sa akin. “Where did you learn that skills? You know how to fight, Tamie, you know that? Did someone teach you to fight?” Hindi ako nakakibo sa tanong niya. Sasabihin ko ba ang totoo? Pero kapag sinabi ko ay baka magduda siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD