TAMIE Tumayo ako ng hindi sinasagot ang tanong ni Kuya Rhann bago yumukod para alalayan siyang tumayo. Alam kong nakatingin pa rin siya sa akin at hinihintay ang sagot ko pero iniiwasan ko na magtagpo ang paningin naming dalawa. Nang nakatayo na siya ay tumalikod na ako ngunit napahinto ako ng hawakan niya ang braso ko. “You haven't answered my question yet, young lady. Where did you learn to fight?” Walang bahid ng emosyon ang boses niya. Pasimple akong huminga ng malalim bago muling pumihit paharap sa kanya. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya ng sulyapan ko siya. “Nakikita ko lang sa mga action movie na pinapanood ko. Pinag-aaralan ko ang bawat galaw nila para kapag dumating sa point na malagay ako sa alanganin, kahit paano ay kaya kong ipagtanggol ang sarili ko,” sagot ko.

